embed embed2
Saving A Relationship: Dapat Pa Ba O Tama Na?
PHOTO BY iStock
  • Sa isang #SPConfessions na natanggap namin kamakailan, tinanong kami ng isang nanay kung paano nga ba malalaman kapag dapat pang isalba ang isang relasyon? Tama bang manatili siya sa isang pagsasama kung saan hindi na siya masaya?

    Narito ang bahagi ng kanyang #SPConfessions:

    I never planned to marry him. That's why I was so surprised when he asked me to get married. Granted na buntis ako, hindi ako umasa at naghangad na pakasalan niya ako. Hindi ko alam kung cold feet ito. Pero doubts are starting to creep in. May mga ugali kasi siyang hindi ko gusto at may mga ugali rin akong hindi niya maintindihan. Masaya kami kung masaya, pero kapag nag-away kami, matindi talaga.

    Napapaisip ako, kung magpapakasal kami, kumbaga, wala na. 'Yun na 'yun. Kailangan ko nang tanggapin ang ugali niya. Don't get me wrong. I love him. There are just times na hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko he is bringing me down. Minamaliit niya ang trabaho ko at ang mga kaya kong gawin.

    Hindi ko na alam kung dapat pa ba naming ayusin kung anong mayroon kami.

    Marami sa mga nakabasa ng confession niya ang nagsabing kailangan nilang mag-usap nang masisinan ng partner niya para makita kung paano nila maaayos ang kanilang pagsasama.

    Bukod pa sa maayos na pag-uusap. Pwede mo ring itanong sa isa't-isa ang mga ito:

    What other parents are reading

    Apat na tanong para malaman kung kaya niyo pa bang isalba ang inyong relasyon

    1. Handa ba tayong magbago?

    Lahat ng mga relasyon ay dumadaan sa mga pagsubok. Willing ba kayong dalawa na baguhin ang ano mang ginagawa ninyo na nagiging sanhi ng hindi ninyo pagkakaunawaan?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang isang magulo at toxic na relasyon kasi ay maituturing na isang negative loop. Ibig sabihin, pauli-ulit lang na negatibo ang nangyayari sa inyong dalawa. Maaaring lagi kayong nagsisisihan o nagpapasahan ng responsibilidad.

    Kailangan ninyong mag-implement ng mga tinatawag na positive changes. Magsimula kayo sa pamamagitan ng pag-angkin sa inyong mga kasalanan. Aminado ba ang partner mo na tamad siya? Aminado ka ba na demanding ka at mainitin ang ulo mo? Anong kailangan ninyong gawin para hindi kayo mag-away tungkol dito?

    What other parents are reading

    2. May respeto ba kayo sa isa't-isa?

    Kailangang maramdaman ninyong dalawa na mayroon kayong respeto sa isa't-isa. Dapat ay may mayroon kayong tinatawag na genuine willingness para irespeto ang iniisip at nararamdaman ng isa't-isa.

    Ang pagiging magandang match ay hindi nakasalalay sa inyong pagkakapareho kundi sa inyong pagkakaiba. Sa halip na pilitin mong maging tulad mo ang partner mo, bakit hindi mo subukang tanggapin na magkaiba kayo ng isip at pero pwede ninyong i-complement ang isa't-isa.

    3. Pareho pa ba kayo ng mga gusto sa buhay?

    Mahalagang pareho o magkalapit ang mga gusto ninyo sa buhay para hindi kayo mahirapan na abutin ang mga ito.

    Hindi kailangang parehong-pareho ang mga gusto ninyo. Ang mahalaga, makahanap kayo ng paraan para mag-coexist ang inyong mga pangarap at gusto sa buhay.

    What other parents are reading

    4. Willing ba kayong patawarin ang isa't-isa?

    Walang perpektong pagsasama dahil walang perpektong tao. Para maka-move on kayong dalawa sa panibagong chapter ng inyong buhay, dapat ay taos puso ninyong mapatawad ang isa't-isa.

    Makakatulong ang mga tanong na ito para malaman mo kung may pag-asa pa nga bang maisalba ang pagsasama ninyo. Tandaan, mahalaga sa isang matagumpay na pagsasama ang pag-uusap at pagiging bukas sa isa't-isa. Kung hindi, hindi ninyo maaayos ang alin man sa inyong mga problema.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Mayroon ka bang mga ganitong kwentong gusto ninyong ibahagi? Sumali na sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close