;
embed embed2
  • Tulad Ni Heart Evangelista, May Mga Misis Na Hindi Nagbibihis Sa Harap Ni Mister

    Pero meron ding mga mommy na iba ang pananaw.
    by Jocelyn Valle .
Tulad Ni Heart Evangelista, May Mga Misis Na Hindi Nagbibihis Sa Harap Ni Mister
PHOTO BY Shutterstock
  • Tulad ni Heart Evangelista, may mga misis na hindi nagbibihis sa harap ng kanilang mister. Sabi ng aktres, na kasal sa politikong si Chiz Escudero, natutunan niya sa kanyang daddy na mag-iwan ng kaunti para sa sarili. 

    “Agree naman ako kay Heart,” sabi ng isang mommy sa Smart Parenting Village Facebook group. “Alam ko, si Gladys Reyes ay ito rin ang principle na sinusunod. Ito rin ang ginagawa namin mag-asawa.”

    Kuwento ni mommy na kung sa iisang kuwarto sila magbibihis ni hubby, magtatalikuran daw sila. O di kaya, ang isa sa kanila ang lalabas ng kuwarto para malayang makapagbihis ang maiiwan. Nagagalit daw talaga siya kapag kinakatok siya sa kuwarto habang nagbibihis siya.

    Paliwanag niya, “Para sa amin, respeto lang. May proper situation naman para makita n’yong hubad ang bawat isa, e. Kapag walang laban, e di wala munang tinginan, haha! Sa amin naman ’yun. Depende pa rin iyan sa mag-asawa.”

    May sumang-ayon na kapwa niya misis. Kaso lang daw ang kanyang mister ay “usually walang pake,” kaya maghuhubad at magbibihis daw ito kahit magkasama sila sa kuwarto.

    Nagbigay naman ng ibang pananaw ang isa pang mommy. Aniya, “Depende on how you see your wife/husband.” Ang asawa niya raw kasi “doesn’t care at all” kahit magbihis siya sa harapan nito. 

    Bakit daw kamo? “Kasi nakita at nakuha na niya ang dapat niyang makuha, so why do I have to tago-tago to make bihis. Except na lang kung nagla-lovemaking sila ng nakapantalon at long sleeves, ’yun puwede pa ’yun talagang spiced up ’yung fantasies n’yo do’n.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano ang opinyon mo? Share mo sa comments!  

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles