;
embed embed2
  • Ang ‘Anti-Bill Shock’ Hack Na Naisip Ni Daddy Para Mabantayan Ang Pagtaas Ng Kuryente

    Kapag stay-at-home dad daw pala, madaming naiisip gawin sa free time.
    by Jocelyn Valle .
Ang ‘Anti-Bill Shock’ Hack Na Naisip Ni Daddy Para Mabantayan Ang Pagtaas Ng Kuryente
PHOTO BY Shutterstock
  • Nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020, natigil pansamantala ang pagpupunta sa project sites ni Cent Coronel na kasama sa trabaho niya bilang civil engineer.

    Naging stay-at-home dad (SAHD) si Cent at nagkaroon ng oras sa ibang pagkakaabalahan. Sabi nga niya nang makapagpalitan ng mensahe sa SmartParenting.com.ph, "Dami mong naiisip gawin pag may free time."

    Isa na riyan ang pagmo-monitor ng konsumo ng kuryente nilang mag-anak. Kasama niya raw sa nirerentahang tirahan ang kanyang asawa at kanilang anak na 1-year-and-4-months old, pati na ang kanyang nanay.

    Kuwento ni Cent, "Actually nag-start muna ako sa tally ng monthly bills. Kasi di 'ko maalala magkano 'yung last month or last, last month. Eh 'yung billing statement naman kung saan-saan napapalagay or nagkakahalo-halo.

    "'Tapos nung pandemic, since nasa bahay lang ako at naging SAHD, kada-daan ko dun sa gate, tinitingnan ko 'yung reading nung metro [ng Meralco]. So kako, bakit di ko kaya gawan ng table ito. 'Yun na, dun na napasok 'yung Anti-Bill Shock."

    Ibinahagi kamakailan ni Cent ang naisip siyang Anti-Bill Shock sa Smart Parenting Village Facebook page. Nagbigay siya ng link papunta sa ginawa niyang worksheet at saka step-by-step na instructions kung paano ito gamitin.

    Paliwanag pa niya sa aming maiksing panayam, "Kasi dati, nakukuha ko lang na data, total consumption per month. Para malaman ko ilan per day, divide ko lang kung ilang araw.

    "Eh nung nakikita ko ilan 'yung changes per day, naisip ko na i-project kung ano magiging total sa katapusan: average usage per day * remaining days + current usage. Ayun, hahaha!"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang usual electricity bill daw nila, tulad noong Summer 2020, halos Php4,000 kada buwan dahil napapadalas ang gamit ng kanilang air con. Pero kapag tag-ulan na, bumababa ang kanilang electricity bill mula Php2,000 hanggang Php2,500.

    Simula nang gawin niya ang Anti-Bill Shock, sabi ni Cent, naging "conscious" siya sa pagkonsumo nila ng kuryente. Pero kapag tumulo na raw ang pawis nilang magpapamilya, napipilitan silang gumamit ng air con. Kaya hindi rin talaga nagbabago ang kanilang usual electricity bill.

    Sa ngayon, abala naman si Cent sa sinisimulan niyang "Submeter Calc" para naman daw sa mga nagre-renta ng tirahan na "fix rate" ang per kilowatt hour or per cubic meter na singil sa kuryente. Kulang pa nga lang daw siya sa data at aminadong tinatamad pa itong tapusin.

    Sabi pa niya tungkol sa kanyang hobby: "Ganda lang kasi na nahihimay mo 'yung bagay-bagay, na bakit gan'to, bakit ganyan. 'Tapos paano pag gan'to, pag ganyan."

    What other parents are reading



    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles