embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Paano Sinabi ni Maricar Reyes sa Kanyang Asawa ang Buong Katotohanan Tungkol sa Kaniyang Nakaraan

    Ayon kay Maricar, sinabi niyang lahat kay Richard ang totoo dahil nakikita niyang may future siya dito.
    by Lei Dimarucut-Sison .
Paano Sinabi ni Maricar Reyes sa Kanyang Asawa ang Buong Katotohanan Tungkol sa Kaniyang Nakaraan
PHOTO BY @richardpoonph/Instagram
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Ayon sa mga relationship experts, isa ang tiwala sa mga essential components na maaaring makatulong upang tumagal ang isang relasyon. Ngunit bago ka pa man mapagkatiwalaan, kailangan mo munang patunayan na ikaw ay katiwa-tiwala—isang bagay na makakamit mo lamang kung honest ka. 

    Lahat naman tayo ay gustong magpakatotoo. Ngunit paano kung ang katotohanan ay hindi ganoon kaganda? Gugustuhin pa rin ba natin itong marinig lalo na kung sangkot dito ang nakaraan ng ating asawa?

    Ito ang tanong na tinalakay ng celebrity couple na sina Richard Poon at Maricar Reyes sa kanilang "Relationship Matters" video blog (vlog) kamakailan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hati ang naging reaksyon ng kanilang mga YouTube followers tungkol sa issue: kung may mga gustong malaman ang buong katotohanan, mayroon namang naniniwala na hindi sila masasaktan kung hindi nila malalaman. 

    Ihinalintulad ito ni Richard sa pagbili ng isang lumang sasakyan. "Pag bumili ka ng kotse...Ganda, ganda, ganda. [After] one year, nag-breakdown siya, may sira pala yung kotse. Nung binili ko meron na pero hindi sinabi sa akin. Usually sumasama yung loob ko — sana sinabi mo nung start pa lang. Same thing with the relationship," paliwanag niya.

    Habang nakaharap sa camera, at kasama ang kanyang asawa (limang taon na silang kasal), matapang na nagbahagi si Maricar, "Noong hindi pa kami dating ni Richard, I made some mistakes of my own sa past.

    "Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya o hindi. Noong una, hindi ko sinasabi. But eventually there was one evening, tinawagan ko siya ulit. Naisip ko, 'Okay, bahala na.'

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Pa-cute pa ako, kasi nakakatakot, e. It's very difficult to tell bad things about yourself to your partner. Siyempre, gusto mo mag-pa-impress, 'di ba?

    "Eventually, tumawag ako sa kanya, and I told him lahat ng baho ko na nakakahiya. Kung ayaw na niya ako after telling him all the things that I wanted to tell him, e 'di huwag. E 'di tapos na. At least, before anything got more complicated, nasabi ko na."

    More from Smart Parenting

    Sa isang interview kasama si Korina Sanchez pagkatapos ng kanilang kasal noong 2013, sinabi ni Richard na kinailangan niyang pigilan ang kanyang sarili sa panliligaw kay Maricar isang taon matapos silang magkakilala dahil gusto niya munang makasiguro sa nararamdaman niya para dito.

    Sa parehong interview, sinabi ni Maricar na naramdaman niyang pinahahalagahan siya ni Richard dahil sa kung paano siya tratuhin nito. "Importante that I’m worth a lot. Kasi it’s a nice feeling. It’s something na dapat ma-grasp ng lahat ng babae. 'Yun dapat ang hanapin nila in someone that they want to end up with."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Limang taon ang nakalipas, isang bagay lang ang alam ni Maricar na totoo. Sa isang bahagi ng kanilang latest vlog, sinabi niya, "Sometimes, when you're younger, you're more emotional, more idealistic. Pag nakarinig ka ng mali, akala mo end of the world na, e. Pero ngayon, having gone through some stuff, ako, I've realized the value of truth.

    Dagdag pa niya, "Maganda kasi na alam ng partner mo 'yung kabuuan mo. Since alam niya 'yung bad ko, alam ko rin 'yung bad niya, mahal ko siya nang buo. Walang kondisyon — good or bad, I love you."

    Panoorin ang kabuuan ng vlog nila dito:

    More from Smart Parenting

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
View more articles