embed embed2
  • Change Oil, Gagawa Ng Dragon, Pinsan Ko: Mga Kuwentong Palusot Ng Nangangaliwa

    Sabi nga nila, kung gusto maraming paraan.
    by Ana Gonzales .
Change Oil, Gagawa Ng Dragon, Pinsan Ko: Mga Kuwentong Palusot Ng Nangangaliwa
PHOTO BY Shutterstock/November27
  • Laging trending online ang mga kwento tungkol sa pangangaliwa, third party, at mga relasyong hindi maayos ang kinahihinatnan.

    Kamakailan nga ay pumutok sa social media ang hashtag 'change oil' nang ikwento ng isang babae kung paanong ginamit ito ng dati niyang partner bilang dahilan kung bakit may kasama itong ibang babae.

    Marami ang natawa sa dahilan, ngunit marami rin ang naka-relate. Ayon sa mga magulang sa aming online community na Smart Parenting Village, sila man ay nasabihan na rin ng mga ganitong 'dahilan'. Narito ang ilan sa mga dahilang ginamit ng kanilang cheating partner.

    Mga 'dahilang' gamit ng mga cheating partners

    "Kasamahan ko lang siya sa trabaho."

    Ito na marahil ang pinakamadalas na dahilan o palusot ng isang taong may ginagawang hindi dapat.

    Ayon sa isang nagpadala sa amin ng anonymous post, ayaw niyang maging paranoid na misis at may tiwala siya sa asawa niya kaya naman hindi niya pinansin ang nararamdaman niyang duda.

    Nang tanungin din niya ang kanyang partner, ito lang ang sinagot sa kanya—hanggang sa nakumpirma nga niyang may affair ang dalawa.

    "Kasabay ko lang siya."

    Lagi rin namin itong nakikita sa mga #SPConfessions na ipinapadala sa amin. Iba-iba man ang sitwasyon, laging sinasabi ng cheating partner na 'kasabay lang siya'.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kwento ng mga nanay, kasabay daw sa kape, kasabay sa lunch, kasabay sa pag-uwi, at iba pa. Bandang huli, nakumpirma rin nilang may mga affairs nga ang kanilang mga asawa.

    "Hindi ko 'yan nirereplayan."

    Ito naman daw ang naging pagtanggi kay mommy nang mahuli niya ang kanyang partner na may kausap na iba. Pagbabahagi ni mommy, laging sinasabi ng partner niya na hindi naman ito nagrereply—'yun pala, may ibang app lang na ginagamit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Gagawa kami ng dragon para sa dragon dance."

    Sa isang #SPConfessions na ipinadala sa amin, ikinwento ng isang nanay kung paano niya natuklasang nagpunta sa bahay nila ang pinaghihinalaan niyang ka-affair ng asawa niya.

    Nagduda na raw siya pero noong kinompronta niya, ito raw ang ginamit na dahilan ng partner niya. Malapit na kasi noon ang Chinese New Year.

    "Hindi ka kasi nanonood ng paborito kong pelikula."

    Nahuli na si partner na nangangaliwa pero para sa closure ay tinanong siya kung bakit siya nag-cheat. Hindi alam ng sender kung matatawa ba siya o maiiyak sa sinabi sa kanya ng dati niyang partner—nag-cheat daw ito dahil hindi sila magkasundo sa simpleng bagay tulad ng movies.

    "Kamag-anak ko 'yan."

    Payo ng mga nanay sa Village, lalo na ang mga single moms, dapat ay kilatisin mo munang mabuti ang papapasukin mo sa iyong buhay.

    Ayon sa kanila, nakikita nilang may kausap ang kanilang parner na ibang babae ngunit ang sinasabi raw ay kamag-anak iyon ni partner.

    Ang cheating ay hindi biro

    Trending man, pinagtatawanan, at ginagawan ng mga memes ang mga ganitong pangyayari, hindi ibig sabihin nito ay biro ang cheating.

    Maraming buhay ang nasisira dito—hindi lang ang mag-asawa, kundi pati na rin ang mga bata.

    Mahirap ding ibalik ang nasirang tiwala, gaya ng sabi ng mga nanay na nagpapadala sa amin ng mga #SPConfessions.

    Maging ang tingin nila sa kanilang mga sarili ay naaapektuhan din. Nawawalan sila ng self-confidence at nahihirapang magtiwala muli kahit kanino. Napupuno rin sila ng galit na minsan ay nagiging sanhi pa ng mom rage.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ***

    May kwento ka bang tulad ng mga nabanggit? I-share mo na sa comments section o ipadala sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles