-
Judy Ann Santos Sa Away-Mag-asawa Nila Ni Ryan Agoncillo: ‘Kailangan Namin Siya Tulugan!’
12 years na silang kasal at may tatlong anak.
- Shares
- Comments

Labindalawang taon nang kasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, pero napanatili nila ang kilig sa isa't isa.
Si Judy Ann ay 43 taong gulang, habang si Ryan ay 42.
Sa fans ng couple, hindi kaila ang mga romantikong Instagram posts ni Ryan na "#storiesforlucho" kunsaan ikinukuwento nito kung paano niya napaibig si Judy Ann—na kilalang malaking bituin sa bansa—at kung gaano kasimple at puno ng pagmamahal ang buhay nila sa likod ng kamera.
Nang humarap si Judy Ann sa editorial team ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), biniro siyang "Ang haba ng hair!" dahil sa sweet posts ni Ryan tungkol sa kanya.
"Oo, ang haba! Pinaputulan ko na nga!" natatawang bulalas niya.
Dugtong ng aktres, "Magaling talaga magsulat si Ry. Sabi ko nga, 'Gumawa ka ng libro or compile #storiesforlucho kasi he's really good with words.
"Pag nagbibigay siya ng love letter sa akin, ang sarap-sarap ulit-ulitin.
"Kasi, the way he talks about you, para akong nagbabasa ng pocket book na isinulat ng asawa ko."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHigit-kumulang apat na taong magkasintahan sina Judy Ann at Ryan bago sila nagpakasal sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas, noong April 28, 2009.
Mayroon silang tatlong anak: sina Yohan, Lucho, at Luna.
Larawan sila ng isang masayang pamilya, at marami ang tumitingala sa tatag ng pagsasama nina Judy Ann at Ryan.
CONTINUE READING BELOWwatch nowOn how they handle differences, arguments
Pero ayon kay Judy Ann, hindi perpekto ang pagsasama nila ni Ryan.
Sabi niya sa PEP.ph, "We also have our moments. May mga issues naman kami. May mga away din naman kami.
"Hindi naman kami walang issue at all na nagaganap. Meron din naman kaming discussions."
Natutunan daw nilang hindi pwedeng ipilit ang pag-uusap sa kasagsagan ng alitan.
"Magkakaiba naman situation ng bawat couple. Hindi rin kasi nagwo-work sa amin yung 'Huwag tutulugan ang away.' Ay, kailangan namin siya tulugan!" diretsong sambit ni Judy Ann.
Paliwanag niya, "Kung kailangan naming hindi mag-usap ng at least two days para mag-simmer down, yun ang mas nagwo-work sa amin.
"Kasi kung parehong mainit, wala rin pinupuntahan yung issue, wala rin namang pinupuntahan usapan namin.
"Along the way, na-realize namin, 'O, sige, kalma-kalma tayo. Tapos usap tayo pag kalmado na.'"
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGetting over her communication blocks
Ayon kay Judy Ann, mas naging epektibo ang komunikasyon nila ni Ryan dahil sa pagkilala nila sa isa't isa.
Kinailangan daw tanggapin ni Judy Ann na may communication blocks siya sanhi ng mga bagay na kinalakihan at nakasanayan niya.
Ito raw ang nakatulong sa kanya para mas maging bukas ngayon.
"I guess, at some point, when you're in a relationship, when you're married, it's very important that you really communicate.
"Nung umpisa, yun ang problema ko. I don't know how to communicate to anyone. Hirap talaga ako mag-open ng sarili ko especially sa mga tao na mahal na mahal ko.
"Feeling ko lang naman, siguro kasi because I was working since I was eight. I was so used to people just telling me what to do, what to say, where to go, what time to sleep, what time to wake up.
"And then, when I say something, naka-block na agad yung sasabihin ko. So, hindi ako nagkaroon ng background na i-open up yung sarili ko sa mga tao.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Kasi, every time I open up myself, it's either sasabihin nagdadrama ako, or ayaw ko lang magtrabaho, or I am just making up excuses."
Napagtanto raw ni Judy Ann na may epekto ang kanyang karanasan bilang child star sa pagiging introvert niya.
Lahad niya, "So, ayoko ng sinisigawan ako. Kapag nagsimula ka magtrabaho ng bata ka, para mapaiyak ka, tatakutin ka, tataas 'yung boses.
"Parang 'yun ang naging part ng buhay ko, kapag may tumataas na boses sa akin, regardless kung trabaho or hindi, I just close up.
"So, 'yun ang naging struggle ni Ry sa akin for the longest time. I don't communicate usually.
"Sasabihin ko, 'Okay lang ako.' At some point, feeling ko in denial ako. Feeling ko nagko-communicate ako, pero hindi pala talaga."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKnow when to speak and when to listen
Dito raw papasok ang kahalagahan ng trust at honesty sa relasyon para kahit may problema, ang goal ay maayos ito.
Naniniwala si Judy Ann na dapat maging malinaw ang usapan at magbigayan ang mag-asawa.
Lahad ni Juday Ann: "I guess in every relation, honesty and communication is very, very, very important.
"Even at points na magkakasakitan kayo, basta ang importante masabi niyo kung ano 'yung sama ng loob niyo sa isa't isa.
"And how you'll be able to move forward from that situation is very important. You have to work together and you have to listen to each other."
Masuwerte raw si Judy Ann kay Ryan dahil tinulungan siya nitong mas makilala ang kanyang sarili.
Saan ng aktres, "Halimbawa, pag nakakaroon kami ng discussion ni Ryan, in fairness kay Ry, napakaseryoso niya.
"Kasi, the way he thinks, in English; kung paano ako mag-isip, Tagalog. So kapag [in the heat] heat na ng discussion, may sasabihin siyang English, kailangan ko tanungin, 'Ano ibig sabihin nun?' 'Ganun pala.'
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"'Tapos saka pa lang siya...Parang jigsaw puzzle, 'Ah, 'yun pala ginagawa ko matagal na.'"
Patuloy ni Judy Ann: "So I guess, si Ryan, being patient and explaining to me kung ano 'yung nakikita niya, na feeling ko akala ko dati hindi ako ganun.
"Pero pag inisa-isa mo 'yung sitwasyon, hindi mo siya nakikita kasi sanay ka na, na ganun ka.
"Up until 'yung mga taong pinakamahal ka, 'yun ang magsasabi na, 'Eto kasi 'yung nangyayari...' So you just have to be open to that."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKaya raw marami pang natutuklasan si Judy Ann sa sarili at sa pagsasama nila ni Ryan dahil sa pagkakaroon nila ng open communication.
Nakangiting sabi niya: "Hindi pala natatapos pagiging mag-asawa niyo sa first or second year of married life.
"It's a continuous give-and-take relationship. You listen, you speak. I will listen to you, listen ka sa akin. It just goes on and on and on.
"And you just keep improving and communicating with each other."
This story originally appeared on Pep.ph.
*Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.
What other parents are reading

- Shares
- Comments