embed embed2
  • Kabisado Ni Danica Sotto Ang Linya Ni Marc Pingris: ‘Tapos Ka Na? Puwede Na Magsalita?’

    14 years nang kasal ang celebrity couple, at meron silang two kids.
    by Jocelyn Valle .
Kabisado Ni Danica Sotto Ang Linya Ni Marc Pingris: ‘Tapos Ka Na? Puwede Na Magsalita?’
PHOTO BY Instagram/danicaspingris
  • Noong nagsisimula pa lang ang buhay mag-asawa nina Danica Sotto at Marc Pingris 14 years ago, madalas silang hindi magkasundo sa oras. Nagkuwento sila tungkol dito nang maging guests sila kamakailan sa GMA-7 show na Mars Pa More.

    Paliwanag ni Marc na nakasanayan niyang dumating sa practice noong aktibo pa siyang basketball player nang mas maaga sa nakatakdang oras. Dagdag pa ng bagong retired na Philippine Basketball Association (PBA) standout, may multa raw kasing PhP1,500 kada late.

    "Eto," sabi ni Marc, habang nakaturo sa katabing si Danica, "no’ng wala pa kaming baby, pag nag-aalarm ako ng 5:30, aalis ako ng 6. Pag papaalis na ’ko, siya, babangon pa lang. So ’yun, iiwanan ko siya."

    Pero ngayon daw, sang-ayon ang mag-asawa na wala na silang masyadong pinag-aawayan at pareho silang marunong mag-sorry sa isa't-isa.

    Lahad ni Marc, "Talagang pinag-uusapan namin. Hindi kami natutulog hanggat hindi kami nagso-sorry. Pinagpi-pray namin, para next time, alam na namin. Di na namin pag-aawayan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sagot ni Danica sa mister, "Pero memorize ko na ang line mo talaga, ‘Ano, tapos ka na? Puwede na akong magsalita?’" Sabi niya naman sa mga hosts ng online interview na sina Camille Prats at Iya Villania, "Gano’n kakalma."

    Pero sa tanong nina Camille at Iya kung sino ang mas makalat sa bahay, nagturuan na ang mag-asawa. Nang ituro ni Marc ang misis, pumalag si Danica. Aniya, "Ako, makalat? No, ikaw. Ikaw ang mas may coins."

    Depensa ni Marc: Coins lang…Puwede bang tayong dalawa na lang?" Pero tuloy-tuloy lang si Danica sa paliwanag: "Siya ’yung mga coins..." Sundot naman ni Marc: "Pero pag nagbibihis ka…"

    Mabilis naman ang sagot ni Danica: "Nilalagay ko sa hamper." Pero hindi kumbisido si Marc: "May mga napupulot pa nga akong panty." Natawa na si Danica, pero tuloy ang paliwanag: "Grabe siya…’Yung kalat ko kapag nagmamadali. Magme-make up, ’ta’s and’yan ang mga gamit ko. I’ll fix it after na. Mga gano’n."

    Dagdag niya, "Eto, ang kalat niya, naiinis ako kung ano ’yung nasa pocket niya, ilalagay niya rin do’n sa cabinet. So may mga coins akong nakikita doon sa mga damit. Sabi ko, ‘Bakit ang daming coins? Ano ba ’to? Some kind of lucky charm ba ito?'"

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Natawa rin si Marc sa reklamo ng asawa sa kanya. Sayang daw kung itatapon ang mga barya, na parang anting-anting na niya.

    Mabilis naman ang pag-amin ni Marc na siya ang pasimuno ng kalokohan sa pamilya na kinabibilangan ng dalawa nilang anak: Michel, 12, at Caela, 8. Siya rin daw ang spoiler sa mga bata at ang nawiwili sa online shopping.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles