embed embed2
  • Masiglang nagpaabot ng birthday greeting si Jodi Sta. Maria sa estranged husband na si Pampi Lacson. Iniwan ni Jodi ang mensahe niya sa Instagram post ni Iwa Moto, ang longtime partner ni Pampi.

    Unang nag-post si Iwa ng sweet birthday greeting para sa kanyang "man of my dreams" na si Pampi. Noong May 29, 2020 ang 40th birthday ni Pampi.

    Pahayag ni Iwa, "Happiest birthday to the man of my dreams... May 29 is the best day ever!!! Because God decided to make you. Mahal I will be forever grateful for having you in my life. I will love you for the rest of my life... you are my everything mahal and I will stay by your side through thick and thin... you are the love of my life.. I love you to the moon and back!!!!!"

    More for parents like you

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sinamahan iyon ni Iwa ng photo collage ng pictures nila ni Pampi at anak nilang si Mimi. Kasama rin sa family picture nila si Thirdy, ang anak nina Pampi at Jodi.

    Nag-comment si Jodi tungkol sa pagtanda ni Pampi. Saad ng Kapamilya actress, "Happy Birthday Pampi! Ang tanda mo na [grin emoji] May God grant you the desires of your heart."

    Si Jodi ay 37 years old, habang si Iwa naman ay 31.

    More for parents like you

    Iwa and Pampi thank Jodi

    Both Iwa Moto and Pampi Lacson replied to Jodi Sta. Maria's greeting.
    PHOTO BY screenshot from @iam_iwa/Instagram
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Natawa si Iwa, na naka-tag sa message ni Jodi.

    Sagot ni Iwa, "@jodistamaria bwahahaha. Natawa ako sa ang tanda mo na. Lol. Tara!!! Punta ka dto bahay. Magluluto ako konti."

    Nag-reply rin si Pampi kay Jodi. "@jodistamaria life begins at 40 hehhehe thank you," ani Pampi na may nerd face at thumbs up emojis.

    Para naman kay Iwa, sabi ni Pampi kalakip ng kisses emojis, "Thank you mahal. The best kang talaga i looooooove you!! And thank you."

    More for parents like you

    Netizens praise their harmonious ties

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Umani naman ng papuri mula sa netizens ang positibong relasyon sa pagitan nina Jodi, Iwa, at Pampi. Patunay lang daw na kahit bigo ang buhay mag-asawa noon nina Jodi at Pampi ay puwede silang maging magkaibigan.

    Gayundin sina Jodi at Iwa na maayos ang samahan. Noong April 2019, sinabi ni Jodi sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang maayos na relasyon niya kina Iwa at Pampi ay posible dahil sa pananampalataya nila sa Diyos.

    "If we didn't have God in our lives, I don't think that we will be to reach this point in our relationship."

    Dagdag pa ni Jodi, isinasaalang-alang din nila ang kanilang mga anak.

    "We may not be together as partners, but we can co-parent our child in the best way we can, to be able to give him not only a bright future, but also to show him that despite the situation, kumbaga, magkakatuwang pa rin kami sa pagpapalaki sa kanya."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    Co-parenting is possible if you and your former partner choose to prioritize your child. Click here for some ways to successfully do it.

    More for parents like you

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles