-
Home How This Single Mom Became A Homeowner At 25: 'Ayaw Ko Nang Palipat-Lipat Kami'
-
Preschooler 10 Etiquette Lessons To Help Your Child Grow Up Kind, Well-Behaved, And Respectful
-
Your Health Mom Opens ‘Scream Hotline’ To Help Fellow Mothers Release Stress Amid The Pandemic
-
News Andi Eigenmann And Philmar Alipayo's Underwater Engagement Photoshoot Looks Magical
-
Ang Sikreto Ni Mommy: 'Ganito Lang Ang Ginagawa Ko 'Pag Naiinis Na Ako Kay Hubby'
Ilang paraan para hindi kayo mag-away ni hubby sa harap ng mga bata.by Ana Gonzales .

PHOTO BY iStock
Sa umpisa pa lang, importanteng maintindihan mo na walang perpektong relasyon. Walang dalawang taong hindi nagkakapikunan at hindi nag-aaway. Bawat couple ay may sariling 'dynamics' na tinatawag. Normal lang na hindi magkasundo. Sabi nga nila, ang isa sa mga sikreto sa isang mahaba at mapayapang pagsasama ay ang pagtanggap sa katotohanang hindi mo mababago ang partner mo.
Kaya naman para makatulong sa mga nanay at tatay na nagsstruggle sa kanilang pagsasama, nagtanong kami sa aming mga readers na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, kung anong ginagawa nila kapag napipikon na sila sa mga asawa nila.
Humihinga ako ng malalim (na malalim)
O 'di kaya ay magbilang ng isa hanggang sampu o hanggang mawala ang galit at inis mo kay hubby. Ayon sa mga nanay, kapag huminga ka ng malalim o 'di kaya ay nagbilang ka o pumikit sandali, magkakaroon ka ng pagkakataong pag-isipan muna ang mga sasabihin o hindi mo sasabihin sa asawa mo. Marami sa mga nanay ang sumang-ayon sa method na ito. Kwento pa nila, malaki ang nagagawa ng ilang minuto ng katahimikan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWInuulit-ulit ko sa isip ko ang mantra ko
Ang mantra ay kilala bilang isang salita o phrase na paulit-ulit na binabanggit para makatulong sa meditation. Ngunit dahil kalimitan ay wala ka namang oras para mag-meditate, uulitin mo lang sa sarili mo ang isang mantra na makakatulong para kumalma ka. Pwedeng mantra ang 'This too shall pass' o 'di naman kaya ay 'Let it go' o 'It is what it is.' Isama mo ito sa iyong isip habang humihinga ka ng malalim at siguradong sa ilang minuto lang, mas magiging kalmado ang iyong isip.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosTinetext ko si hubby
Sa halip na sigawan o awayin si hubby sa harap ng mga bata, mas pinipili ng mga nanay sa Village na i-text na lang kay hubby ang mga saloobin nila.
Saka na lang nila kinakausap si hubby kapag wala na ang mga bata o mayroon na silang privacy. Sa ganitong paraan, kalmado na ang mga nanay bago pa man nila makaharap si hubby.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLumalabas muna ako ng bahay
May ilang mga nanay naman sa Village ang pinipiling lumabas muna ng bahay para hindi makapagsalita ng masakit laban sa mga asawa nila. Ang iba pa ngang mga nanay, umaalis na lang at nagpupunta sa grocery o hindi kaya sa palengke, bitbit ang anak, para wala na lang masabing masama kay hubby.
Nagpapaganda ako
Katwiran ng isang nanay, at least maganda siya kahit na napipikon na siya o nagagalit kay hubby. Agree naman ang ibang mga nanay na nagsskin care routine daw kapag naiinis kay hubby, para maalis sa isip nila ang negativity—bonus na lang na gumanda pa ang kanilang kutis.
What other parents are reading
Umiinom ako ng milk tea
#MilkTeaIsLife naman ang ibang mga nanay sa Village na pinipiling daanin sa pag-inom ng kanilang favorite drink ang inis nila sa kanilang mga mister. Sabi pa nila, effective pampalamig ng mainit na ulo ang milk tea with extra pearls at minsan 'yung may brown sugar at cream cheese.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Ginagaya ko si hubby
Madalas pag-awayan ng mga mag-asawa ngayon ang mobile game na Mobile Legends. Malimit mapikon ang mga nanay kapag laro ng laro si hubby. Ayon sa isang nanay sa Village, naisip niyang gayahin ang ginagawa ni hubby.
Hindi siya naglalaro ng games pero gumagamit siya ng cellphone tuwing gagamit si hubby ng cellphone—para maramdaman ni daddy kung anong pakiramdam ng hindi kinakausap. Madalas ay gumagana naman ito. Kapag napansin ni daddy na cellphone din ng cellphone si mommy, ibinababa niya ang cellphone niya at nakikipa-usap na siya sa mga kasama niya sa bahay.
What other parents are reading
Naglilinis ako ng bahay
Dahil hindi talaga effective ang pagbubunganga, may mga nanay sa Village na mas pinipiling i-channel ang kanilang galit sa ibang bagay. Mayroong nag-oorganize ng shelves at closets, may naglalampaso at nagfofloor wax, at mayroon namang pinipiling magkuskos ng mga kaldero—gamiting fuel ang galit para matanggal ang sebo.
What other parents are reading
Nag-aadd to cart ako
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKwento ng mga nanay, relaxing para sa kanila ang mag-add to cart ng mga products mula sa kanilang mga paboritong online shops. Nagbibiruan pa nga nilang ikinwento na kapag mas nabwisit pa sila kay hubby, natutukso silang i-charge sa card ni hubby ang kanilang mga gustong bilhin—buti na lang at hindi umaabot ang mga nanay sa puntong ito.
Marami pang ibang mga creative na paraan ang mga nanay para kalmahin ang mga sarili nila kapag napipikon sila sa kanilang mga asawa. Nariyang nag-eexercise sila o 'di naman kaya ay nakikinig sila sa mga paborito nilang musika.
Isa pang magandang paraan ay ang pagbalik sa simula at sa dahilan kung bakit kayo nag-umpisa. Makakatulong ding tignan mo rin ang magagandang kaganapan sa inyong buhay mag-asawa.
Ano man ang paraan natin para mapakalma ang ating mga sarili, kailangan nating tandaan na isang maliit na elemento lang ng pagsasama ng mag-asawa ang hindi pagkakaintindian. Normal na bahagi rin ito ng isang relasyon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKayo, paano ninyo pinapakalma ang inyong mga sarili kapag may arguments kayo ni hubby? I-share niyo lang sa comments section.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network