embed embed2
  • May Biglang 'Hangin' During Sex! At Iba Pang Kwelang Moments Ng Mga Mag-Asawa

    Bahagi na talaga ng realidad ng isang relasyon ang mga husband and wife bloopers.
    by Ana Gonzales .
May Biglang 'Hangin' During Sex! At Iba Pang Kwelang Moments Ng Mga Mag-Asawa
PHOTO BY East
  • Seryoso ang pagiging isang magulang. Seryoso rin ang pagiging mag-asawa. Gayon pa man, hindi ibig sabihin nito ay mawawala na ang mga bloopers at kalokohan.

    Sa katuyan, lumalabas nga sa mga pag-aaral na nakakabuti sa mga mag-asawa ang madalas na pagbibiruan at pagtatawanan.

    Nito lang ay sumakit ang tiyan namin kakatawa nang mabasa namin ang isang thread sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Simple lang ang tanong ni mommy Vanessa Rodriguez Mackay: 'Ano ang weirdest at pinaka nakakatawang moment na mayroon ka kasama ang iyong hubby?'

    Inumpisahan niya sa pamamagitan ng pagkukwento na minsan daw ay nagising siya na basa na ang kanyang noo. Akala niya pawis. Iyon pala, tumutulo na ang laway ng kanyang butihing asawa. Sa sobrang tawa nilang dalawa, natagalan bago sila nakatulog ulit.

    Hanggang ngayon daw ay nakatatak pa rin sa isip nila ang kwento. Kapag naaalala nila, hindi nila mapigilang matawa na lang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sunod-sunod na kwento na ng mga funniest moments ang makikita mo sa comments section. Narito ang ilan sa mga husband and wife bloopers na siguradong makaka-relate ka.

    "Hindi sinasadyang nautot ako while we were making love."

    Maraming mga wives (at husbands) ang nakarelate sa funny moment na ito. Sabi nga nila, minsan daw talaga eh may mga bagay na mahirap pigilan (LOL!).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kwento pa ng ilang mga nanay, minsan ay isinisisi nila sa mga asawa nila kapag may biglang bumaho. Minsan, umaamin si daddy kahit hindi naman talaga siya ang may kasalanan.

    "Nasira ang tsinelas ng asawa ko in public."

    Ang nakakatawa rito, kwento ni mommy, patay malisya raw si daddy habang kinakaladkad nito ang paa niyang may suot na sirang tsinelas.

    Napansin na lang daw ng staff sa hotel na tinutuluyan nila kaya binigyan ang asawa niya ng panibagong pares. Tawa sila nang tawa mag-asawa dahil pasimple si daddy na parang walang nangyayari.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Minsan, absent-minded kami pareho."

    Halos lahat yata ng mga nanay at tatay ay may mga tinatawag na 'lutang moments'. Kwento nang isang mommy, minsan daw niyang pinakiusapan ang asawa niya na iakyat sa kwarto nila ang lata ng gatas ng anak nila.

    Sa halip daw na gatas ang iakyat, supot ng kamatis ang dala ni daddy. Napakamot na lang si mommy ng ulo, sabay tawa.

    Kwento naman ng isang nanay, hindi niya kinikibo ang mister niya dahil sa isang tampuhan. Gayon pa man, kasama niya pa rin ito sa pamamalengke.

    Habang namimili sila ng bawang at sibuyas, kumuha si mommy ng sibuyas sabay tanong kung magkano ang bawang. Sa bawang daw kasi siya nakatingin kaya 'yun ang tinanong niya kahit hindi 'yun ang hawak niya.

    Natawa si hubby kaya natawa na rin daw siya hanggang sa hindi na niya maalala kung bakit sila nagkatampuhan.

    Pagbabahagi naman ng isang nanay, minsan daw ay namali siya ng spelling sa text Niya kay hubby. Sa halip na 'magkano ang hipon' ang message na ipapadala niya, 'magkabo hipon' ang nai-send niya. Naghanap naman daw si daddy ng 'magkabo hipon'. (LOL!)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Matagal na pala naming ginagamit ang iisang toothbrush."

    Tawa kami nang tawa sa kwentong ito ng isang mommy. Sabi niya, minsan daw ay sinita niya ang asawa niya nang Makita niya itong hawak ang toothbrush niya na kulay blue.

    Mariin naman daw ipinagpipilitan ni daddy na blue ang ginagamit niyang toothbrush dahil blue ang paborito niyang kulay.

    Blue na toothbrush din ang ginagamit ni mommy. Natawa na lang sila nang ma-realize nilang pareho pala sila ng ginagamit na toothbrush.

    Bandang huli...

    Tunay na hindi madali ang buhay mag-asawa. Sabi nga namin sa isa sa aming mga naunang Smart Parenting articles, ito ay ang paulit-ulit na pagpili sa isa't-isa, araw-araw.

    Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang isang pagsasama. Darating ang mga pagsubok at may mga pagkakataong hindi kayo magkakaunawaan.

    Ngunit kung matibay ang pundasyon ng inyong pagsasama, ano man ang pagdaanan ninyo, mahahanapan ninyo ng paraan para malampasan ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami pang ibang mga bloopers sa thread na ito. Kung mayroon kang ganitong moments kasama ang partner mo, i-share mo na sa pamamagitan ng pagsali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles