Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Dapat Na Nga Ba Kayong Bumukod Mag-asawa?

    Narito ang ilan sa mga pros and cons ayon sa mga nanay sa Smart Parenting Village.
    by Ana Gonzales .
Dapat Na Nga Ba Kayong Bumukod Mag-asawa?
PHOTO BY iStock
  • Isa sa mga topics na madalas ibahagi sa Smart Parenting Village bilang #SPConfessions ay ang pagbukod ng mga mag-asawang nakapisan pa sa bahay ng kanilang mga in-laws. Madalas ay hirap ang mag-asawang magdesisyon kung bubukod na nga ba sila o mananatiling pa ring nakatira kasama ang kanilang mga magulang.

    Para tulungan kayong mag desisyon, inipon namin ang ilan sa mga pros and cons at magagandang advice na nakita namin sa loob ng Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    PRO: Mas may kalayaan kayong mag-asawa na gumawa ng sarili ninyong desisyon

    Ayon kay Mommy Chris Kilap-Nepomuceno, mas marami kang matutunan kung nakabukod kayong mag-asawa. "Mas madidiskartehan ninyo mag-asawa ang mga bagay-bagay," Sabi pa niya:

     

    Ganito rin ang nararamdaman ni Mommy Lulu Manesce. Ayon pa sa kanya, mas nagagawa nila ang mga gusto nilang gawin nang hindi nag-aalala na may nagbabantay sa kilos nila.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para din sa mga nanay sa Village, advantage na walang nakikialam sa mga desisyon nila para sa kanilang mga anak—walang ibang mga matang nakatingin o tengang nakaabang sa mga pagkakamaling maaari nilang magawa.

    More from Smart Parenting

    Sabi ni Mommy Tin Dela Cerna Sabino, "It's as simple as learning not to depend on your parent." Ayon pa sa kanya, "Ang daming struggles, para kang nangangapa pag bumukod ka. Others say para ka lang nagbabahay-bahayan. But come to think of it, kapag nakayanan niyo mag-asawa on your own, good job na kayo doon. Doon ma-tetest ang tatag ng marriage and faith ninyo sa isa’t-isa."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    PRO: Mas magiging matatag ang samahan ninyong mag-asawa

    Ibinahagi rin ng mga nanay sa Village na advantage ang pag-bukod dahil pinapatibay nito ang samahan ninyong mag-asawa. Kuwento ni Mommy Cindylin Kazama, kung may misunderstanding man kayong mag-asawa, mapag-uusapan ninyo ito ng pribado. Hindi madadamay ang inyong mga magulang sa inyong mga argumento at hindi rin kayo makaka-istorbo sa iba. Sabi pa niya, long distance relationship ang mayroon sa kanilang mag-asawa noon, bago pa sila nagkaanak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ngayo'y mas nakilala, minahal, at naintindihan nila ang isa't-isa. Maliit man o malaki ang problema, napag-uusapan nila ito ng masinsinan.

    Bukod pa dito, matututo din kayong mag-asawa na maging mas magaling sa pagma-manage ng inyong tahanan, mula sa housekeeping, meal planning, at pag-establish ng routine. Ayon kay Mommy Ayeen Valdezco-Regalado, importante ang independence at resilience upang pagtibayin at palakasin ang inyong samahan bilang mag-asawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa sa pinakamagandang sagot na nakuha namin ay kay Mommy Misty Rose Fernandez. Ayon sa kanya, "You learn the true meaning of compromise because you can't always be the follower or the leader." Dagdag pa niya, matututo kang maging responsable dahil bawat decision na gagawin mo ay mayroon epekto sa iyong buong pamilya. "You learn so much. How to manage finances, how to cook, how to be a parent, a carpenter, an electrician, a teacher, a nurse, etc. You also learn how to handle your emotions on different situations," dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napakaganda rin ng sinabi ni Mommy Dana Marie Maceda Bacalso. Ayon sa kanya, "Leaving and cleaving taught us the importance of building our own foundation." Dagdag pa niya, mas naging responsable ang kanyang asawa dahil alam nito na sa kanya nakaasa ang pamilya. Si mommy naman ay mas naging emotionally mature. "There are still a lot of advantages and disadvantages in leaving and cleaving. But always remember that your tomorrow will always be the consequences of your choices today," sabi pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CON: Nakakapagod at nakakamiss ang aming mga magulang

    Bagaman mayroon kayong kalayaang mag-asawa para magdesisyon para sa inyong pamilya, hindi maikakailang nakakapagod kung kayong dalawa lang ang magtutulungan para gampanan ang inyong mga responsibilidad. Sabi nga ni Mommy Mendoza J Ui, pros, ikaw ang reyna, cons, renyang pagod. 

    Kung nakapisan pa kayo sa inyong mga magulang, mayroon kayong makakatuwang sa pagpapalaki ng inyong mga anak at pagma-manage ng inyong tahanan. Ayon pa kay Mommy Jennelyn Gayos, nakakamiss ding maging isang anak kung hindi ka na nakatira sa iyong mga magulang. Ganyan din ang saloobin ni Mommy Kaye Bee-Adalia

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nabanggit din ni Mommy Rachel Soriano na bahagi ng paghiwalay sa magulang ang mamiss mo sila, pati na rin ang iyong mga kapatid. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa lahat ng mga magulang at mag-asawang sumagot sa aming tanong tungkol sa pagbukod, dalawa lang ang lumabas na disadvantage, kumpara sa mga nabanggit nilang advantages. Ibig sabihin ba nito ay mas magandang bumukod kaysa tumira sa iyong mga magulang? Ang sagot: Depende sa sitwasyon at financial na capacity ninyong mag-asawa. Kung halimbawa ay walang mag-aalaga sa iyong mga magulang o sa magulang ng asawa mo sa kanilang pagtanda, hindi masama na sa kanila muna kayo nakapisang mag-asawa.

    More from Smart Parenting

    Kalimitan, nagsisimula lamang ang problema kapag hindi magkasundo sa paniniwala ang in-laws at mag-asawa pagdating sa pagpapalaki ng mga bata at pagma-manage ng bahay. Ang pinakamagandang solusyon sa problema na ito maliban sa pagbukod ay ang pakikipag-usap ng masinsinan sa pamilya mo o ng iyong asawa o kinakasama. Sa kulturang Pilipino, kalimita’y nauunahan ng hiya ang mga pamilya pagdating sa pag-set ng boundaries sa loob ng bahay. Ngunit hindi masamang ipaliwanag ng maayos sa iyong in-laws kung paano mo gustong palakihin ang iyong mga anak. Maaari mo ring maabot ang kompromiso kung makikipag-bargain ka sa kanila. Hanggang saan nga lang ba sila dapat bilang mga lolo at lola ng iyong mga anak? Kung hindi maiwasan ang conflict dahil sa mga pagkakaibang ito, mas magiging mainam na ngang bumukod kayong mag-asawa. Laging tandaan na hindi ka dapat maging biktima ng sitwasyon dahil mayroon kang magagawa para mapabuti ang iyong sarili at ang iyong pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles