embed embed2
  • Mabait Ka Ba Kay Misis? May Epekto Sa Mga Bata Ang Nakikita Nilang Trato Mo Kay Mommy

    Paano mo ba mahalin at alagaan ang partner mo?
    by Ana Gonzales .
Mabait Ka Ba Kay Misis? May Epekto Sa Mga Bata Ang Nakikita Nilang Trato Mo Kay Mommy
PHOTO BY Shutterstock
  • May nagbago ba sa pagsasama ninyong mag-asawa nang magkaroon kayo ng anak? Bahagi na talaga ito ng pagiging isang magulang. Kahit mga celebrity couples tulad nina Jim Bacarro at Saab Magalona ay magpapatunay na mas lumalalim ang isang pagsasama kapag nadagdagan na ito ng mga chikiting.

    Sa kabilang banda, hindi ibig sabihin nito ay hahayaan niyo na lang na magbago ang pakikitungo ninyo sa isa't-isa—lalong-lalo na ikaw, daddy.

    Ayon sa All Pro Dad, malimit na tinitignan at inoobserbahan ng mga anak mo kung paano mo tratuhin ang mommy nila.

    Marahil hindi mo napapansin, pero nakikita nila kung paano mo kausapin ang misis mo. Nakikita rin nila kung paano mo alagaan si mommy.

    Alam mo bang may epekto sa mga anak mo ang nakikita nilang trato mo kay mommy? Paliwanag ng mga eksperto, ang maganda at positibo mong pakikitungo sa nanay ng mga anak mo ay nakakaapekto sa abilidad ng anak mo na mag-isip, umintindi, makipag-usap, at makipagkapwa tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung nagpapakita ka ng respeto kay mommy, matututo ang mga anak mo na rumespeto—mahalaga na maging magandang halimbawa ka.

    Narito ang ilan sa mga kailangan mong gawin bilang tatay para maging mabuting halimbawa sa iyong mga anak.

    How to improve your relationship with your wife

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maging isang gentleman

    Huwag na huwag pagbuhatan ng kamay si mommy sa harap man o likod ng inyong mga anak. Ang isang tunay na gentleman ay hindi nang-aabuso verbally at physically.

    Kung sinasaktan mo sa ano mang paraan ang nanay ng mga anak mo, maaaring lumaki ang mga anak ninyo na mapang-abuso.

    Huwag mahiyang maging sweet

    Makakabuti ring ipinapakita mo sa mga anak mo na hindi ka takot magpahayag ng nararamdaman.

    Sapat na ang isang yakap o 'di kaya ay good night kiss sa harap ng mga bata para maramdaman at makita nila ang kahalagahan ng pagpapayahag ng damdamin.

    Ipakita ang iyong pasasalamat

    Paano lalaking mapagpasalamat ang anak mo kung ikaw mismo ay hindi marunong magpasalamat sa mga ginagawa ni mommy para sa pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I-appreciate mo sa harap ng mga anak mo ang mga efforts ng asawa mo para ma-develop sa kanila ang mas malalim pang respeto, hindi lang sa nanay nila, kundi pati na rin sa iyo.

    Maging supportive

    Pantay ang responsibilidad ng ama at ina sa pagpapalaki ng mga bata, pagtatrabaho, at pag-aasikaso sa bahay.

    Ipakita mo ang suporta sa iyong misis, hindi lang sa pamamagitan ng sustento, kundi pati na rin sa mga gawaing bahay.

    Bigyan siya ng oras para sa kanyang sarili

    Wala bang ibang hinahanap ang mga anak mo kundi ang mommy nila? Kailangang malaman nila na pwede rin nilang tawagan at maasahan si daddy.

    Sa ganitong paraan, hindi imposible ang kaunting me-time sino man sa inyong dalawa ang mangailangan ng pahinga.

    Bukod sa mga nabanggit, importante ring ipakita ninyo sa mga anak ninyo na mayroon kayong respeto at paggalang sa isa't-isa. Mas maganda rin kung marunong kayong mag-away nang tama.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaan, hindi lang kayo basta mommy at daddy. Mag-asawa pa rin kayo na may mga responsibilidad at pangangailangan sa isa't-isa—huwag ninyo itong kakalimutan kapag nariyan na ang mga bata.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles