Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Ano Nga Bang Sikreto Sa Isang Matagumpay Na Long-Distance Relationship?

    Mas naging madali na nga ba ang LDR ngayon dahil sa teknolohiya?
    by Ana Gonzales .
Ano Nga Bang Sikreto Sa Isang Matagumpay Na Long-Distance Relationship?
PHOTO BY iStock
  • Mahigit dalawang milyong Pilipino ang naitalang nagtatrabaho sa ibang bansa noong nakaraang taon bilang overseas Filipino workers o OFW. Kalimitan ay nagtatrabaho sila sa mga bansang tulad ng Saudi Arabia, Hongkong, Kuwait, Taiwan, at Qatar. Karamihan sa kanila ay nakakauwi lamang kada tatlong taon. Ang kanilang mga bakasyon ay nagtatagal ng mula tatlong linggo hanggang isa o tatlong buwan bago nila kailanging bumalik sa ibang bansa. 

    Gustuhin man ng mga kababayan nating huwag nang umalis ng bansa, hindi maikakailang malaki ang naitutulong ng kinikita nila doon para mailagay sa maayos ang kanilang mga pamilya dito. Kaya naman kalimitan ng mga pamilya ay kulang ng isa o dalawang miyembro.

    At para hindi tuluyang masira ang samahan ng mga pamilyang may kamag-anak sa ibang bansa, natuto ang mga nanay at tatay ng mga paraan para maging matagumpay ang kanilang long-distance relationships. Narito ang ilan sa mga tips na ibinahagi ng mga nanay sa Smart Parenting Village

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magtiwala kahit gaano kahirap

    Ito ang pinakamadalas na nakita namin sa comments section nang tanungin namin ang mga nanay kung paano sila nakakatagal na malayo ang kanilang mga asawa. Sabi ni mommy Arrianene Ruaya-Cudiamat, na taong 2012 pa nasa isang long-distance relationship, “Give your trust sa mister mo na magtitiis sa malayong lugar para sa magandang future ng family ninyo.”

    More from Smart Parenting

    ‘Yan din ang parehong sentimiyento ni mommy Frances Angelica Shafer. “Trust is the foundation of our relationship so I'm not worried that he'll cheat on me. He doesn't give me any reason to doubt him and he makes me feel secured,” kwento niya. Sabi pa niya, Pinag-uusapan nila lahat ng nangyayari sa kani-kanilang mga buhay. Nagpapadala rin sila ng mga “at the moment” photos para makita nila kung kumusta ang isa’t-isa. “As long as we are both open and honest, everything will be alright,” sabi pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi naman ni mommy Railey Athena, mabilis makasira ng relasyon ang kawalan ng tiwala. Ganyan din ang sinabi ni mommy Karen Ann Baldos, “Kapag tapat kayo sa isa't isa, wala kayong dapat pang ipagduda.”

    Communicate at siguraduhing wala kayong secrets

    Pumapangalawa sa mga payo ng mga nanay ang pagbibigay ng panahon para makipag communicate sa isa’t-isa. Sabi ni mommy Karen Ann, kung magkaiba ang oras ninyong dalawa, kailangang mag-set kayo ng specific na oras para makapagusap. Importanteng pagusapan ninyo lahat, mula sa paglalambing hanggang sa mga maliit na bagay at malalaking problema.

    More from Smart Parenting

    Para kay mommy Abby Villanueva naman na halos dalawang taon nang LDR sa kanyang asawa, importanteng makipag communicate pa rin sa asawa kahit na mayroon kayong tampuhan. “May tampuhan man kami, nagsesend pa rin ako ng photos ng anak namin sa kanya at nagvi-video call pa rin ako, pero sa anak ko lang nakatapat ang camera kapag may tampo ako. ‘Yun ang way ko kasi kami lang naman ng asawa ko ang may tampuhan, hindi dapat kasali ang bata, lalo na’t yun ang source niya ng strength to keep him going sa kanyang buhay don—pampagana sa trabaho, kumbaga,” sabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Importante ring maging klaro ka sa mga gusto at ayaw mo. Dahil magkalayo kayo at halos puro messenger lang at video calls ang paraan ninyo para makapagusapa, dapat ay malinaw ka na sa iyong pananalita—hindi ka dapat passive aggressive o di naman kaya ay paligoy-ligoy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag patagalin ang mga away

    Kung noong andito ang asawa mo ay hinahayaan mong magtagal ang tampuhan ninyo ng ilang araw, hindi mo na dapat itong pabayaang mangyari kapag nasa malayo na siya. Importante kasing bawat moment ng pagsasama ninyo ay sinusulit ninyong dalawa, lalo na’t hindi kayo magkasama. Sabi nga ni mommy Mary Joyce Fullado-Aguja, “‘Wag palipasin ang araw na magkagalit o hindi kayo okay ng partner niyo. Kasi mas matagal magkagalit, mas madaming panahon na nasasayang na dapat sinusulit sa masasayang moments kahit magkalayo kayo.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maganda rin ang advice ni mommy Ann Mary Joyce Yater. Ayon sa kanya, normal lang naman talaga ang misunderstandings at conflict. Pero ang hindi mo dapat gawin ay ang hindi magparamdam sa iyong partner dahil lang may tampuhan kayo. “Hindi maganda yung biglang di ka tatawag ng ilang araw kasi nagaway kayo. Iisipin niyo lagi ang anak ninyo,” sabi niya.

    More from Smart Parenting

    Huwag magoverthink

    Para naman kay mommy Pristine Grace Espada Payas, ikaw mismo ang magpapahirap sa sarili mo kung pala kang mago-overthink, hindi lang tungkol sa pagsasama ninyo ng iyong asawa kundi pati na rin sa ibang bagay. “Ikaw ang papatay sa sarili mo kapag panay duda ka sa partner mo. It will not help with anything. What it does is create war and gap in your relationship,” sabi niya.

    More from Smart Parenting

    Kung susumahin mo lahat ng advice na ibinigay ng mga nanay sa Village, isa lang naman talaga ang importante kung gusto mong maging maayos ang pagsasama ninyong mag-asawa kahit malayo kayo sa isa’t-isa—effort. Huwag na huwag kayong mapapagod mag-effort sa partner ninyo. Kailangan ninyong ipakita na hindi binabago at babaguhin kailanman ng distansya ang nararamdaman ninyo para sa isa’t isa. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ka bang sarili mong tips kung paano magtagumpay sa long-distance relationship? Ibahagi mo na ‘yan sa mga nanay sa Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles