embed embed2
  • 'Di Na Tayo Nagde-date' How This Mom's Realization Turned Into A Wakeup Call

    Gaano man kayo ka-busy sa pagiging magulang, hindi pa rin dapat pabayaan ang role ninyo sa isa't-isa.
    by Ana Gonzales .
'Di Na Tayo Nagde-date' How This Mom's Realization Turned Into A Wakeup Call
PHOTO BY Shutterstock
  • Anu-anong mga nagbago sa pagsasama ninyo ng asawa mo nang magkaroon kayo ng anak? Malimit ang nagiging sagot dito ng mga nanay ay tatay ay ang kawalan na ng date night o iyong pagkakataong makapag-solo naman.

    Normal lang itong nangyayari. Minsan, sa sobrang busy kasi ng mga nanay at tatay sa paghahanap-buhay at pag-aasikaso sa bahay, hindi na nabibigyan ng pansin ang responsibilidad nila sa isa't-isa bilang mag-asawa.

    Sa isang Facebook post na ibinahagi ni mommy Joselle Therese Ona sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, ikinwento niya ang naging pangako nilang mag-asawa sa isa't-isa.

    "On the 5th year of our marriage, it just dawned on me that we ceased going on a date as a couple. Don't get me wrong, I love our dates with our kids but we need "us" time too," sabi niya sa kanyang post.

    Sinabi niya sa asawa niya ang realization niya. Sagot naman ng kanyang asawa, babawi sila kapag medyo malalaki na ang mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ngunit para kay mommy Joselle, hindi sapat na dahilan na maliliit pa ang mga bata para hindi na sila ulit mag-date mag-asawa. "It's a good point, but for someone like me whose love language is quality time, it's not enough excuse," kwento niya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "It's really more of me wanting to have quality time with you sana," sabi ni mommy sa kanyang asawa. Just us. Which you may not have realized na we haven't done so for a very long time."

    Sinabi rin daw ni mommy sa kanyang asawa na hindi siya naghahanap ng kahit anong mamahalin o bongga. "Naisip ko lang we are getting better as parents, as a family, but we aren't building on our relationship as a couple na."

    Sumang-ayon naman ang asawa niya kaya pareho silang nangako na paglalaanan na ng panahon ang kanilang relasyon. "Perhaps reality hit him hard as well. So we both promised to go on a date not as a family, just us, soon. Kung kelan at saan at paano, we don't really know yet," sabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "What matters is that we are checking and evaluating the relationship that we currently have," dagdag pa niya. "Note to self: We're not just parents. We are a couple, too."

    Maraming mga nanay at tatay ang naka-relate sa mga sinabi ni mommy. Naging wakeup call din sa kanila ang kanilang nabasa at naging daan din ito para masabi nila sa kanilang mga partners ang kanilang mga nararamdaman at pangangailangan.

    Ilan sa kanila ang nagsabing hindi porket naging magulang na tayo ay pababayaan na natin ang pagiging mag-asawa. Magkaibang aspeto pa rin ang pagiging husband and wife at ang pagiging mommy at daddy.

    Kayo? Paano ninyo pinapanatili ang kilig? Paano ninyo sinisigurong hindi ninyo mapapabayaang mag-asawa ang inyong pagsasama? I-share niyo ang inyong mga techniques sa comments section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles