embed embed2
  • #SPConfessions: Tuloy Pa Rin Ako Sa Aking Pangarap Kahit Walang Bilib Si Mister Sa Akin

    Ano nga bang pwedeng gawin kung hindi suportado ni hubby ang mga goals mo?
    by Ana Gonzales .
#SPConfessions: Tuloy Pa Rin Ako Sa Aking Pangarap Kahit Walang Bilib Si Mister Sa Akin
PHOTO BY cottonbro from Pexels
  • Sa kasal, sumusumpa ang mag-asawa na aalagaan nila ang isa't-isa at magdadamayan sila sa hirap at ginhawa. Higit sa pagdadamayan sa mahihirap at madadaling bahagi ng buhay, kaakibat din ng isang pagsasama ang pagsuporta sa mga pangarap at hilig ng isa't-isa. Paano kung ito ang wala sa pagsasama ninyo?

    What other parents are reading

    Narito ang isa sa mga #SPConfessions na ipinadala sa amin tungkol dito:

    How far can you support your wife's hobbies, dreams, and sidelines? Will you support her all the way—maging successful man siya o hindi? Sa sitwasyon ko ngayon, hindi supportive and asawa ko. Nakakalungkot na iba ang gusto niyang pasukin kong business at career. Gusto niya, 'yung kikita ako agad. Gusto niya, 'yung successful agad kami.

    Wala akong naririnig sa kanya kundi puro discouragement. Lagi niyang kinokontra ang mga desisyon ko at lagi niyang sinasabi na hindi ako magtatagumpay.

    Kahit ang hobby ko ng vlogging at editing ng mga videos at photos, sinasabi niyang wala raw akong mapapala. Wala naman akong hinihingi sa kanya. Wala rin akong ginagastos sa vlogging ko dahil cellphone ko lang ang gamit ko. Hindi ako nangangarap ng magandang camera o ring light. Hindi ako naghahangad ng magandang computer setup.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Minsan naiinggit nga ako sa mga nakikita kong magagandang setup ng computer. 'Yung may mga gaming chair pa at may magandang background. Hindi ko na hinihingi na bumili kami ng mga ganito. Ang gusto ko lang naman ay suportahan niya ako.

    Mahal ko ang ginagawa ko. Masaya ako dito. Magaaan ang pakiramdam ko sa ginagawa ko. Oo, wala pa akong kinikita dito. Hindi ako sikat at wala pa akong followers masyado. Pero masaya ako dahil noon pa man, ito na talaga ang gusto kong gawin. Ano nga bang dapat gawin kung hindi supportive si hubby sa mga hilig at pangarap mo?

    What other parents are reading

    Agad namang tulong-tulong na nagpaabot ng words of encouragement ang mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Sabi nila, hindi man supportive si hubby, hindi ito sapat na dahilan para hindi mo ituloy ang pangarap mo.

    Ayon pa sa iba, kung sarili mo namang pera at resources ang ginagamit mo, hindi ka dapat matakot na ituloy ang mga gusto mong gawin.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Paliwanag pa ng isang nanay, importante na gusto mo ang mga ginagawa mo para hindi ka tamarin.

    Dagdag pa ng mga mommies, hindi man supportive ang mga tao sa paligid mo, ang mahalaga ay sundin mo ang gusto mong gawin para sa hinaharap, hindi ka mag-isip kung ano ba sana ang nangyari kung ginawa mo ang gusto mo. Sabi nga ng mga mommies, hindi ka man magtagumpay sa gusto mong gawin, at least hindi ka na magtatanong ng 'what if'at hindi mo pagsisisihan na hindi mo sigubukan.

    What other parents are reading

    Payo pa ng isang mommy, gamitin mo ang discouragement ni hubby para i-encourage mo ang sarili mo. Hindi mo talaga maaasahang maiintindihan ng mga tao sa paligid mo ang gusto mong gawin, lalo na kung hindi naman obvious kung paano ka kikita ng pera dito.

    Sabi pa ng isa, bahagi raw talaga ng pagnenegosyo at pagsunod sa iyong passion ang pag-iisa. Hindi kasi lahat ay maiintindihan ang pangarap mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa halip na makinig sa mga discouraging na tao, ituloy mo lang ang mga ginagawa mo. Magtagumpay ka man o hindi, wala kang pagsisisihan.

    Ngayong quarantine, marami sa atin ang kinailangang humanap ng ibang paraan para kumita ng pera dahil nawalan tayo ng trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic. Maraming mga nanay ang nagsimulang maging online sellers o 'di naman kaya ay virtual secretaries.

    What other parents are reading

    Samantala, may ilan naman sa atin na nagkaroon ng pagkakataong bigyang panahon ang ating mga naunsiyaming goals noong busy tayo sa trabaho.

    Ngayong nasa bahay ang marami sa atin, may mga nakapagdeclutter, may mga nakapagsimula ng home garden, may mga nakapagbake, at mayroon pa ngang nakapagsimula ng YouTube pages para maging vloggers—tulad ng sender ng ating #SPConfessions.

    Patunay ang mga nanay na ito na wala mang kasiguraduhan sa mga maaaring mangyari sa hinaharap, hindi ibig sabihin nito na hindi na natin tutuparin ang ating mga pangarap. May suporta man mula sa ating mga mahal sa buhay o wala, mahalaga na sumubok pa rin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Importanteng sabihin din natin na mas marami pa ring mga supportive husbands kaysa sa mga hindi. Sa katunayan, ngayon pandemic nga, humahanap pa rin sila ng paraan para maiparamdam sa mga partners nila ang suporta at pagmamahal.

    What other parents are reading

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfession na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin nito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    Kailangan mo ba ng moral support at good vibes? Pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close