embed embed2
  • Katamaran Ni Mister (At Ni Misis!) Kailan Okay At Kailan Nakakasira Ng Pagsasama

    May mga pagkakataong hindi maiwasang sumpungin ng katamaran—ngunit may hangganan din ito.
    by Ana Gonzales .
Katamaran Ni Mister (At Ni Misis!) Kailan Okay At Kailan Nakakasira Ng Pagsasama
PHOTO BY Shutterstock
  • Aminin man natin o hindi, totoo na hindi sa lahat ng oras ay masipag tayo. Kahit ang mga pinaka masisipag na nanay at tatay ay sinusumpong din ng katamaran.

    May hangganan at limitasyon kasi ang paminsan-minsang pagiging tamad. Kapag sumobra, maaari itong maging mitsa ng pagkasira ng pagsasama ninyong mag-asawa.

    Tinanong namin ang mga nanay at tatay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village: Kailan nga ba okay lang maging tamad sina mommy at daddy at kailan ito nakakasira ng relasyon? Narito ang kanilang mga ibinahagi:

    Okay lang mahiga para makapagpahinga

    Minsan, marami ka pang huhugasang plato, pero mas inuuna mo pang mahiga. Okay lang 'yan. Hindi masama ang ilang minutong pamamahinga para magkaroon ka ulit ng lakas na ituloy ang mga gawaing bahay.

    Hindi okay maglaro buong magdamag

    Hindi kailang madalas pag-awayan ng mga mag-asawa ang mobile games. Maraming mga nanay sa Village ang nagsabing hindi okay na klase ng katamaran iyong maglaro ng mobile games buong magdamag.

    Okay lang mag-binge watch ng mga paborito ninyong palabas

    Paminsan-minsan, hindi masamang mag-enjoy kayong mag-asawa sa panonood ng mga bagong labas na programa sa mga streaming apps.

    Bukod sa magandang paraan ito para mag-relax, magandang date night at bonding moment din ito.

    Hindi okay tamaring maghanap-buhay

    May mga araw talagang nakakatamad pumasok sa trabaho. Lahat naman tayo ay guilty diyan. Ngunit kung labis na katamaran na hanggang sa puntong kinakapos na kayo ng para sa gastusin ninyo, ito na ang nakakasama.

    Okay lang iutos sa iba ang paglilinis ng bahay

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Minsan, kung may budget naman kayong extra, pwede ninyong iasa sa iba ang paglilinis ng bahay. Dagdag oras din ito para sa inyong dalawa at sa inyong mga anak.

    Hindi okay na hindi paghatian ang mga gawaing bahay

    Kung lagi na lang tinatamad ang isa sa inyo na gumawa ng mga chores, maaaring magdulot ito ng burnout sa isa. Hindi okay tamarin palagi sa pag-aasikaso sa mga gawaing bahay dahil responsibilidad ninyo itong dalawa.

    Okay lang umorder ng pagkain sa labas

    Kung pasok naman sa budget, bakit hindi? Hindi kabawasan sa pagiging mommy at daddy ninyo kung tinatamad kayong magluto ng pagkain at mas gusto niyo pang umorder sa labas.

    Hindi okay tamaring magbigay ng effort sa isa't-isa

    Nakakasira ng pagsasama kung hindi kayo mage-effort sa isa't-isa. Sabi nga nila, maraming nagbabago sa buhay ng mag-asawa kapag nagkaroon na sila ng anak. Naranasan niyo ba ito?

    May nagbago man sa inyong pagsasama, hindi ito dahilan para tamarin kayong mag-effort para sa inyong relasyon.

    Gaano man kayo kapagod bilang mga magulang, kailangan niyo pa ring maging masipag sa pag-aalaga sa inyong pagsasama.

    Anu-ano pang mga pagkakataon ang okay lang tamarin at anu-ano pang pagkakataon ang hindi? I-share mo na ang inyong experience sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles