embed embed2
  • 'Help! Hindi Ko Mapigil Ang Online Shopping Lalo Kapag Malungkot Ako'

    Nagiging problema na sa pamilya ang pag gastos ni mommy.
    by Ana Gonzales .
'Help! Hindi Ko Mapigil Ang Online Shopping Lalo Kapag Malungkot Ako'
PHOTO BY Shutterstock/Mind And I
  • Simula nang mauso ang online shopping dahil sa banta ng COVID-19, ilang miyembro ng aming online community ang malimit magkwento sa amin tungkol sa nagiging problema nila sa pamimili online.

    Ayon sa kanila, napapansin nilang nasosobrahan na ang kanilang pago-online shopping. May ilang naa-adik na sa pagbili ng mga damit at sapatos, samantalang ang ilan ay madalas mamili ng mga pandekorasyon o gamit sa bahay.

    Kwento pa ng ilan sa kanila, nagiging sanhi na rin ito ng away mag-asawa.

    Ang nararamdaman ni mommy ay maaaring oniomania o compulsive buying disorder. Kilala rin ito sa tawag na shopping addiction, compulsive buying, o buying addiction. Alin man dito ang itawag mo, pare-pareho lang ito ng ibig sabihin—hindi mo mapigilan ang sarili mo na mamili.

    Lumalabas sa mga pag-aaral na ang compulsive buying disorder ay isang behavioral addiction kung saan ginagamit ng isang tao ang pamimili para maging masaya o para makaiwas sa hindi magandang pakiramdam.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pinatotohanan naman ito ng mga nanay na lumapit sa amin. Ayon sa kanila, malimit nilang hanapin ang pamimili kapag malungkot sila o 'di kaya ay kapag sobra-sobra ang nararamdaman nilang stress o pagod.

    Paliwanag ng psychologist na si April Lane Benson, ang compulsive buying o labis na pamimili ay parang paghahanap ng pagmamahal sa maling lugar.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Agree naman dito ang mga nanay. Sabi nila, masarap sa pakiramdam kapag successful ang pagbabayad at kapag nakakatanggap sila ng notifications na malapit nang dumating ang kanilang order.

    Masarap din daw sa pakiramdam nila na nakakatanggap ng package, nagbubukas ng package, at gumagamit ng mga bagong bagay.

    Kwento ng isang nanay, araw-araw ay may inoorder siya online. Napakarami na nga raw gamit sa bahay nila. Madalas din ay hindi na niya alam kung paano ipapaliwanag sa asawa niya kung bakit may dumating nanamang package sa bahay nila.

    Payo ng ibang mga nanay sa aming Facebook group, maraming paraan para maiwasan ang labis na pamimili online.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang ilan sa mga payo nila:

    • I-delete ang mga online shopping apps at i-block ang mga shopping websites
    • I-disable ang notifications ng mga online apps kung hindi mo sila buburahin
    • Umiwas sa panonood ng mga online live selling events o i-unfollow ang mga accounts na ito
    • Magpatulong kay hubby na i-manage ang iyong finances
    • Ipahawak kay hubby ang iyong mga cards at huwag i-save online ang iyong mga financial information

    Dagdag pa ng mga nanay, nanonood din daw sila ng mga documentaries tungkol sa hoarding at minimalism. Sa ganitong paraan, makikita nila ang epekto ng labis na pamimili at kung bakit dapat itong iwasan.

    Makakatulong din sa iyo kung kokonsulta ka sa isang psychiatrist. Maaari kasing sintomas na ito ng mas malalim na problema.

    Nakakaranas ka ba ng labis na compulsion para mamili? Hindi mo ba mapigil na umorder online? I-share mo ang iyong experience sa comments section.

    Follow Ana Gonzales on social media at @mrs.anagonzales.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles