Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Sapat na Ang Isang Babae, Sabi ng Isang Devoted Husband
PHOTO BY courtesy of George Bedia-Anas
  • Alam ng lahat na ang isang relasyon ay nangangailangan ng pag-aalaga, pero ibang usapan na kapag ang isang babae at lalaki ay mag-asawa na at mayroon nang mga anak. Isang malaking responsibilidad ang mag-alaga ng mga anak, at dahil dito, minsan ay nakakaligtaan ng mag-asawa na kailangan din nilang pagtuunan ng pansin ang kanilang relasyon.

    Kapag nangyari ito, nagiging mahina ang pagsasama ng mag-asawa, at ito ang madalas na dahilan kung bakit natutuon sa iba ang kanilang atensyon.

    Ito ang nag-udyok kay George Bedia-Anas, 29 taong gulang, na ibahagi sa kanyang Facebook account ang isang napakahalagang aral na kanyang natutunan: ang manatiling tapat sa kanyang asawang si Chin, 27. Nag-viral ang kanyang post na ito. 

    More from Smart Parenting

    Aniya sa SmartParenting.com.ph, “I grew up in a family where my mom and dad were not perfect, but they had a lasting marriage because they were both faithful to each other. Though they have had differences, they never resorted to actions that would jeopardize their marriage.” (Lumaki ako sa sa isang pamilya kung saan ang aking nanay at tatay ay hindi perpekto, pero nagtagal ang kanilang pagsasama dahil pareho silang matapat sa isa’t isa. Kahit mayroon silang mga hindi pagkakaintindihan, wala silang ginawang anumang makakasira sa kanilang pagsasama.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “When I wrote my post, the teleserye Halik was very popular, and I felt that I needed to share something encouraging — a positive perspective on relationships for young couples like us.” (Noong sinulat ko iyon, ang teleseryeng Halik ay napaka-popular, at minabuti kong ibahagi ang isang positibong pananaw tungkol sa mga relasyon at mga bagong mag-asawa gaya namin.)

    Hindi maayos ang naging simula nina George at Chin, pero tumibay ang kanilang pagsasama sa pagdaan ng panahon.
    PHOTO BY courtesy of George Bedia-Anas
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Binigyan ni George ng permiso ang Smart Parenting na ilathala ang kabuuan ng kanyang mensahe. Isinalin ito sa Filipino mula sa orihinal na English:

    Sa mga kalalakihan,

    Gusto kong sabihin sa inyo na sapat na ang isang babae. 

    Nakilala ko ang aking asawa anim na taon na ang nakaraan, sa panahong magulo ang lahat. Wala akong trabaho, walang pera, at baon sa mahigit Php 2 milyong utang. Wala akong sasakyan, pera, o trabaho. 

    Sa kabila nito, hindi ako iniwan ng aking asawa, at sa halip ay tinulungan niya akong makabangon. Sabay kaming lumaban at nagsumikap para magtagumpay.

    Na-engage kami noong 2013, pero inabot ng tatlong taon bago kami maikasal. 

    Hindi naging madali ang aming buhay mag-asawa, at wala rin namang perpektong pagsasama. Nakita man namin ang pinakakatago naming ugali, nanatili kaming magkasama.

    Sa pagdaan ng mga taon, ito ang aking napagtanto: Higit pa sa sapat ang isang babae.

    Ngayon, napaka-ordinaryo na na ang mga babae at lalaki ay nagkakaroon ng affair. Siguro, sa akala nila ay okay lang ito dahil maraming gumagawa nito. Nakikita rin nila ito sa mga pelikula at TV show. Siguro, akala nila ay katanggap-tanggap na maghanap na lang ng iba kapag hindi na maayos ang pagsasama nila ng kanilang asawa. Pero kailangan ang katapatan para umusbong ang pagsasama ng mag-asawa. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Ikinasal sila George at Chin tatlong taon pagkaraan na sila ay ma-engage.
    PHOTO BY courtesy of George Bedia-Anas

     

    Maaring hindi perpekto ang aming buhay bilang mag-asawa, pero patuloy itong yumayabong habang tumatagal. At ito ay dahil sa aking asawa, na palagi kong kaantabay sa aming pamilya at sa negosyo. Biniyayaan ako ng Diyos sa kabila ng mga kahirapan noon. Palagi naming nalalagpasan ang mga pagsubok dahil nanatili kaming magkasama sa pagdaan ng mga taon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag kayo ay nagtagumpay, huwag maging hambog. Ang pera ay madalas nagiging dahilan ng pag-aaway sa mga relasyon, pero ngayong ako ay isa nang CEO, lahat ng aking kita ay ibinibigay ko sa aking misis. Siya ang humahawak sa aming mga bank account, siya ang namamahala sa aming pananalapi, at ginagawa niya ito nang buong husay. Huwag mong tratuhing mas mababa sa iyo ang iyong asawa — kayo ay pantay lamang.

    Kagaya sa negosyo, kailangan din ng check and balance sa buhay may-asawa. Sabi ng iba, ang telepono ay isang personal na gamit at ikaw ay may karapatan sa iyong privacy. Para sa akin, noon iyon — noong ikaw ay single. Kapag may asawa ka na, hindi mo maaring isikreto ang password ng iyong telepono at ipilit ang iyong “right to privacy.” Kung wala ka namang ginagawang masama, walang dahilan para itago mo sa iyong asawa ang iyong password.

    More from Smart Parenting

    Halos tatlong taon na kaming kasal, pero ni minsan ay hindi ako tumingin sa ibang babae. Ni walang maaring maupo sa passenger seat ng aking sasakyan kundi ang aking misis. Kahit malapit na kaibigan pa o kasosyo sa negosyo, walang maaring maupo sa upuang para lang sa aking misis. Tulad sa larong chess, iisa lang ang reyna. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi ko alam kung ano ang inyong pinagdadaanan sa inyong relasyon ngayon. Maaring kayo ay nahihirapan, o namumuhay nang masaya. Kayo man ay bagong kasal o matagal nang nagsasama, ang one-woman rule pa rin ang dapat sundin. Kapag minahal mo at nirespeto ang iyong asawa, pupunuin ng biyaya ng Diyos ang iyong buhay pamilya. Magtatagumpay ka sa lahat ng iyong gagawin, at mamumuhay ka nang masaya at matagal. 

     

    Sina George at Chin, kasama ang kanilang anak na si Serena
    PHOTO BY courtesy of George Bedia-Anas
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Ibinahagi rin ni George na nung nagsama na sila ni Chin, nagsumikap sila para mapalago ang kanilang negosyo. Hinawakan ni George ang operations, at si Chin naman sa finances. Sabi pa niya, “Our biggest challenge now is being business partners on top of being spouses. But business and marriage are pretty much the same — you need to be loyal to your partner, need to transparent, and you have to make sure to respect every decision and listen to what the other has to say.” (Ang pinakamalaking hamon sa amin ngayon ay ang maging business partners bukod sa pagiging mag-asawa. Pero ang negosyo at buhay may-asawa ay halos pareho rin — kailangan ninyong maging totoo at maging matapat sa inyong partner, at galangin ang inyong mga desisyon at pakinggan ang kanyang sasabihin.)

    Hindi nakapagtataka na may mga bumatikos din kay George sa isinulat niya tungkol sa buhay may-asawa gayong tatlong taon pa lamang silang kasal. Pero sabi niya, ang tagumpay ng pagsasama ay wala sa haba nito. “We’re too preoccupied with reaching 10, 25, or 50 years but we don’t focus on the quality of time spent with each other. You can be married for so many years, but [you realize] the love and affection are not present anymore.” (Masyado tayong nakatuon na marating ang ating ika-10, 25, o 50 na taon, pero hindi natin iniintindi ang quality ng oras na tayo ay magkasama. Maaring magkasama kayo ng matagal na panahon, pero para ano iyon kung wala naman nang pagmamahalan?)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sina George at Chin ay may isang anak, si Serena, at siya ang isa sa mga dahilan kung bakit sinulat ni George ang mensaheng ito. Gusto niyang mamulat si Serena sa isang pamilya na puno ng pagmamahalan. Sabi ni George, “When children grow older, they eventually mimic what they witness during their childhood.” (Kadalasan, ginagaya ng mga bata kung anuman ang kanilang kinalakihan.) 

    Dagdag pa niya, “We are a work in progress. But as long as we listen to each other and have God in our marriage, no challenge can stand in our way.” (Kami ay “work in progress.” Pero habang marunong kaming makinig sa isa’t isa, at ang Diyos ang aming gabay, walang pagsubok ang sa amin ay hahadlang.)

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa A Devoted Husband From Iloilo Shares Why 'One Woman Is Enough'

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles