embed embed2
  • Ang Ugali Na Madalas Dahilan Ng Pagkasira Ng Isang Relasyon

    Baka hindi mo namamalayan, ginagawa mo na pala ito sa iyong asawa.
    by Ana Gonzales .
Ang Ugali Na Madalas Dahilan Ng Pagkasira Ng Isang Relasyon
PHOTO BY iStock
  • Narinig mo na ba ang tinatawag na negativity bias? Ayon sa mga eksperto, ito ay isang psychological tendency kung saan mas tinitignan natin ang negatibong aspeto ng isang bagay kaysa sa positibong aspeto nito.

    Huwag kang mag-alala, hindi ito isang karamdaman. Sa katunayan, halos lahat tayo ay may ganitong tendency. Kaya nga sa halip na maging masaya ka para sa ibang tao, ang kalimitang sinasabi mo ay #SanaAll—nakatingin ka kasi agad sa negatibong aspeto. Guilty ka ba nito? Kung oo, paano nga ba ito makakaapekto sa relasyon ninyong mag-asawa?

    What other parents are reading

    Ano nga ba ang negativity bias?

    Para mas maintindihan mo, isipin mo ang mga pagkakataong nakarinig ka ng good news kumpara sa nakarinig ka ng bad news.

    Kung aalalahanin mo, mas maaalala mo ang bad news kaysa sa good. 'Yan ang negativity bias. Narito pa ang ilang halimbawa:

    • Mas naaalala mo ang mga traumatic experiences kaysa positive
    • Mas naaalala mo ang mga insulto kaysa papuri
    • Mabilis at matindi ang reaksyon mo sa mga negatibong bagay
    • Mas madalas kang mag-isip ng mga negatibong bagay kaysa positibong bagay
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Paano nakakaapekto ang pagiging negatibo sa relasyon ninyong mag-asawa?

    Nakakababa ito ng kumpiyansa sa sarili

    Tulad mo, maaaring mas natatandaan ng partner mo ang mga negatibong sinasabi mo kaysa sa mga papuri mo sa kanya. Kung puro negatibo ang naririnig niya sa iyo, siguradong maaapektuhan nito ang kumpiyansiya niya sa sarili.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagiging komplikado ang mga simpleng bagay

    Ayon sa The Atlantic, napapalaki o na-aamplify ng pagiging negatibo ang mga hindi magagandang ugali ng partner mo. Ibig sabihin, kahit simpleng pagkakamali lang, pwede itong lumobo sa isang malaking away.

    Kaya maraming mga mag-asawang hindi nag-uusap tungkol sa mga problema nila—dahil iniisip na agad natin na hindi makikinig sa atin ang ating mga asawa. Sa halip na kausapin mo ang partner mo, tahimik mong kikimkimin ang sama ng loob—ang resulta, isang hindi masayang pagsasama.

    PHOTO BY Pexels
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi kayo makakaalis sa negativity loop

    Ano man ang gawin ninyo, kung patuloy kayong magiging negatibo hindi kayo makakaalis sa tinatawag na negativity loop. Ito ay 'yung walang tigil na pag-aaway o iyong kawalan ng kakayahan para ayusin ang inyong mga problema.

    What other parents are reading

    Anu-ano ang mga tanda na negatibo ka?

    Lagi kayong nag-aaway

    Maaaring ang mga away ninyo ay hindi na dahil sa isang topic o subject kundi dahil sa attitude mo—lalong-lalo na kung paulit-ulit na ang pag-aaway ninyo.

    Lagi kang nagrereklamo sa iyong mga kaibigan

    Sabi nga nila, walang nareresolba ang pagrereklamo. Kung mayroon kayong problema ng partner mo, dapat kayp mismo ang nag-uusap.

    Hindi na open sa iyo ang partner mo

    Isa pang maaaring tanda na negatibo ka ay kapag hindi na open sa iyo ang partner mo. Tanda ito na hindi na niya nararamdamang safe siya na magsabi sa iyo. Nangyayari ito kung sunod-sunod na negativity ang naririnig niya sa iyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Pexels

    Puro panig mo lang ang gusto mong pakinggan

    Kung hindi ka marunong makinig, maaari itong maging tanda na negative kang tao. Lagi mong ipinaparating ang mga opinyon mo na kalimitan ay hindi naman hinihingi at negatibo pa.

    Paano alisin ang negativity sa inyong pagsasama?

    Be kind

    Kapag naiinis ka sa asawa mo, isipin mo kung bakit mo siya nagustuhan noong nagsisimula pa lang kayo. Sabi ng mga eksperto, kahit minsan ay 'hindi mo feel' na maging mabait sa asawa mo, gawin mo pa rin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pagpili kasi ng positibong emosyon at gawain ay makakatulong sa iyo para baguhin ang iyong enerhiya.

    Maging mapagpasalamat

    Kapag nasa negative loop kayo ng asawa mo, hindi mo nakikita ang mga magagandang bagay sa pagsasama ninyo. Isang magandang exercise na pwede mong gawin ay ilista ang mga positibong bagay tungkol sa asawa mo na ipinagpapasalamat mo.

    Kalaunan, kapag nasanay ka, mas mauuna mo nang maiisip ang mga positibong bagay.

    What other parents are reading

    Maging mapagpatawad

    Lahat tayo ay nagkakamali. Kahit ikaw, may mga pagkukulang ka rin. Huwag mong isiping asawa mo lang ang may nagagawang hindi mo gusto. Kaya naman mas maganda kung matututunan mong maging mapagpatawad.

    Ibahin ang iyong pattern of negativity

    Makakatulong para maging mas positibo ka kung susubukan mong magkaroon ng healthy lifestyle. Umpisahan mo sa pagkain ng mga masusustansiyang pagkain, pag-inom ng sapat na tubig, at pagtulog sa tamang oras.

    Maganda rin kung susubukan mo ang mindfulness na tinatawag. Kailangan din ay handa kang patawarin ang sarili mo at ang iyong partner sa kung ano mang nagawa ninyong mali.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Payo pa ng Very Well Mind, makakatulong din kung papaligiran mo ang sarili mo ng mga positibong tao at kung lagi mong ipapaalala sa sarili mo ang mga magagandang bagay na ipinagpapasalamat mo.

    Siyempre, normal lang naman na maging malungkot at negatibo paminsan-minsan. Wala namang taong masaya araw-araw. Kailangan mo lang gawin ang mga hakbang na ito kung nakakasira na sa relasyon mo sa iyong asawa ang pagiging negatibo mo. Tandaan, lahat ng sobra ay nakakasama.

    Isa nga ang pagiging negatibo sa mga nakakasira sa relasyon ng mga mag-asawa. Kaya naman para hindi tuluyang masira ang pagsasama ninyo, subukan mong ibahin ang tingin mo sa mga bagay-bagay.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles