embed embed2
  • Parang Chore Na Lang Ang Sex? 'My Husband Makes Me Feel Undesirable'

    Naramdaman mo na bang parang wala ka nang dating sa partner mo?
    by Ana Gonzales .
Parang Chore Na Lang Ang Sex? 'My Husband Makes Me Feel Undesirable'
PHOTO BY Shutterstock/shisu_ka
  • Maraming factors sa isang matagumpay na pagsasama. Nariyan ang pagiging magkaibigan, ang pagtanggap sa isa't-isa nang paulit-ulit, araw-araw, at ang walang katapusang pagpapatawad.

    A free steamy sneak peek!
    "A night with me comes with a price tag. I assure you, it’s worth every cent." Women pay Raoul Rossetti for his services. Find out why in his new tell-all book!
    Read a steamy free chapter!
    In the new memoir "An Italian Gigolo in the City", Raoul Rossetti writes about his most interesting encounters and most sensual dalliances. Are you ready to take a sneak peek?
    By signing up, you agree to our Terms of Service and Privacy Policy.
    Check your inbox!
    Ready for one hot read? You can now download your sneak peek from the email we sent you. Didn't receive one? Check your spam and junk folders.
    Sharing is caring!
    Copy Link

    Bukod sa mga nabanggit, may mahalagang papel na ginagampanan din ang sex sa isang relasyon.

    Pero paano kung hindi mo maramdaman sa partner mo na desirable ka? Ano nga bang dapat gawin kung parang wala na siyang interes sa iyo pagdating sa pakikipagtalik?

    Ibinahagi sa amin kamakailan ng isa sa mga miyembro ng aming online community ang kanyang karanasan sa pamamagitan ng #SPConfessions.

    Ayon sa kanya, pakiramdam niya ay hindi taos sa puso ng hubby niya ang pakikipagtalik sa kanya. "Hindi ko alam kung napaparanoid lang ako," sabi pa niya. "O talagang wala na siyang gana sa akin."

    Pag-amin ni mommy, minsan ay siya na ang nagi-initiate ng sex sa kanilang mag-asawa, ngunit mas marami ang pagkakataong distracted sa mobile games ang asawa niya.

    Minsan pa raw ay inaabot nang ilang buwan bago sila magtalik muli. Nahihiyang itinanong ni mommy kung normal bang mawalan din ng gana ang mga hubbies sa pakikipagtalik.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isinisisi rin niya ang kawalan nila ng intimate moments sa pagiging busy at pagod nilang dalawa. Madalas daw ay ang paglalaro ng online games ang nagiging break ng asawa niya mula sa demanding na trabaho nito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Aminado naman si mommy na minsan ay mas gusto niyang matulog o manood ng mga Korean dramas niya.

    Sinisisi rin ni mommy ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay may kinalaman ang pagbigat ng kanyang timbang kung bakit hindi na ganado sa kanya si mister.

    Payo naman ng mga nanay sa Village, ang sex ay hindi lamang pisikal na koneksyon. Habang tumatagal ang isang relasyon, mas nagiging tungkol ito sa emosyonal na koneksyon ng mga mag-asawa.

    Makakatulong daw, ayon sa mga nanay, kung magbabakasyon ang mag-asawa o kung magkakaroon sila ng pagkakataong mag-bonding na silang dalawa lang.

    Maraming paraan para magkaroong muli ng emotional connection ang mag-asawa. Kahit ang simpleng date pagkatapos ng isang mahabang araw ay malaki ang magagawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi problema kung hindi kayo makakalabas ng bahay. May mga mag-asawa nga sa Village na date sa balkonahe lang ay sapat na. Ang mahalaga ay may panahon kayong dalawa para magkamustahan, magkwentuhan, at maging present sa isa't-isa.

    Ayon pa sa mga nanay, mahirap man itong topic sa inyong mag-asawa, dapat itong harapin. Mabuting pag-usapan kung bakit lately ay wala kayong ganang magtalik. Baka may mga emotional needs ang isa't-isa na hindi ninyo naibibigay.

    Effective din daw, sabi ng mga nanay, kung babalikan ninyo ang mga dating nagpapakilig sa inyo at ia-update ninyo ito depende sa mga gusto ninyo ngayon.

    Kung kinikilig si mister sa mga masahe o papuri, ito ang siyang ibigay mo sa kanya. Para naman sa mga misis, pwedeng subukan ng mga mister na manligaw muli.

    Gaya nga ng sabi ng mga eksperto, ang pagsasama ng isang mag-asawa ay ang araw-araw na pagpili sa isa't-isa.

    Ibig sabihin, araw-araw ninyong pagta-trabahuhan ang inyong pagsasama.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    A free steamy sneak peek!
    "A night with me comes with a price tag. I assure you, it’s worth every cent." Women pay Raoul Rossetti for his services. Find out why in his new tell-all book!
    By signing up, you agree to our Terms of Service and Privacy Policy.
    Check your inbox!
    Ready for one hot read? You can now download your sneak peek from the email we sent you. Didn't receive one? Check your spam and junk folders.
    Sharing is caring!
    Copy Link

    Kayo? Kumusta ang pagsasama ninyo ng partner mo? I-share mo na iyan sa comments section o 'di kaya ay sumali ka sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles