embed embed2
  • Iwas-Away Tips Ni Mayor Isko Moreno: 'Wag Kang Bibili Ng Ibang Brand' Na Hindi Bilin Ni Misis

    Huwag mahiyang magtanong o humingi ng tulong, daddy!
    by Ana Gonzales .
Iwas-Away Tips Ni Mayor Isko Moreno: 'Wag Kang Bibili Ng Ibang Brand' Na Hindi Bilin Ni Misis
PHOTO BY Summit Originals/Zoom Interview Screenshot
  • Halos isang taon mahigit na rin ang nakalipas nang ideklarang pandemya ang COVID-19. Mula noong unang lockdown ay napakarami nang pinagdaanan ng mga pamilya. Kabilang na riyan ang mga hamon sa distance learning at pagtatrabaho mula sa bahay.

    Ngunit isa sa mga talaga namang naging hamon, lalo na sa mga tatay, ay ang paggo-grocery o ang pamimili para sa pamilya. Dahil limitado lamang ang mga miyembro ng pamilya na pwedeng lumabas, ang mga tatay ang nagmistulang 'sugo'. Sila ang nasa labas para bilhin ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.

    Bagaman matindi ang pasasalamat ng mga nanay sa mga partners nila, isang 'hinaing' ang malimit naming marinig. Iyong tipong nakalista na nga, mali pa rin o kulang-kulang ang nabibili ng mga haligi ng tahanan.

    Kaya naman nang makapanayam ng Summit Media journalists si Manila mayor Isko Moreno sa isang Summit Sandwich Session, sinamantala na ng SmartParenting.com.ph team na tanungin kung may mga tips ba siya sa mga tatay pagdating sa pamimili ng grocery.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Yung asawa ko, OC, 'yun," kwento niya, sabay turo sa kanyang butihing maybahay na si Diana Lynn Ditan. "Ang ginagawa ko, siya ang pinapasulat ko. Pagdating ko sa grocery, 'inyayangga' ko lang sa sales lady," biro niya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa halip daw na pahirapan niya ang sarili niya sa paghahanap, itinatanong na lang niya sa saleslady o sa tindera kung saan makikita ang mga pinapabili sa kanya ni misis. "Tingin ko, 'yung saleslady naman, kahit hindi ka artista, tutulungan ka naman," kwento niya.

    "Huwag kang bibili ng ibang brand!" mariin pang payo ni mayor. "Basta may sinulat siyang brand, toyo, toyomansi, o ketchup, 'wag kang bibili [ng iba]."

    "Sasabihin mo wala? Mag-iinit ang ulo ng asawa mo," biro pa niya. "Kasi feeling niya, hindi ka naghanap ng iba," dagdag pa niya. "Pero kung wala kang binili, you took time, but you did not gamble to please her."

    "Ang babae, kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya, lalong naiinis," biro pa niya. Obserbasyon pa ni mayor, may partikular daw talagang gustong brands ang mga misis. Hindi man alam ng mga mister kung bakit, mas maganda pa ring sundin na lang kung anong nasa listahan. "I always trust their judgment," sabi pa niya. "Para mabawasan ang away pag nag-gogrocery, 'pag wala, wala."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Turf nila 'yan," sabi pa niya. "Ngayong quarantine, sumunod lang kayo," biro niya pa. Sabi pa ni mayor, kung noong nanliligaw ka pa lang ay marami kang nagagawa para sa misis mo, dapat ngayong asawa mo na siya ay siya pa rin ang prinsesa ng buhay mo.

    "You have to be patient, you have to be consistent," payo niya. "If you apply that, malamang sa hindi, hindi na kayo mag-aaway."

    "Nowadays, all you need is each other's understanding and love and care, kasi napaka-toxic ng [pandemic]."

    Sabi pa niya, may pressure din sa mga lalaki lalo na ngayong pandemic. Kabilang dito ang pag-aalala na baka mahawa siya tuwing lalabas siya, baka hindi na siya makapagprovide sa pamilya, at iba pa. Kaya mahalaga na ngayon ay mas magtulungan at maging magkakampi ang mag-asawa.

    Panoorin ang nakaka-good vibes na Smart Parenting exclusive interview namin kasama si Mayor Isko dito:

    Kumusta ang grocery shopping skills ng mister mo? Magaling na ba siyang mamili ngayon? I-share sa comment section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa iba pang tips para makatipid sa pag-gogrocery.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Download on Android devices here

Download on iOS devices here

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles