embed embed2
Viral Online Kung Paano Nagkakilala Si Michelle Madrigal At Kanyang Asawa
PHOTO BY Instagram/@MITCH_MADRIGAL
  • Biglang nag-viral sa social media nitong mga nakaraang araw ang totoong istorya kung paano nakilala ni Michelle Madrigal ang American husband niyang si Troy Woolfolk.

    SINGLE AND READY TO MINGLE?

    Ang nakapagtataka, ang kuwento ng kanilang totoong pagkakakilala ay mapapanood sa kanilang Q&A video, na ipinost sa YouTube noon pang 2019.

    Sa isang bahagi ng video, inamin nina Michelle at Troy na nagkakilala sila sa Tinder, isang kilalang online dating app.

    Base sa recent reactions ng netizens, kailan lamang nila nalaman ang tungkol dito.

    May isang netizen na ni-repost ang maiksing bahagi ng video nina Michelle at Troy.

    Ang 38-second video clip, kung saan inamin ng mag-asawa na sa Tinder sila nagkakilala, ay tumabo na ng halos isang million views.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Do not surrender!

    Nag-comment din ni Michelle at sinabi sa netizen na huwag itong sumuko sa paghahanap ng pag-ibig.
    Sabi ng aktres: "Lol!!!! Mahahanap mo din yan!!!! Push Lang!!!"

    Sagot ng netizen kay Michelle, maraming nabuhayan muli ang loob na makakahanap ng pag-ibig sa dating apps.

    Napa-tweet din ang beauty queen-actress na si Mary Jean Lastimosa.

    Aniya, magda-download na siya ng app.

    It's a lie

    Kapansin-pansing nakarating kay Troy, isang dating football player, ang biglang pag-viral ng video nila ni Michelle.

    Nito lamang Martes, October 6, may Instagram post si Troy kaugnay rito.

    Sa caption, binanggit ni Troy na nagsinungaling sila noon ni Michelle tungkol sa kuwento ng kanilang pagkakakilala.

    Ibinahagi ni Troy kung bakit inamin na rin nila ang totoong istorya.

    Caption niya, “The secret is out. Swipe right to see (hint hint)

    “Yes it is true @mitch_madrigal and I met on Tinder. Originally we made up an elaborate lie using some cliché movie script introduction meeting at the park while walking my dog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “The stories kept changing and I got tired of trying to remember so we came out to tell the truth!”

    The admission

    Sa kanilang 2019 video, ang unang tanong na sinagot ng mag-asawa ay kung paano sila nagkakilala.
    Dito inilahad ni Michelle ang imbento nilang kuwento.

    “The movie scenario was, Troy was running at the park with his dog, and basically I started talking to him; asked about his dog and I pet him, this and that.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “And then, he started the conversation and then from there, he got my number and went out on a date.”
    Sambit naman ni Troy, “Lies! All lies!

    "The real story. Tinder. Swipe, swipe. She gave me the star. I was the star of the day.”

    Ang tinutukoy ni Troy ay ang activity sa Tinder: swipe right kapag interesado sa user at pagbibigay ng blue star kapag “super like.”

    Sinegundahan ni Michelle ang pag-amin ni Troy.

    “So, yeah, we met through Tinder, a dating app.

    “So, we did start [on] weekend… Sunday, right? We swiped.

    "And then we met up on a Wednesday, and then we went out again on a Saturday with his friends.

    "And the rest is history.”

    Huling napanood si Michelle sa ABS-CBN teleseryeng Pasion de Amor, na tumakbo mula June 2015 hanggang March 2016.

    January 2016 nang lumipad siya patungong U.S. para kumuha ng culinary arts.

    Dito niya nakilala si Troy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May 2017 nang ianunsiyo ni Michelle na ipinagbubuntis niya ang unang anak nila ni Troy. Na-engage sila noong July 2017.

    Si Michelle ay nakabase ngayon sa Texas, U.S.A.

    Ikinasal sila doon ni Troy noong April 2019.

    Kapatid ni Michelle ang aktres na si Ehra Madrigal.

    SINGLE AND READY TO MINGLE?

    This story originally appeared on Pep.ph. Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles