Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 5 Home-Based Typing Jobs Para Sa Mga Full-Time Nanay

    Pwede mong gawing sideline ang mga trabahong ito kung gusto mong magkaroon ng karagdagang income.
    by Vienna Mae Urbiztondo .
5 Home-Based Typing Jobs Para Sa Mga Full-Time Nanay
PHOTO BY iStock
  • Ang mga nanay ay subok at sanay na pagdating sa multitasking. Kaya nating isabay ang pagta-trabaho sa ating mga tungkulin bilang ilaw ng tahanan. Ngunit may mga pagkakataon na nagiging mahirap ito, lalo na sa panahon ngayon na nagiging malala na ang traffic at pahirap na ng pahirap ang pagpunta sa opisina. 

    Ito ang naging dahilan para maengganyo ang mga nanay na subukan ang mga homebased jobs. Sa ganitong paraan, hindi na nila kakailanganin pang umalis ng bahay para kumita ng pera.

    More from Smart Parenting

    Ngayong taon, naaprubahan ang Republic Act No. 11165 o mas kilala bilang Work-From-Home Law o Telecommuting Act. Nakasaad sa batas na ito, na ang isang manggagawa o empleyado ay maaring magtrabaho sa alternative workplaces gaya ng kaniyang bahay o mga coffee shops at shared working spaces gamit ang telecommunications at iba pang uri ng computer technologies.

    Napakagandang balita nito para sa mga full-time nanay na mas piniling manatili sa bahay para mabantayan ang kanilang mga anak. Dahil sa bagong batas na ito, may pagkakataon na silang kumita ng pera at makapagtrabaho kahit pa nasa bahay lang nila. Makakatulong sila sa gastusin sa bahay nang hindi isinasakripisyo ang kanilang mga tungkulin bilang mga nanay. Maaari rin nilang ipagpatuloy ang kanilang professional growth na hindi naguguilty.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ano ano ba ang mga home-based typing jobs sa Pilipinas na pwedeng gawin ng mga stay-at-home moms?

    Data Entry Specialist

    Ang trabahong ito ay madali lamang, kailangan lang na marunong magbasa at metikoloso sa detalye ang gagawa nito. Karaniwang inililipat lamang nila ang mga impormasyon mula sa isang larawan o dokumento papunta sa ginagamit na system, ibang format ng dokumento o spreadsheet ng kanilang kliyente.

    Writer

    Ang trabahong ito naman ay saktong-sakto sa mga nanay na mahilig magbahagi ng kanilang sariling karanasan o kwento, o kahit anong komposisyon na may iba’t-ibang paksa. Kung magaling sa pag buo ng isang makabuluhan at komprehensibong artikulo at kayang matapos ito sa itinakdang deadline. Maaring kumita ng Php 600 hanggang Php 1,500 kada 300 hanggang 700 na salita sa bawat artikulo o halos Php 20,000 buwan-buwan.

    More from Smart Parenting

    Transcriptionist

    Isa ito sa mga in-demand na trabaho ngayon. Karaniwang kino-convert ang isang video o audio file sa isang nasusulat na report. Marami sa mga recordings na ito ay tumatagal ng sampu hanggang dalawampung minuto. Kailangan lang na matalas ang pandinig at pag unawa sa sinasabi ng nasa recordings para maayos ang pagkakatranscribe dito dahil may mga guidelines na dapat masunod upang mabayaran ang bawat natatapos na report.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Content and Email Marketing

    Ang trabaho ng isang content marketer ay pagpapakilala ng isang produkto o brand sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng pag-gamit ng social media accounts, emails, search engines, at iba pa. Kailangan marunong mag-isip ng mga paksang karaniwang pinag-uusapan o nauuso para maging interesdo ang mga magbabasa nito at maaring maglikha ng isang trending topic upang mapromote ang isang produkto o brand. Ang isang content marketer ay maaring kumita ng Php 20,000 hanggang P25,000 sa isang buwan.

    More from Smart Parenting

    Community Management

    Ang karaniwang tungkulin ng isang community manager ay bumuo ng marketing at Public Relationship effort sa pamamagitan ng paggamit ng mga social media sites. Sa ganitong paraan ay naipaparating sa mga tao ang layunin, benepisyo o masagot ang mga katanungan ng mga customers. Ang isang social community manager ay maaring kumita ng P5,000 to P8,000 sa kada isang account na iyong mahahawakan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaring makahanap ng mga typing jobs sa mga sumusunod na website: 

    Upwork

    Isa ito sa pinakamalaking global freelancing website. Kumikita ang kumpanyang ito sa pagsingil ng karagdagang bayad sa bawat proyekto na nakukuha. Ang kagandahan ng platform na ito ay, nakakasigurado ang mga nanay na mababayaran sila ng kanilang employer sa bawat proyekto na kanilang natatapos.

    More from Smart Parenting

    OnlineJobs.ph

    Ito naman ang pinaka malaking freelancing website sa Pilipinas. Maganda din ang nagiging benepisyo ng mga nakakakuha ng proyekto o kliyente dito dahil sinisigurado ng kumpanya na sila ang umaayos sa hindi pagkakaunawan ang employer at employee.

    RemoteStaff

    Ang kumpanyang ito ay may office at home-base projects para sa mga professional employees. Marami ding typing-jobs na makukuha dito at dahil sa magandang reputasyon ng kumpanyang ito, madaming kliyente ang nagtitiwala at nagbibigay ng magaganda at legal na home-base typing jobs dito.

    More from Smart Parenting

    Outsourcely

    Kilalang-kilala itong tahanan ng mga work from home nanay dahil sa dami ng mga start-up companies na dito naghahanap ng magiging empleyado nila. Ang kinagandahan sa website na ito ay buong buo na makukuha ang bayad sa bawat natatapos na proyekto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Checklist para sa mga aspiring work-from-home nanay:

    Home office set-up

    Kailangan maihanda ang personal computer o laptop na gagamitin sa online typing job, wired or wireless internet connection at back up power source kung sakaling madalas mawalan ng kuryente sa inyong lugar.

    More from Smart Parenting

    Social media account and contact info

    Dahil online na ang nais pasukang trabaho, kailangan madali ka lang mahanap online. Mas maganda kung may LinkedIn profile ka na for professional network at Skype and Zoom para madaling makipag usap sa mga kliyente abroad. Kailangan mo rin ng email account para sa mga transactions sa kliyente.

    Supporting documents and portfolio

    Kailangan may digital copies ka ng mga supporting documents tulad ng mga diploma ng natapos na kurso, sertipikasyon ng mga nakaraang trabaho, resume, application letter at iba pang nais mong ibahagi sa iyong kliyente bilang patunay na ikaw ay bihasa o may alam sa trabahong nais pasukan.

    More from Smart Parenting

    Payment method

    Hindi katulad ng mga nagtratrabaho sa opinsina na tumatanggap ng sahod sa kanilang mga accounts na may ATM, kapag ganitong mga online jobs, karaniwang wire transfered ang mga bayad sa bawat natatapos na proyekto. Karaniwang ginagamit ay Paypal, Payoneera, Gcash, Paymaya at mga remmitance centers. Kapag may account ka na dito, maari mong i-transfer ang iyong payout sa iyong bank account o i-withraw sa mga authorized withdrawal centers.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaan hindi madaling mag work-from-home ang isang nanay. Maliban sa kailangan talagang hanapan ng oras para magampanan ang tungkulin sa mga kliyente at matapos ang mga ibinibigay nilang tasks, may mga gawaing bahay at mga bata na kailangan pa ring mas bigyan ng importansya. Hindi rin ganoon kadali ang humanap ng kliyente at proyekto.

    More from Smart Parenting

    Madalas inaabot ng buwan o mahigit pa ang mga baguhan sa ganitong uri ng trabaho kaya kailangan talaga ng tiyaga at sipag sa paghahanap araw-araw. Maaring sideline lang ito sa umpisa dahil kailangan munang makabuo ng magandang portfolio para pagdating ng panahon ay trabaho na mismo ang lalapit.

    Isang paalala, mag-ingat sa pag-aapply, dahil uso din ang scam dito. Laging tandaan na kahit kailan hindi hihingi ang isang lehitimong employer ng pera para matanggap sa trabaho. Kaya naman maging mabusisi sa mga inaaplyang trabaho online, siguraduhin munang lehitimo ang mga employers at may magagandang reviews at iwasan ang mga kahina-hinalang tasks tulad ng gagamitin ang iyong account para sa mga illegal na gawain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basta mabilidad at madiskarte ka, sabayan mo pa ng tamang time management at skill set madaling mapagtatagumpayan ang ganitong uri ng trabaho.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles