-
Tinanong Namin Ang Mga Nanay: What Would You Do If You Met Your Husband's Mistress?
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa mga pelikula at telenovela lang natin ito kalimitang nakikita. Ito iyong mga eksenang pabonggahan si misis at ang mistress, hindi lang ng kanilang mga linya kundi pati na rin ng kanilang mga bathing suits.
Ito 'yung may mga eksenang sampalan, iyakan, at tanungan kung 'paano mo ito nagawa sa akin?'
Madalas, hindi natin naiisip na maaaring mangyari ito sa tunay na buhay. Ngunit, paano nga ba kung nagpang-abot kayo ng other woman ng asawa ninyo? Anong gagawin ninyo? Magagalit ba kayo sa kanya? Aawayin niyo ba siya?
Tinanong namin ang mga miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village. Narito ang kanilang mga sagot at payo.
Aawayin mo ba ang mistress ni hubby kung makita o makilala mo siya?
"Hindi. Kakausapin ko muna ang asawa ko."
Marami sa mga miyembro ng Village ang nagsabing uunahin nilang kausapin ang asawa nila. Ayon sa kanila, mas gusto nilang maintindihan kung paano ito nagawa ng asawa nila at kung bakit.
Sabi pa nila, sayang lang ang effort kung makikipag-away pa sa mistress. "Bakit pa kailangang tumikim ng iba, kesehodang sila ang lumalapit," tanong ng ilang nanay.
Dagdag pa ng ilang mga nanay, hindi lahat ng mga mistresses ay alam na mistress sila. Kay hubby pa rin ang bagsak ng sisi dahil kung talagang mahal ka ng partner mo, hindi na siya maghahanap pa o matutukso pa sa iba.
Punto rin ng mga nanay, ang asawa mo ang may commitment sa iyo kaya siya ang dapat awayin o kumprontahin mo at hindi ang mistress. Totoo na masarap awayin at pahiyain ang kabit dahil pumatol siya, ngunit sa kabilang banda, ginusto ito ng asawa mo kaya mas dapat siya ang kausap mo tungkol dito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Hindi. Gagamitin ko ang oras ko para i-improve ang aking sarili."
Katwiran ng mga nanay, bagaman kasalanan ang pakikiapid, madalas ay may mas malalim na dahilan kung bakit ito nangyayari.
Dagdag pa ng mga nanay, marahil may pagkukulang sila o 'di kaya ay sadyang nag-grow apart lang sila bilang mag-asawa. Bagaman hindi sagot ang pangangaliwa, malimit itong nagiging daan palabas.
What other parents are reading
"Pwede mong kausapin, pero huwag nang awayin."
Sabi ng mga nanay, minsan kasi ay hindi naman alam ng mga mistresses na mistress na pala sila dahil magaling magtago si hubby. Sa ganitong pagkakataon, hindi patas kung aawayin ang mistress dahil tulad mo, maaari rin siyang ituring na 'biktima'.
Pagbabahagi pa ng mga nanay, walang magbabago kung makikipag-away ka sa mistress. What's done is done, sabi nga nila.
"Magagalit ako sa kanilang dalawa."
Marami rin sa mga nanay ang aminadong hindi talaga nila mapipigilang magalit sa asawa at mistress. Sabi nila, hindi totoo kapag sinabi sa iyo ng asawa mo o ng mistress niya na hindi nila sinasadya. Cheating is a conscious act, sabi ng mga nanay.
Sa kabilang banda, marami naman sa kanila ang nagsabing patatawarin nila ang asawa nila sa minsang pangangaliwa nito. Sa tingin kasi nila, wala namang perpektong pagsasama at walang perpektong asawa. Naisip rin ng mga nanay na maaaring baka may pagkukulang sila kaya nangaliwa ang kanilang asawa.
Ngunit, kung mangyari ito ulit, hindi na sila papayag na makipagbalikan.
What other parents are reading
"Aawayin ko ang mistress!"
Sabi ng mga nanay, kung mas masungit pa sa iyo ang mistress, bakit nga naman hindi mo siya aawayin? Kung nilalayuan na siya ni hubby pero siya pa rin ang lapit nang lapit, bakit nga naman hindi ka magagalit?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPahayag ng mga ilaw ng tahanan, mayroon kang karapatan na ipagtanggol ang pamilya mo. Lalo na mula sa isang mistress na nanggugulo.
What other parents are reading
Bandang huli, ang mahalaga ay ang paghilom. Ano man ang naging paraan para malaman mo na may ibang karelasyon ang asawa mo, nag-away man kayo ng naging mistress niya o hindi, hindi pa rin nito mababago ang mga nangyari. Ang mahalaga ngayon ay kung paano ninyo maaayos ng asawa mo ang inyong relasyon.
Sabi nga ng mga nanay, mas mahalaga ang ngayon at ang hinaharap kaysa sa nakalipas. Gaano man kahirap, kailangang maging prayoridad mo ang paghilom, hindi lang para sa iyo, kundi para na rin sa inyong anak.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments