;
embed embed2
  • Biro Ni Sunshine Cruz Kay Macky Mathay: 'Magtampuhan Naman Tayo Para Something New'

    Pareho silang single parents at hands-on sa tig-tatlong mga anak.
    by Jocelyn Valle .
  • Sa higit na apat na taon ng relasyon ni Sunshine Cruz sa boyfriend niyang si Macky Mathay, ni minsan hindi pa raw sila nag-away.

    Kaya biro ng aktres, sinasabihan niya ito ng “Magtampuhan naman tayo para something new.”

    Napakabuti raw talaga ng kanyang nobyong negosyante na tila “isang anghel na pinababa dito sa lupa para lang maging inspirasyon at mahalin ako at mga anak ko.”

    Dagdag pa niyang papuri, “He’s really a blessing to us, and I’m just grateful na kahit hindi ko siya hinanap sa buhay ko ay may dumating na isang katulad niya.”

    May ilang rason sa maganda nilang relasyon, sabi ni Sunshine sa SmartParenting.com.ph. Naganap ang interview namin sa isang online event para sa Silka, ang product endorsement nila ng panganay na si Angelina Cruz.

    Blended family

    Naniniwala si Sunshine, 43, na nagja-jibe sila ni Macky, 41, dahil “marami rin kaming pagsubok na pinagdaanan in the past.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Una na dito ang pagkakaroon ng first marriage na nauwi sa hiwalayan. Na-grant ang annulment ng kasal ni Sunshine at ex-husband niyang si Cesar Montano noong 2018, pero permanente na silang hiwalay simula pa 2013.

    Ilang taon na ring hiwalay si Macky sa kanyang asawang si Camille Farinas, na miyembro ng political clan sa Ilocos Norte.

    May tatlong  girls si Sunshine: Angelina, 19; Samantha, 17; at Chesca, 16. Si Macky naman ay may two boys (Roan, 16; Cole, 12) at one girl (Charlize, 8). 

    Masayang pahayag ni Sunshine, “It’s such a blessing na itong tatlong anak niya ay all close to my children as well. Para silang magkakapatid talaga. So, I think, maganda rin ’yun na magkakasundo at walang naging conflict sa mga anak namin.”

    Dugtong pa niya, “Isa ’yun sa nagpapagaan ng relationship na walang naging conflict at naiintindihan lahat ng mga anak namin ’yung mga pinagdaanan namin. Talagang blessing lang na hindi namin pinilit, pero nag-jive ang mga anak namin. They understand one another, at the same time, naiintindihan ko rin ang pinagdadaanan ni Macky at vice-versa.”

    Makikita sa Instagram account ni Sunshine na may mga litrato silang mag-iina kasama hindi lamang si Macky ngunit pati ang mga anak nito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hands-on single parents

    Bagamat di tulad ni Sunshine na kapiling ang three daughters, sinisikap ni Macky na patuloy na maging mabuting ama sa kanyang mga anak kahit malayo sila ngayon sa kanya dahil sa pandemya.

    Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Macky ang kasiyahan nang muli niyang makita ang bunsong anak na si Charlize. Nakabase ang bata sa probinsya kasama ng kanyang mommy. Aniya, “Words cannot express the happiness and love that I felt seeing you, my baby girl!”

    Pangungulila naman sa two older kids ang laman ng isa pang post ni Macky. Aniya, “Missing my boys so much. It’s been 10 months since the last time I saw both of them, very difficult for me because I am really close to my kids.

    “Hatid-sundo ko sila sa school ever since they started studying, very hands-on with everything. I pull thru this never expected situation by making myself strong through prayers, knowing that at the end of the day it is His plan and I put all my trust in it. I will definitely be seeing you soon, Ro and Cole! I love you both so much.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pinatotohanan naman ni Sunshine sa aming interview ang pagiging hands-on father ni Macky at “mapagmahal din talaga” kina Roan, Cole, at Charlize.

    “Walang pressure, kalma lang” 

    Sa tingin ni Sunshine, kaya rin nagwo-work ang relationship nila ni Macky “because we support each other.” Kaya “walang pressure, kalma lang” ang lahat. Hindi nga raw siya makapaniwala na puwede palang magkaroon ng ganoong klase ng relasyon. 

    Suportado nila ang kani-kanilang mga projekto: si Sunshine sa kanyang TV shows sa ABS-CBN, tulad ng drama series na Bagong Umaga, at si Macky sa kanyang isa pang trabaho bilang Executive Assistant ni San Juan mayor Francis Zamora. 

    Sinasakyan din ni Macky ang pagti-TikTok ni Sunshine. Aliw na aliw naman ang kani-kanilang Instagram followers.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles