embed embed2
00 Days : 00 Hours : 00 Mins : 00 Secs
86 seats remaining Sign Up Now
  • 'Pina-DNA Test Ang Anak Ko Para Masigurong Dugo Nila' At Iba Pang Mom-In-Law Horror Story

    Hindi mapigilang maghinanakit ng mga moms na ito sa sinabi o ginawa ng kanilang biyenan
    by Lei Dimarucut-Sison .
'Pina-DNA Test Ang Anak Ko Para Masigurong Dugo Nila' At Iba Pang Mom-In-Law Horror Story
PHOTO BY @Motortion/iStock
  • Ordinaryong tao man o mga taga-show business, napakarami nang mga “horror stories” tungkol sa relasyon ng mga manugang at biyenan. Bagamat may mga nagsasabi din naman na maayos ang kanilang relasyon sa pamilya ng kanilang asawa o partner, kadalasan ay hindi talaga maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

    Kailan lang ay napabalita ang panibagong isyu sa pagitan ng aktres na si Lotlot de Leon at ng dati niyang biyenan, ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales, base sa kanyang Facebook posts. Bagamat hindi niya pinangalanan, marami ang naniniwalang patukoy ang mga ito sa nanay ng dati niyang asawa na si Ramon Gutierrez.

    “Mabuti na lang marunong ako rumespeto sa matanda!!! Pero minsan lang talaga may mga matanda na hindi ka-respe-respeto at walang pinagkatandaan! 

    “WHO DO YOU THINK YOU ARE??!!??? Talaga???!!! Yan ang bitaw mo?!?!? Ako kaya magsabi who I think you are!!!”

    What other parents are reading

    Malinaw na sagot ang huli sa isang insidente kung saan ayon kay Pilita, pinagsabihan niya ang kanyang apo na si Janine Gutierrez, panganay na anak nina Lotlot at Ramon, tungkol sa isang post nito sa social media patungkol sa isang showbiz at political personality. Ang nasabing personality ay malapit sa talent manager na si Lolit Solis na host ng show kung saan nag-guest si Pilita. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Bago ako mag-umpisa, Lolit, pinagalitan ko si Janine kahapon.

    “I said, ‘You’re wrong! You are wrong! When you are wrong, you’re wrong.’

    “Wala naman na siyang… Ang sabi niya, ‘Yes, Mita. Yes Mita.’ [Mamita, tawag sa show business kay Pilita

    “Ang sabi ko, ‘You don’t do that, you don’t say that. Who do you think you are?’”

    Sa isang bagong post ni Lotlot kung saan kasama niya ang kanyang mga anak, mga kapatid, ang kanyang kasalukuyang asawang si Fadi, at si Ramon, sinabi niya, “Hindi kami perpekto, we have misunderstandings, pero ang isa sa hindi namin gagawin kahit kailan ay ipangalandakan sa buong mundo ang pagkakamali ng isa.

    “Hindi kame manlaglag just because we feel or think na mali ang isa!”

    Bagamat may kanya-kanya nang buhay sina Lotlot at Ramon, nagawa nilang maging civil sa isa't isa sa paglipas ng mga taon para sa kapakanan ng kanilang apat na anak. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

    Hindi maikakaila na masalimuot ang relasyong biyenan at manugang. Ito ba ay dahil sa sinasabi o sa ginagawa ng bawat isa? Tinanong namin ang mga miyembro ng Smart Parenting Village kung mayroon silang kaparehong karanasan sa kanilang biyenan, at heto ang ilan sa kanilang mga sagot.  

    “Harapang sinabi sa akin ng mother-in-law (MIL) ko, ‘Pinagdadasal ko nga na sana bigyan ng mabuting asawa ang anak ko, kaya lang parang hindi naman natupad.’” - Lia Batac-Marayag

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “‘MAY GATAS KA BA!? Parang wala naman nadedede yung bata.’ The day after, nilagnat ako, nagka-mastitis sa sobrang daming milk. Sabi ni MIL, “Dapat kasi sa bote na lang painumin ‘yung bata e.’” - Jo Vislenio

    “Sinasabi ng father ng husband ko na bading ang 13-month-old baby boy ko. Ganun ang sinasabi niya kasi maputi ang baby ko at ang ibang apo niya kayumanggi.” - Eon Carreon

    “Nung nalaman ng MIL ko na nambabae yung asawa ko, ang una niyang sinabi sa akin ay i-assess ko daw ang sarili ko, baka daw may pagkukulang ako.” – Name withheld upon request

    “Si MIL ang madalas noon mag-decide para sa amin ni hubby at mas pinapaboran ni hubby ang sasabihin nya kaysa decisions ko (mama’s boy kasi). Minsan na din siyang sumawsaw sa away naming mag-asawa para ipagtanggol ang anak niya.” - Name withheld upon request

    “Noong nasundan agad yung panganay namin, sabi ni MIL, pag naghirap daw kami sa buhay ako daw sisihin kasi hindi ako nag- iingat. Lahat sa side ng asawa ko sinasabi bakit ko daw sinundan agad. Kung iisipin, hindi naman kami nanghihingi sa kanila at never ako nagpa-alaga ng bata sa kanila.” - Name withheld upon request

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “‘Yung si MIL pa nagalit sa akin kasi pina-barangay ko yung anak nya sa kadahilanang binugbog ako ng anak nya.” - Laiza Deogracias

    “Naiinis ako everytime sasabihin na lahat ng good traits or talents ng mga anak ko, dahil sa genes nila. Ano yun? Dumaan lang sa akin anak ko? Wala akong na-contribute? Daig ko pa invisible pag nasa side nila ako.” - Name withheld upon request

    “I got pregnant while my then-boyfriend was in his last semester in college. His father told me, bakit daw ako nagpabuntis sa anak niya eh hindi pa daw sya nakabawi sa lahat ng nagastos niya sa pagpapalaki at pagpapaaral sa kanya.” - Name withheld upon request

    “Dahil nag-away kami ng mga anak niya dahil sa pangingialam nila sa pamilya naming at sa kinikita ng asawa ko, sabi sa akin ni MIL, ‘Wag ka pakasiguro na habang buhay buo pamilya nyo dahil mahaba pa ang panahon at walang forever.’” - Leslie Bonayon-Amarante

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Noong halos 1month pa lang ako nakakapanganak, sinabihan akong “nag-babaka ka na naman” (cow) kasi nagpa-pump ako since hindi nakaka-latch baby ko sa akin. Sobrang sama ng loob ko. Hindi naman nakakatulong yung mga ganong comment.” - Maybelle Tombucon-Panis 

    “Sabi ni MIL sa anak ko, ‘Ang damot-damot mo, manang-mana ka sa nanay mo.” - Name withheld upon request

    “Pupunta kami ng anak ko sa grocery. Sabi ni MIL sa harap ng mga kapatid ni hubby, ‘May mangyari na sa ‘yo, wag lang sa apo ko.” - Name withheld upon request

    “Less than 24 hours bago ang kasal namin ni hubby, imbes na words of wisdom, sabi ni MIL, “Di naman lahat ng kinakasal nagsasama habang buhay. Minsan nga kung kelan kinasal saka naghihiwalay.” - Almarie Joy Giron-Diaz

    “Sabi ni MIL, ‘Dapat di ka nagpapadede ng ganyan kamahal [na gatas], wala ka namang trabaho.” - Cheska Balome-Parale 

    “Bago kami bumukod ng tirahan ng asawa ko, sinasabi ni MIL sa ibang tao, ‘Subukan nilang bumukod. Hindi nila kaya!’ Noong nagkaron na kami ng pagkakataong bumukod, galit na galit naman siya at sinabing nagbabahay-bahayan lang kami.” - Name withheld upon request

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “I have two kids with my ex. We broke up when I was pregnant with our second. His parents tried to convince him to question the paternity of his second child. When they saw photos of our second child, his mom replied “Mas kamukha mo si (panganay),’ as if to say this child isn’t his. They even asked the exact number of weeks ng baby para malaman kung nabuo siya bago kami naghiwalay. Years later I was told by their family friend na pina-DNA test nila mga anak ko without my knowledge.” - Name withheld upon request

    “Pinagupitan nila ng buhok si baby nang hindi man lang nagpaalam or nagsabi sa akin. Feeling ko na-bypass ako bilang nanay. Yung father-in-law ko naman ilang beses na namin sinabihan na wag mag-sigarilyo sa loob ng bahay kapag nandoon ang mga bata pero ganun pa rin ginagawa nya.” - Jam Jam

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles