-
Sa Mag-Asawa, Private Property Ba Dapat Ang Cellphone Ng Isa't-Isa?
Magkakaiba ang approach ng mag-asawa ukol dito. May nagpapalitan ng password at mayroong hindi.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sabi nila, kung wala ka namang itinatago, hindi dapat maging issue sa iyo kung hihingin ng partner mo ang password sa cellphone, email, at social media accounts mo. Pero tama ba ito? May karapatan nga ba ang partner mo na i-access ang mga ito?
Depende. Bawat relasyon ay may sariling dynamics. May mga mag-asawang komportable na hindi alam ng isa’t-isa ang kanilang mga passwords at mayroon namang tahasang nagtitinginan ng cellphones at social media accounts.
Importante ang pagiging totoo at open sa iyong asawa, ngunit hanggang saan nga ba dapat ito? Mayroon ba itong hangganan o limitasyon? Ayon sa Very Well Mind, sa isang healthy relationship, importante na mayroong sense of emotional at physical privacy ang mag-asawa. Ito’y para hindi ninyo malimitahan ang galaw ng isa’t-isa. Sa ganitong pamamaraan, maaaring mas maging intimate kayo sa isa’t-isa dahil mayroon kayong choice kung alin lang ang ibabahagi ninyo sa inyong asawa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng sikreto para maging matagumpay kayo sa ganitong set-up ay ang pagkakaroon ng tiwala. Kung nagkasundo kayong mag-asawa na hindi ninyo ibabahagi sa isa’t-isa ang inyong mga passwords, kailangan ninyong pagkatiwalaan ang isa’t-isa na wala kayong itatagong makakasira sa inyong relasyon.
Kailangan ring magtalaga kayo ng guidelines kung alin ang ibabahagi ninyo sa isa’t-isa at kung alin ang para lang sa inyong mga sarili. Halimbawa, may mga sikretong maaaring makasama o makaapekto sa inyong relasyon. Kabilang na riyan ang mga problema sa inyong trabaho at ang pagsisinungaling sa kung paano ka gumagastos ng pera. Ito’y mga bagay na dapat ay sinasabi mo sa iyong asawa.
Mahalaga rin ang intensyon mo kung bakit hindi mo ibinabahagi ang isang bagay. Halimbawa, kung hindi mo sinasabi sa asawa mo na may kausap kang ibang tao dahil alam mong magseselos siya, mas magkakaroon kayo ng problema. Kung hindi mo ibinabahagi sa asawa mo kung anong ginagawa mo pagkatapos ng trabaho dahil alam mong magagalit siya, maaari rin itong pagsimulan ng away.
CONTINUE READING BELOWwatch nowKailangan talagang magtalaga kayo ng 'ground rules' para alam ninyo kung ano ang kailangang malaman ng isa’t-isa. Ang isang partner kasi na makakatuklas na pinaglilihiman siya ay maaaring makaramdam ng matinding sense of betrayal na maaari namang maging daan para mas maging paranoid siya at mas mahirapang magtiwala.
Kung pipiliin niyo namang maging open sa isa’t-isa sa pamamagitan ng pagbibigay sa isa’t-isa ng access sa inyong mga emails, texts, at social media accounts, kailangan pa rin ninyong mag-set ng ground rules.
Pwede kasing maging iba ang interpretasyon mo sa isang bagay na para sa partner mo ay wala namang kahulugan. Halimbawa, kung nabasa mo sa mga text messages niya na may babaeng umaaya sa kanyang kumain, maaaring para sa asawa mo ay wala lang 'yun, ngunit para sa iyo ay mayroon pala itong ibig sabihin. Kailangan, sa umpisa pa lang ay i-establish niyo na sa isa’t-isa ang ibig sabihin ng mga bagay-bagay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi nga sa New York Times, may access ka man o wala sa mga pribadong gamit ng iyong asawa, kailangan mong i-control ang urge mo na paulit-ulit na mag-spy sa kanya.
Tunay na mahalaga ang tiwala para maging matagumpay ang isang pagsasama. Ibigay mo man o hindi ang password ng iyong accounts sa iyong asawa, mayroon pa rin itong kaakibat na tiwala. Kung ibibigay mo ang passwords mo, may kaakibat itong pagtitiwala sa iyo na hindi mo aabusuhin ang access. Kung hindi mo naman ibibigay ang passwords mo, may kaakibat naman itong tiwala na wala kang itinatagong maaaring makasira sa inyong pagsasama bilang mag-asawa.
Ikaw? Ibinibigay mo ba ang password mo sa iyong partner o hindi? Kumusta ang inyong pagsasama? I-share mo lang 'yan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments