embed embed2
  • Binuhusan Ng Tubig Ang Pinakamatigas Ang Ulo Sa Garcia Siblings!

    Paliwanag ni Patrick Garcia sa video, “Para mas makilala ng mga tao kung sino tayo.”
    by Jocelyn Valle .
Binuhusan Ng Tubig Ang Pinakamatigas Ang Ulo Sa Garcia Siblings!
PHOTO BY YouTube/Garcia Family
  • Kuwela ang two-part Who’s Who game na posted sa Garcia Family YouTube channel, na pag-aari ng mag-asawang Patrick at Nikka Garcia. Pero hindi nila kasama dito ang mga anak na sina Michelle, 7; Patrice, 4; at Pia, 2.

    WHAT PARENTS ARE READING

    Sa first part ng laro, katunggali ni Patrick ang kanyang mga nakatatandang kapatid na sina Pichon Garcia at Chesca Garcia-Kramer. Tinawag nila ang episode na “Who’s Who: Siblings Edition! Get to Know Pichon, Chesca, and Patrick!” 

    Sa second part naman, si Nikka ang sumalang kalaban ang mga bilas na sina Athena Garcia (misis ni Pichon) at Doug Kramer (mister ni Chesca). Ang titulo ng episode ay “Who’s Who: In-Laws Edition! Get to Know Athena, Doug, and Nikka!”

    Sa parehong episode, ang ina ng Garcia siblings na si Bing Garcia ang nagsisilbing hukom. Nakapuwesto siya sa likuran ng mga nakaupong manlalaro katabi ang gripo, kung saan may hose, at baldeng puno ng tubig. Pupukulin siya ng tanong at sasagutin niya ito sa pamamagitan ng pagbuhos ng isang tabong tubig sa taong pinatutungkulan niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Katuwaan lang, sabi nga ng mga magkakapamilya, at bawal ang pikon. Talaga namang nakakatuwa sila, lalo na tuwing may nabubuhusan ng tubig at mayroon silang side comments. 

    Halimbawa: “Sino ang pinakamatigas ang ulo?” Nag-react si Chesca pagkatapos mabuhusan ng tubig, gusto daw niyang magpaliwanag. Nag-comment ang kanyang asawang si Doug, “Tama lang ’yan!” Nagkomento rin si Mommy Bing, “Sumasagot pa!” Kaya binuhusan niyang muli si Chesca.

    Sa tanong naman na, “Kung pagbibigyan ka ng pagkakataon, kanino mo gustong tumira?” Hindi pa man sumasagot si Mommy Bing, nagpasintabi na si Chesca. Aniya, “We’ll not get hurt, don’t worry. Alam ko na kung kanino.” Tila hindi kaila sa pamilya kung sino ang paboritong anak. 

    Pagdating sa mga in-laws, panay ang pagtayo ni Doug kapag ang tanong ay may kinalaman sa in-law conflicts—“Sino ang pinakasakit mo sa ulo?” “No’ng hindi pa kasal, sino sa tingin mo ang pinakasalbahe?” Aniya, “Sila lang ang may problema.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero nagulat ang kaisa-isang son-in-law ni Mommy Bing nang buhusan siya ng tubig sa tanong na, “Sino ang hindi mo pinaka-bet no’ng una mong nakilala?”

    Komento ni Doug, “Di ko alam ’yan.” Pagbabalik-tanaw naman ni Mommy Bing nang makilala niya ang basketball player, “Sabi ko kay Chesca, ‘Bakit hindi nagsasalita ’yan?’”

    WHAT PARENTS ARE READING

    Nagpatuloy ang kasiyahan ng buong pamilya, kabilang ang mga bata, sa dulo ng episode 2. Dito makikita silang lahat na nagkakasiyahan sa pool area ng bahay ng Garcia-Kramer family.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles