embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Okay Lang Bang Itago Sa Partner Natin Ang Ating Social Media Accounts?

    Hanggang saan nga lang ba dapat ang nakikita mo sa social media ng iyong asawa?
    by Ana Gonzales .
Okay Lang Bang Itago Sa Partner Natin Ang Ating Social Media Accounts?
PHOTO BY iStock
  • Halos lahat ng tao ngayon, basta mayroong cellphone, tablet, o computer, kalimitan ay may social media account. Sa katunayan, may mga tao pa ngang higit pa sa isa o dalawa ang Facebook at Instagram accounts. 

    Ayon sa isang pag-aaral mula sa Global Web Index, nangunguna tayong mga Pinoy sa listahan ng mga users na talaga namang babad na babad sa social media. Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, madalas kaming makatagpo ng mga kwentong patungkol sa labis na paggamit ng social media, hindi lang ng mga bata at mga teenagers, kundi pati na rin ng mga asawa.

    Narito ang mga #SPConfessions na natanggap namin patungkol sa labis na paggamit ng social media: 

    Is my husband cheating?

    May tiwala ako sa asawa ko. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Pero lately, napapansin ko na para bang nagbago siya. Ilang buwan pa lang siya sa kanyang bagong trabaho. Ngayon, ang ginagamit nila to communicate at work ay Facebook Messenger. Napansin ko na marami siyang kausap na officemates niya na babae. Okay lang naman iyon. Wala namang problema sa akin 'yun. Ang nagtataka ako, kung professional at work-related ang usapan nila, bakit kailangan nilang magpadala ng mga pictures? Minsan selfie, minsan food, madalas kung anu-ano lang na sa tingin ko ay hindi naman related sa trabaho nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag tinatanong ko siya kung sino ang mga 'yun at kung anong pinag-uusapan nila, hindi niya ipinapaliwanag. Sinasabi niya lang na work o workmate niya.

    Minsan, nakita ko siyang nagbubura ng mga messages. Hindi ko na siya tinanong tungkol dito, pero ngayon, hindi ko naman maiwasang isipin na may ginagawa siya behind my back. Kasi kung wala siyang tinatago, bakit nagdedelete siya ng mga messages na iyon? Saka bakit ganoon? Bakit todo kwentuhan sila, tapos may selfies at minsan may videos pa, tapos bigla niyang buburahin? Hindi na rin niya iniiwan ang cellphone niya kung saan-saan. Palagi niyang dala at laging 'yun na lang ang hinahawakan at inaasikaso niya. Is he cheating?

    More from Smart Parenting

    My husband blocked me from his social media accounts

    Pakiramdam ko binlock ako ng asawa ko sa social media. Kung hindi man, pakiramdam ko, naka-filter na ang mga pwede kong makita. Dati kasi, nakikita ko pa ang mga posts niya, ngayon, wala na. Pero 'pag gamit ko ang account ng kaibigan ko, nakikita ko ang mga recent posts niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa Instagram niya naman at Twitter, hindi ko na makita ang profile niya. Pero kapag nag-search ako gamit ang account ng iba, meron naman.

    Hindi ko alam kung paano ko siya dapat i-approach tungkol dito. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sa kanya kaya naka-block na ako o filtered sa mga social media accounts niya. Hindi ko maintindihan. May tinatago kaya siya? Dapat ko ba siyang kausapin tungkol dito? Naranasan niyo na rin ba ito?

    More from Smart Parenting

    Mahilig ang asawa ko mag-like at mag-follow ng mga magaganda at sexy na babae online

    Na-iinsecure ako tuwing nakikita ko ang asawa ko na nagfofollow at nag-lilike ng mga sexy na babae sa social media, lalo na sa Instagram. Sabi niya sa akin, 'wala lang' daw ito. Nakikita lang niya tapos i-lilike lang niya. Para sa akin kasi, hindi magandang tignan na ganoon na like siya ng like ng mga babaeng naka-swimsuit o hindi naman kaya ay talagang sexy. Pakiramdam ko, hindi na siya nagagandahan sa akin kasi mataba na ako. Ako lang ba ito, mommies? Okay lang bang sabihan siya na huwag mag-like ng pictures ng iba lalo na kung ibang babae at sexy pa?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ang mga kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles