embed embed2
  • Toxic Na Ba Si BFF? Mga Paraan Para Hindi Mauwi Sa 'Unfriend' Status

    Ano ang pwedeng ipayo sa taong palaging problemado?
    by Jazer Basan .
Toxic Na Ba Si BFF? Mga Paraan Para Hindi Mauwi Sa 'Unfriend' Status
PHOTO BY iStock
  • Totoong hindi madali maging ina at sa gitna ng ating mga pinagdadaanan, tanging kapwa ina lamang ang makakaunawa sa atin. Nakakataba ng puso na tayo ay ituring na tunay na kaibigan at panata natin na hindi sila tatalikuran sa oras ng kahinaan.

    Pero paano kung palagi nalang problema ang kayang ikuwento ni Bes (best friend) mo at naubusan ka na ng payo? Gaano kalalim tayo dapat maging concerned sa buhay nila bilang kaibigan? Ito ang ilang mga gabay.

    What other parents are reading

    Paano masasabi na toxic ang kaibigan

    Maraming klaseng katangian ang nakaka-stress para matawag na “toxic” ang isang tao. Isa dito taong palaging problemado at negatibo ang kinukuwento at mukhang hindi tumatalab ang kahit na anong payo mo. Nakakagaan ng loob ang maglahad ng problema ngunit paano kung yung kausap ang napapasahan ng lahat ng mga iyon?

    Magingat dahil baka nagagamit lang tayo bilang “emotional outlet” nang hindi niya din nalalaman. Kapag ang pagaalala tungkol sa problema ng ibang tao ay nakakaapekto na sa iyong pang araw-araw na gawain, pagiging mapangamba o kakulangan ng tulog, baka nga toxic siya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May linyang humahati sa pagaalala at panghihimasok. Ang papel natin bilang kaibigan ay tumulong at magpayo sa abot lamang ng ating makakaya. Ang personal na pagtugon ay dapat ipaubaya sa mga taong mas malapit sa kaniya tulad ng pamilya at kamag-anak o kaya naman sa isang professional counselor.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

     

    Paano humingi ng payo sa kaibigan sa hindi toxic na paraan

    Tandaan, ang pananalita natin ay may epekto sa ating kausap. Kapag palagi itong negatibo, nakakapagpabigat ng loob ito sa ating kausap at hindi ito ang pakay natin. Sabi nga ni Sara Palma, administrator ng Facebook group na Smart Parenting Village, “Huminga muna ng malalim, magpalipas ng oras at magpahangin.”

    Sa ganitong paraan, baka kusang dumapo sa iyo ang kasagutan at hindi na kailangan i-expose ang iyong personal na buhay. Napipigilan din niyon ang biglaang pagkilos dala ng silakbo ng damdamin na baka natin pagsisihan sa huli.

    I-summarize ang kuwento — huwag paulit-ulit

    Matutong buuin sa isip ang mga sasabihin at piliin ang tamang salitang gagamitin. Hindi din kailangan ikuwento ang lahat ng detalye dahil nakakapagod ang makinig sa masyadong mahabang kuwento.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isulat muna ito na parang journal o diary kung kinakailangan para mabatid mo kung nasa ugali mo nga ang maging paikot-ikot sa iyong paglalahad.

    What other parents are reading

     

    Tumanggap ng pagkakamali

    Hindi lahat ng pangyayari ay kagustuhan o kagagawan lagi ng ibang tao. Minsan, ang ating ginawa o hindi ginawa ay nakaapekto din. Walang taong perpekto at ang pagkilala ng ating sariling kahinaan ay maaaring magbigay ng ibang pananaw sa ating problema.

    Balansehin ang kuwento

    Totoong problema ang pakay ng usapan pero maaari pa rin itong bigyan ng kaunting kasiglahan. Kilalanin ang mga positibong aspeto sa gitna ng mga suliranin tulad ng kagustuhan ng parehong panig na magkaayusan, ang patuloy na pagsisikap o ang mga munting biyaya tulad ng maayos na kalusugan.

    Maganda rin na balitaan ang kaibigan ng mga magandang naging resulta o kahit mga kuwentong pwedeng pagmulan ng kasiyahan. Hindi lang yung puro problema at para na rin hindi siya laging magalala.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Paano maging mabuting tagapayo

    Karangalan ang mapagkatiwalaan sa mga personal na buhay pero minsan nauubusan ka na rin ng pasensiya at isasagot. Minsan mo na bang pinagsisihan kung bakit hindi psychology ang kinuha mo noong college? Magtiwala sa sarili at tandaan and mga ito sa tuwing magbibigay ng payo.

    Maging mapanuri at huwag agad kumampi

    Ang katotohanan ng isang kuwento ay ayon lamang sa panig ng nagkuwento. Maaaring hindi ito ang kabuoan ng pangyayari kaya’t mabuti ang hindi muna lubos na maniwala.

    Maging maunawain din dahil may bahid pa rin ito ng katotohanan

    Iantala ang pagsagot kapag ramdam mo na naglalabas lang siya ng hinanakit.
    Baka maapektuhan ka rin kasi. Hayaan mong ilahad niya sa mensahe o text ang kaniyang mga saloobin at bigyan ang inyong sarili ng ilang oras o araw para makapagisip bago ka sumagot.

    What other parents are reading

    Huwag magmarunong

    Magbigay ng payo ayon lamang sa iyong nalalaman base sa iyong karanasan. Pagdating sa sakit, problemang mag-asawa, pera, domestic abuse o mental health, dapat itong unang ipaalam sa kaniyang pamilya o malapit na kamag anak na silang dapat na unang tumugon sa kaniya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Puwede din silang sumangguni sa eksperto tulad ng doktor, counselor, VAWC desk o magsuggest ka ng mga mapagkakatiwalaang impormasyon tulad ng mga articles sa Smart Parenting.

    Gamitin ang “sandwich feedback method”

    Tinatawag din itong “Oreo Method.” Ito ay payo na may tatlong bahagi (kaya tinawag na oreo).

    • Una ay ang pagbanggit ng ng mga wastong katangian na sang-ayon sa kaniyang panig tulad ng katapangan at tamang reaksiyon.
    • Pagitnaan ito ng mensahe mo maging ito ay correction, suggestion o opinion.
    • Tapusin ang payo sa positibong paraan gaya ng mga natutunan, mga makabagong paraang susubukan at pagasang malutas ito sa tamang panahon.

    Hindi lahat ng problema ay may kaagarang pangkalahatang solusyon. Huwag matakot humingi ng tulong sa pamilya at malapit na kaibigan. Imulat ang sarili sa mga maliliit na blessings o biyaya dahil ito ang magbibigay sa atin ng lakas manatiling positibo sa gitna ng ating mga suliranin.

    Si Jazer Basan ay kilalang “Mommy Jazz” na moderator ng Parent Chat forum kung saan ay 13 taon na siyang nagbibigay ng payo sa mga kapwa nanay. Kasalukuyan niyang hinahanapan ng kasagutan ang sarili niyang problema sa pagbabawas ng timbang. Basahin ang mga kuwento at sumali sa mga usaping tungkol sa buhay-magulang sa Parent Chat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles