;
embed embed2
  • Madamot Ba Kami? Hindi Namin Afford Ang Demand Na Sustento Ng In-Laws Ko

    Umaabot sa puntong kinukulang na ang aming pamilya.
    by Ana Gonzales .
Madamot Ba Kami? Hindi Namin Afford Ang Demand Na Sustento Ng In-Laws Ko
PHOTO BY Shutterstock/Tirachard Kumtanom
  • Bahagi na ng kultura nating mga Pilipino ang pagkakaroon ng extended family. Malimit, kahit may sarili nang pamilya, kasama pa rin natin sa bahay ang ating mga magulang at kapatid.

    Wala namang masama dito, lalo na kung maayos naman ang samahan ng buong pamilya. Pero paano kung ang ating mga in-laws mismo ang nagiging sanhi ng problema?

    'Yan ang isa sa mga maiinit na topics na pinag-uusapan ngayon sa aming online community. May mga lumapit para humingi ng payo kung ano nga bang magandang gawin kung sobrang manghingi ng pera ang in-laws. Narito ang ilan sa mga sagot ng aming mga masugid na tagasubaybay:

    Paano kung grabeng manghingi ng pera ang in-laws ko?

    Walang masama kung mayroon namang extra

    Maraming nagsabi na hindi masamang tumulong sa mga in-laws lalo na kung mayroon namang extra ang pamilya.

    Magbigay ng goods sa halip na pera o magtalaga ng halaga

    Ilan sa aming mga readers ang nagsabing sa halip na pera, groceries at maging maintenance na gamot ng in-laws ang ibinibigay nila.

    Mahalaga na huwag magtakot mag-offer nang hindi pera. Malaki na rin ang tulong ng buwanang groceries sa in-laws mo, lalo na kung hindi na sila nakakapagtrabaho.

    Makakatulong din kung magtatalaga lang kayo ng halaga ng kaya ninyong ibigay buwan-buwan. Sa ganitong paraan, wala silang maide-demand at hindi kayo magugulat sa buwan-buwang paghingi.

    Huwag matakot maging open sa totoong kaya ninyong ibigay

    Takot ka ba sa conflict at komprontasyon? Malimit kasi, hindi nagsasalita ang mag-asawa sa takot na makapagsimula sila ng conflict.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa ilan sa aming mga followers, mahalaga ang pagiging transparent sa ating mga in-laws para may konteksto sila sa kung bakit iyon ang halagang naibibigay sa kanila.

    May ilan pang nagsabing ibinabahagi nila sa mga in-laws nila kung magkano ang gastusin nila buwan-buwan para lang alam ng in-laws na hindi sila nagdadamot kundi nagbu-budget lang nang maayos.

    Bumukod kayo

    Mas maganda kung sa gitna o malayo sa pareho ninyong pamilya. Bahagi kasi ng pag-aasawa ang pagbabago ng focus ninyong dalawa.

    Iba na dapat ang priority ninyong dalawa—dapat ay nauuna na ang mga pangangailangan ng inyong sariling pamilya.

    Payo ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, huwag ma-guilty kung piliin ninyong maging independent. Hindi masama o unfair kung uunahin ninyo ang inyong mga pangangailangan.

    Leave and cleave sabi nga nila.

    Madaling sabihin ngunit mahirap sundin ang mga tips na ito, lalo na kung hindi naman madaling makaintindi ang in-laws mo.

    Maraming mga mag-asawa ang nakakaranas ng matinding stress bunsod ng demands ng ibang kapamilya.

    Isa sa mga makakatulong sa inyong mag-asawa, kung ganito ang sitwasyon ninyo, ay ang pagiging open sa isa't-isa. Tandaan na hindi kayo ang magkaaway dito. Sa halip, lagi ninyong iisipin na kayo ay magkakampi at bahagi kayo ng isang team.

    Sa ganitong paraan niyo lang mapagtatagumpayan ang ano mang hamon na haharapin ninyo bilang mag-asawa.

    May mga pagkakataon bang hindi mo nakaksundo ang mga in-laws mo? Anong ginagawa mo para ma-solusyonan ito? I-share mo na sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles