embed embed2
  • Simple Pero Nakakakilig Na Love Stories! 'Akalain Mo Crush Ka Rin Ng Crush Mo?'

    Minsan, ang mga maliliit nating ginagawa ang mas nagiging makahulugan.
    by Ana Gonzales .
Simple Pero Nakakakilig Na Love Stories! 'Akalain Mo Crush Ka Rin Ng Crush Mo?'
PHOTO BY courtesy of Mam Mich/Grazelle Cruz
  • Walang masama kung ang pagpapahayag mo ng nararamdaman mo sa taong mahal mo ay may kaakibat na grand gestures at major productions.

    Ngunit habang tumatagal ang inyong pagsasama, mas nagiging makabuluhan ang mga simpleng bagay.

    Nakita namin ito sa mga love stories na ipinadala sa amin ng mga miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Narito ang apat na kwento ng simpleng simula at pagmamahalan.

    The more you hate, the more your love?

    A senior (architect) head from my previous company 13 years ago is now my husband!

    He found me annoying that time. I was a fresh graduate, underboard architect. Batang isip at immature pa when it comes to work ethics. I did not follow his standard filing system at work. In short, pasaway talaga ako.

    Hindi niya ako kinakausap unless kailangan. Tapos, bigla na lang we were paired up by our officemate.

    He was single since birth. I was his first and last. That time naman, I was heartbroken. Ayun, nag-click kami! Ten years and counting, happily married, but he still finds me annoying daw. (LOL!) —Lea Manille Ching

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Akalain mo? Crush ka rin ng crush mo!

    We met at a call center—dati naming work. Long hair siya noon at naging crush ko siya! Then 'yung team leader ko that time, dahil nalaman na crush ko si hubby, tinutukso na nila ako sa kanya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Until dumating 'yung time na i-nadd niya ako sa social media. Nagkakausap kami sa chat—kwentuhan lang. Una kaming nag-date sa seaside. Akalain mo 'yun? Crush ka rin pala ng crush mo? Ang haba ng hair ko!

    To make the long story short, nagkadevelopan, naging mag-jowa, tumatakas para makipag-date etc. Na-experience na namin ang iba't-ibang uri ng awayan. Then, our little princess came.

    Five years kaming mag-jowa, 1 year as a married couple. Marami pa kaming tatakbuhin. But in God's grace, kakayanin! —Mam Mich

    Love at first sight?

    Nakilala ko si hubby through text. Nakita niya lang ako na naglalakad malapit sa kanila. He then approached my friend na kababata niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    He asked for my number, binigay naman ni friend dahil crush niya si husband noong bata pa sila. That friend is gay. Ayun! Long story short, kami ni husband ang nagkatuluyan.

    We were 11 years boyfriend/girlfriend and 5 years married—blessed with four kids. —Grazelle Cruz

    Solo runner at climber dati, ngayon may kasabay na.

    Nagkakilala kami sa isang fun run event sa Tagaytay, Cavite. Solo runner lang ako from Alfonso, Cavite, pero sa Manila nakatira dahil sa trabaho. Si mister ay solo runner din, pero sa Tagaytay siya based kaya marami siyang kakilala doon sa event.

    Nagsimula lahat sa pag-sheshare namin ng table habang naghihintay ng gun start. Noong mag-start ang event, sinabayan niya ako sa pagtakbo. Pero dahil mabilis siya, pinauna ko na siya.

    Ang ending, first siya sa male category at ako naman sa female. Habang naghihintay ng awarding, tsikahan muna kami hanggang sa magkapalitan ng number. At ayun, naging kami na at may dalawang anak na kami ngayon. Parehas kaming tumatakbo at umaakyat ng bundok. —Marie Joy Hernando

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan lamang ang mga ito sa mga love stories na ipinadala sa amin ng aming mga readers. Patunay na maraming maaaring mangyari sa simpleng simula.

    Kayo, may love stories ba kayo na kakaiba o inspiring? Pwede niyong ipadala 'yan sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles