embed embed2
Red Flag Ba? Puro Seksing Babae Ang Laman Ng Social Media Ni Hubby
PHOTO BY Shutterstock
  • Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfession na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin nito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    Hindi na bago ang usaping cheating sa aming online community. Sa katunayan, isa ito sa mga pinakamalimit na ilapit at ibahagi sa amin ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. 

    Iba't-ibang klase ng cheating na ang nakita namin—mula sa emotional cheating, hanggang sa pagkakaroon ng third party dahil ang mag-asawa'y nasa isang long distance relationship. 

    Kamakailan ay isang tanong ang ipinadala sa amin ng ilang mga nanay: Cheating bang maituturing at okay lang ba kung nagfo-follow ng mga seksing babae si mister sa kanyang social media account? Narito ang ilang bahagi ng #SPConfessions na iyan:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi ko sinasadyang makita ang cellphone ng asawa ko. Hindi naman kasi ako 'yung tipo na bubuksan ang cellphone niya at bubulatlatin kung ano man ang nandoon. Tiwala naman ako sa asawa ko. 

    Noong dating pa lang kami, napansin ko na sa kanya na marami siyang babaeng Facebook friends. Marami ring naga-add sa kanya sa kanyang mga social media accounts. Hindi ko naman pinansin iyon noon dahil inisip kong kapag naging kami, matitigil din 'yun. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hanggang sa naging kami nga at ngayon ay mag-asawa na kami. Nabawasan, pero hindi nagbago. Ganoon pa rin siya sa kanyang social media accounts. Marami pa rin siyang fino-follow na mga babae na sabi niya ay models daw etc. 

    Naiinis ako at nalulungkot dahil pakiramdam ko, ang pangit ko na dahil sa iba pa siya kailangang tumingin. Pakiramdam ko, kaya lang siya online ay dahil gusto niyang makakita ng mga seksing babae. 

    Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa kanya at kung dapat ko ba siyang pigilan sa ginagawa niya. Ano sa tingin niyo, fellow moms?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami ang nagpadala ng payo kay mommy. Karamihan sa kanila ay nagsasabing normal lang na ganito ang ginagawa ni hubby at minsan ay wala itong ibig sabihin—depende na lang ito sa mag-asawa. 

    Kung paano ito i-handle, sabi nga ng mga mommies sa mga nakaraang #SPConfessions tungkol sa cheating, ay depende sa usapan o 'rules' ninyo ng asawa mo. 

    Bawat relasyon kasi ay dapat protektado ng mga taong kasama dito. Responsibilidad ninyong mag-asawa na alagaan ang relasyon ninyo.

    Hindi mo kontrolado kung sino ang ifo-follow ng partner mo online kaya naman makakatulong kung mayroon kayong pagkakaintindihan kung hanggang saan at para saan ang pag-follow niya ng mga seksing babae online. 

    Importanteng magtalaga kayo ng boundaries para maipaliwanag mo sa kanya kung hanggang saan ka lang komportable at kung alin ang ikinokonsidera mong hindi na tama. 

    Mahalaga ring sabihin mo sa partner mo kung ano ang nararamdaman mo na nakikita mo siyang ganito ang tinitignan online. Sa ganitong paraan kasi ay makakapagbigay siya ng paliwanag kung bakit niya ginagawa ang ginagawa niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi nga ng mga nanay sa Village, mas nakakabahala kung nagcha-chat na siya sa mga seksing babae na fina-follow niya dahil iba na ang intensyon niya. 

    Tanungin mo si hubby kung bakit siya nagfa-follow ng kung sinu-sinong babae online para maintindihan mo kung anong dapat mong gawin at maramdaman. Sa pagtatanong mo rin maiintindihan kung ano nga bang nakukuha ng partner mo sa pagfollow-follow ng mga babae online.

    Napakaganda rin ng iniwang payo ng mga nanay sa sender ng #SPConfessions. Sabi nila, isang paraan para hindi ka ma-insecure ay ang pag-aalaga rin sa iyong sarili. 

    Gaya ng lagi naming sinasabi, hindi porket nanay ka na ay papabayaan mo na ang sarili mo. Hindi lang kasi ito tungkol sa pagiging sexy. Mas tungkol ito sa pagiging healthy mo para sa iyong mga anak. 

    Bukod pa, hindi mo kontrolado ang gagawin ng partner mo. Ang kontrolado mo lang ay ang iyong sarili. Gayon pa man, hindi ibig sabihin nito na tatahimik ka na lang at hahayaan mong maging masama ang loob mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kausapin mo ang asawa mo at ipaliwanag mo sa kanya kung ano ang nagiging epekto sa iyo ng ginagawa niya. Maaari kasing hindi niya alam na masakit pala sa iyo ang mga nakikita mo. 

    Relate ka ba sa kwento ni mommy? I-share mo na ang iyong experience sa comments section o ipadala ito sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    Follow Ana Gonzales on Instagram at @mrs.anagonzales.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles