-
Hubby Gives 13th Month Pay To Stay-At-Home Mom, 'Deserve Ko 'To, Pero Mas Deserve Mo'
Magkano nga ba dapat ang sweldo ng isang SAHM?by Judy Santiago Aladin . Published Nov 21, 2023
- Shares
- Comments

Mandatory ang 13th month pay na matatanggap ng lahat ng mga manggagawa mula sa kanilang mga employers. Pero hindi pahuhuli ang mga stay-at-home moms, o ang mga nanay na nasa bahay para mag-alaga ng mga anak.
Maganda ang gising ng content creator na si Hiedie Mamauag o mas kilala sa social media bilang Mommy Hieds nang makita niya ang isang brown envelope sa kanyang kama.
Ipinost ng mom of three na may libu-libong followers sa Instagram at Facebook ang litrato nito. Mababasa dito ang madamdaming note ng kanyang mister.
PHOTO BY INSTAGRAM /MOMMYHIEDS"Pagod ako, mas pagod ka. Pinagtrabahuhan ko 'to, mas marami kang sakripisyo. Deserve ko 'to, pero MAS DESERVE mo. 13th MONTH PAY mo bilang mabuting Misis at Nanay sa mga Anak ko."
READ ALSO: Stay-At-Home Mom Receives 13th Month Pay From Husband; 'Thank You Because You Understand'
Isinulat naman ni Mommy Hieds sa kanyang caption, masarap sa pakiramdam kapag napapansin at napapahalagahan ng asawa ang mga ginagawa ng isang stay-at-home mom para sa kanilang pamilya.
"Yung gigising kang masaya. Hindi dahil sa halaga ng pera, pero dahil na-a-acknowledge ang kanilang pagiging Ina at Asawa."
Dagdag pa niya, "Walang anumang halaga ang makakapantay sa sakripisyo ng mga Ina kahit nasa bahay lamang sila. Ngunit ang paminsan-minsang pagbibigay natin sa mga luho at munting kasiyahan nila, napakalaking bagay na."
Hindi naman daw ito unang beses na nagbigay ang asawa ni Mommy Hieds ng 13th month pay sa kanya. Katunayan, nitong nakaraang Valentine's Day, nakatanggap siya ng bouquet ng bulaklak mula sa kanyang mister kahit na hindi naman na niya ito hinihiling. Basahin ang paliwanag ni mister dito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi ng mga followers ni Mommy Hieds, "The best feeling [is being] seen and loved."
Dagdag pa ng isa, "Awwww… higit talaga sa amount ng pera yung appreciation ng husband natin sa lahat ng sacrifices natin para sa pamilya. Thank you Lord, sa aming mabubuting asawa!"
Tinanong ng Smart Parenting si Mommy Hieds kung ano ang kanyang planong bilhin sa natanggap na pera.
"Iniisip ko pong i-keep muna, emergency funds. Pero bibilhan ko din ang kids ng konting pamasko nila siguro new pair of shoes na magagamit nila sa school."
Sabi din niya, maglalaan din siya ng para sa kanyang self-care. Ngunit bilang nanay, "Parang majority po nito, itatago ko para kung may mas importante po kaming pag gagamitan sa darating na mga araw ay may madudukot po kami."
CONTINUE READING BELOWwatch nowMagkano ba dapat ang sweldo ng isang SAHM
Nagsagawa ng survey ng Salary.com noong 2021 sa mahigit na 19,000 na mga nanay mula noong nagsimula ang COVID-19 pandemic, at ibinase sa real-time market prices ng lahat ng trabaho na ginagawa nila sa bahay.
Ang resulta? Ang median na sahod raw para sa mga SAHM ay nasa $184,820 o P10,227,938.80 kada taon o P852,328 kada buwan.
Ito raw ang mga trabahong ginagampanan ng mga nanay, ayon sa Salary.com. Pinapakita daw ng survey na umaabot sa 106 oras kada linggo ang ginugugol ng isang nanay para sa kanilang pamilya, o 15 oras kada araw, at walang day-off ito, mula Lunes hanggang Linggo.
- Chief Financial Officer
- Chief Operating Officer
- Logistics Analyst I
- Housekeeper
- Laundry Manager
- Van Driver
- Public School Teacher
- Facilities Manager
- Meeting/Event Planner I
- Kitchen Manager
- Assistant Athletics Director
- Staff Nurse - RN I
- Bookkeeper
- Physical Therapy Supervisor
- Nutrition Director
- Consumer Loan Officer I
- Fast Food Cook
- Server
- Conflicts Manager
- Interior Designer I
- Fundraising Coordinator
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi naman nito minamaliit ang mga working moms. Ayon sa datos nila, ang mga working moms ay nagbibigay ng dagdag na 54 oras kada linggo para i-manage ang kanilang household.
Deserve na deserve ang 13th month pay, mga mommies! I-check out dito ang mga pwedeng ipangregalo sa sarili ngayong Pasko.
What other parents are reading

- Shares
- Comments