embed embed2
  • P25,000 Ang Ginastos Ng Mag-Asawang Ito Para Sa Kanilang Simpleng Church Wedding

    Kaunti lang ang inimbita nila at isang pares lang din ang ninong at ninang.
    by Ana Gonzales .
P25,000 Ang Ginastos Ng Mag-Asawang Ito Para Sa Kanilang Simpleng Church Wedding
PHOTO BY courtesy of Marilen Pasco
  • Hindi maikakailang napakamahal na talagang magpakasal ngayon. Lalo na kung ang gusto mo ay iyong tradisyunal na kasal sa simbahan—kumpletong entourage at may photo at video pa. Kaya naman maraming mag-partner ngayon ang pumipili ng civil wedding. Bukod kasi sa mas mura, mas madali ring ayusin ang mga requirements.

    Labing-isang taon nang kasal sa huwes sina mommy Marilen at daddy John Cedric Pasco bago pa sila nakapagpakasal sa simbahan. "Sabi namin, saka na yang church wedding, mag-iipon muna," pagbabahagi ni mommy sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. "Mahirap mag-ipon lalo na kung may anak ka na," pahayag pa niya.

    Mayroons isang pares ng ninong at ninang ang mag-asawa.
    PHOTO BY courtesy of Marilen Pasco
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pero dahil gusto talaga nilang maikasal sa simbahan, napagkasunduan nilang kahit sa kasalang parokya na lang. "Pakainin na lang sa labas ang ninong at ninang," kwento ni mommy.

    "Hindi na [rin] namin ipinamalitang ikakasal kami. Baka may magtampo na hindi na-invite sa dami ng [mga] kakilala namin." Isang pares lang ng ninong at ninang ang mayroon sila dahil iyon lang naman ang bilang na hiningi sa kasalang parokya.

    More from Smart Parenting

    Php25,000 ang kanilang total na nagastos. Php12,000 doon ay para sa kanilang forever ring na binili nila sa isang jewelry shop sa Riverbanks Center sa Marikina. Silver lang daw ang singsing nila noong civil wedding kaya talagang nag-invest na sila ngayon sa mas maganda.

    Para naman sa dress ni mommy, polo ni daddy, at iba pang mga expenses tulad ng photography at videography, gumastos sila mommy ng total na Php7,000. Ang reception naman nila ay ginanap sa Max's—labingdalawa lahat sila na nagsalu-salo, kasama ang dalawang anak nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Nag-invest na rin ang mag-asawa sa kanilang wedding band.
    PHOTO BY courtesy of Marilen Pasco

    Pagkatapos ng kasal ay nag-uwian na rin ang mga bisita. Gumala naman sina mommy and daddy dahil Valentine's Day din noon.

    Kwento ni mommy, pangarap din naman daw niyang magkaroon ng isang espesyal na kasal. 'Yung magsuot ng mahabang gown, magkaroon ng kumpletong entourage at engrandeng reception na may program pa at kasama ang lahat ng kanilang mahal sa buhay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Siyempre, hindi kumpleto ang okasyon kung wala ang kanilang dalawang anak.
    PHOTO BY courtesy of Marilen Pasco

    "Kaya lang, kung hindi talaga kaya ng budget, anong gagawin?" paliwanag niya. "Matagal na naming iniiwasang mangutang at [gusto naming] matutong pagkasyahin kung ano ang mayroon," dagdag pa niya. "Pwede namang mangyari 'yun after ilang years kapag kaya na."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Ang importante sa amin," paliwanag ni mommy, "hindi na kaming dalawa lang ang magtataguyod sa pamilyang binuo namin. [Naroon] na ang presence ni God. Someday, kung papalarin, mararanasan din namin ang pinakabonggang wedding na gusto namin—bonus na lang sa pagsasama namin kung mangyari man 'yun."

    More from Smart Parenting

    Payo ni mommy sa mga mag-partner na nagbabalak nang mag-pakasal, "kung sigurado na kayo at talagang balak niyo na magpakasal, kayang-kaya kahit sa church pa, nasa Php4,000 hanggang Php5,000 kapag hindi kasalang parokya. Dagdag pa ni mommy, "'Wag ninyong pilitin kung hindi kaya ng budget. Samahan niyo na rin ng prayers dahil walang imposible kay Lord."

    More from Smart Parenting

    Kayo? Saan kayo ikinasal ng asawa mo? Magkano ang budget ninyo at naging total expenses? Kumusta naman ang experience? I-share mo na sa comments section.

    Pwede ka ring makahanap ng marami pang inspiring stories tulad nito sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles