embed embed2
  • Matulungin At Maaasahan Ang Mother-In-Law Ko, Pero Lagi Niya Akong Ikinukumpara Sa Iba

    Ikinukumpara niya ako sa sister-in-law ko at kahit sa kanyang ibang in-laws.
Matulungin At Maaasahan Ang Mother-In-Law Ko, Pero Lagi Niya Akong Ikinukumpara Sa Iba
PHOTO BY Shutterstock/nednapa
  • Maraming mga pagkakataong hindi nagkakasundo ang nanay at ang mother-in-law. Ayon sa mga pag-aaral, lumalabas na ang pagiging over-involved ng mother-in-law ang isa sa mga dahilan kung bakit nagiging mahirap ang relasyong ito.

    'Yan ang malimit na makita naming daing ng mga nanay na nagpapadala sa amin ng mga Smart Parenting Confessions. Bukod pa sa panghihimasok, nagiging dahilan din ng hindi pagkakaunawaan ang pagkukumpara.

    Sa #SPConfessions na ipinadala sa amin, ibinahagi ng isang nanay ang karanasan niya sa isang mother-in-law na ikinukumpara siya sa sister-in-law niya. Narito ang confession:

     

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin nito.

    Wala akong problema sa mother-in-law ko pagdating sa pag-aalaga sa anak ko. Inaasikaso naman niya ang anak ko kapag wala ako o wala kaming mag-asawa. Binibilhan niya rin ng pagkain tulad ng tinapay at minsan ay binibigyan din niya ng laruan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang problema ko sa kanya ay ang pagiging pessimist niya. Mapaghinala rin siya—'yung tipong bintang muna bago mag-imbestiga. Tamang kutob at hinala muna bago siya magtanong kung tama o mali ang isang bagay.

    We're talking, but we're not close. Ako kasi 'yung tipo ng tao na secretive at private. Namimili ako ng taong mapagsasabihan ko ng problema at stress ko. Minsan, sinasarili ko na lang dahil ako na mismo ang magso-solve sa problema ko. 'Yan ang personality ko kahit noong bata pa ako. Independent.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ganoon din ang asawa ko. Hindi rin siya talkative. Magkukwento lang 'yan kapag gusto niyang ikwento ang isang bahay o isang topic. Kapag hindi mo siya tinanong, hindi siya magkukwento.

    Lagi akong sinasabihan ng mother-in-law ko na tahimik daw ako. Kahit sa mga kakilala niya, sinasabi niya ito.

    Hindi kasi ako katulad ng anak niyang babae, 'yung hipag ko, na lahat ay ikinukwento sa kanya, maliit na bagay man o malaki. Kahit sex life, love life, finances, rants, at kung anu-ano pa ay alam ng mother-in-law ko tungkol sa sister-in-law ko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kahit sa buhay mag-asawa ng hipag ko, alam niya at nakikialam siya. Ikinukumpara niya ako at kaming mag-asawa lagi doon sa hipag ko.

    Naniniwala kasi ako na kapag usapang mag-asawa, problema man 'yan o hindi, ay dapat sa pagitan lang ng mag-asawa 'yan. Kung hindi na kayang i-handle ng mag-asawa, saka sila hihingi ng advice o tulong sa mga magulang o nakatatanda.

    Kapag kumakain kami sa labas ng asawa ko, sasabihin niya, madaya kami. Kapag may aasikasuhin kami sa labas, sasabihin niya, bilisan at umuwi agad.

    Kapag wala ang hipag ko sa bahay, kung anu-anong problema ang inoopen niya, pero kapag nandiyan naman, hindi niya masabi.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa aming Facebook group na Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles