embed embed2
  • Sabi Ni Mommy Sa Asawang Nag-Alok Magpa-Vasectomy, ‘I’m Just So Proud Of My Husband’

    Vasectomy ang birth control procedure para sa mga kalalakihan.
    by Jocelyn Valle .
Sabi Ni Mommy Sa Asawang Nag-Alok Magpa-Vasectomy, ‘I’m Just So Proud Of My Husband’
PHOTO BY Shutterstock
  • Isa sa mga dapat pero hindi kadalasang pinagu-usapan at pinagkakasunduan ng mag-asawa ay ang paraan ng pagpaplano ng pamilya. Tila nananaig pa rin kasi ang maling paniniwala na nasa babae ang responsibilidad ng birth control, tulad ng pag-inom ng contraceptive pills.

    Kaya naman ibinahagi ng isang miyembro ng Smart Parenting Village Facebook page ang usapan nila ng kanyang asawa tungkol sa birth control. Saad pa ni Nie Bayonhon-Delos Reyes sa kanyang post, “I’m just so proud of my husband.”

    Ganito ang usapan ng mag-asawa tungkol sa birth control.
    PHOTO BY Nie Bayonhon-Delos Reyes
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Maraming miyembro sa online community ang naka-relate at humanga sila lalo sa pag-alok ni Rommel na sumailalim sa vasectomy. Isa sa kanila ang nagsabing, "I admire your hubby," habang ang isa ay inilarawan si Rommel bilang "so caring and loving husband."
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Base sa screenshots, naunang nagsabi si Nie na pipiliin niya ang birth control implant dahil “hirap kase pag pills.” Sumagot naman si Rommel ng, “Gusto mo ako na lang pa-vasectomy?” Pero kapag nakagawa na raw sila ng kapatid ni Keisel.

    Si Keisel ang kanilang panganay na, sabi ni Nie sa SmartParenting.com.ph, ay 1 year old sa darating na April 24, 2021.

    Kahit seryoso ang usapan ng mag-asawa, hindi nawawala ang humor nila.
    PHOTO BY Nie Bayonhon-Delos Reyes
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento pa ni Nie, 26, sa amin na "going three years" na silang kasal ni Rommel, 31. Pareho silang nagtatrabaho noon sa Kuwait, at umuwi siya sa Pilipinas noong 2020 para manganak lang sana. Pero inabutan siya ng COVID-19 pandemic kaya nagpasya na manatili dito. Nakatakda na rin daw umuwi ang kanyang asawa.

    Aniya, "Since uuwi na kasi siya for good, plan ko maghanap ng birth control na puwede sa akin. Kasi sa totoo lang, ayoko sundan 'yung baby namin..

    "Siya mismo nag-open ng conversation about vasectomy. Open naman kami sa lahat ng bagay regarding sa relationship namin and sa parenting. As much as possible, pag pinagu-usapan namin lahat ng plans, mga choices, mga possibilities."

    Dahil sa alok ng asawa niyang sumailalim ng vasectomy, naging bukas si Nie sa pagbibigay ng  kapatid sa kanilang panganay. Ika niya, "Parang he deserves to have another child...Pero hindi muna ngayon."

    Ang mag-asawang Rommel at Nie noong pareho pa silang nagtatrabaho sa Kuwait.
    PHOTO BY Nie Bayonhon-Delos Reyes
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi naman sa isang commenter ng post ni Nie sa Smart Parenting Village, maaaring makakuha ng impormasyon tungkol sa vasectomy mula sa Commission on Population and Development (POPCOM).

    What other parents are reading

     

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles