embed embed2
Wais Budgeting Tips Mula Kay Mommy Vlogger Kris Lumagui
PHOTO BY YouTube/Kris Lumagui
  • Kumusta ang finances at ipon challenges ninyong mag-asawa ngayong ikalawang buwan ng 2020? Marami na ba kayong naipon? On track ba kayo sa inyong mga financial plans? 

    Aminado naman ang karamihan sa atin na hindi madaling maging financially stable, lalo na sa panahon ngayon na mataas ang presyo ng mga bilihin at pamahal na ng pamahal ang cost of living.

    Kwento ng mommy vlogger na si Kris Lumagui sa kanyang vlog, marami na rin siyang nagawang mga financila mistakes, tulad nang malubog siya sa utang dahil sa credit card. "Marami akong natutunan na aral doon and that made me wiser and smarter," kwento niya.

    What other parents are reading

    Mga importanteng tanong na dapat mong sagutin bago magsimulang mag-budget:

    Magkano ang aming overhead expenses?

    Ang overhead expenses ay iyong mga gastos mo para sa iyong mga pangangailangan. Ilan sa mga kabilang sa listahan ni mommy Kris ng kanilang overhead expenses ay ang kanilang renta sa bahay, pagkain, tubig, at kuryente. 

    Kasama din sa overhead expenses ang insurance at travel money o iyong pamasahe o gas money. Kung may internet at postpaid phones din kayo, maaari niyo rin itong isama sa inyong overhead expenses. Kabilang din sa overhead expenses ni mommy Kris ang pasahod niya sa mga taong nagtatrabaho sa kanila.

    What other parents are reading

    Sapat ba ang aming buwanang sahod para mabayaran ang aming overhead expenses?

    "Kung ang sagot mo ay oo, then great!" Sabi ni mommy Kris sa kanyang vlog. "Pero kung ang sagot mo ay hindi, may kailangan kang bawasan sa mga overhead expenses mo," dagdag pa niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagbabahagi pa ni mommy Kris, noong siya’y empleyado pa lang daw, naitanong na rin niya sa kanyang sarili kung siya ba’t nagtatrabaho lang para makabayad sa mga bills niya. 

    Kapag nalaman ninyo ang total ng inyong overhead expenses at naikumpara ninyo ito sa inyong buwanang income, dito ninyo makikita kung kaya niyo bang maging single earner household o kailangan ay dalawa kayong mag-asawa na nagtatrabaho.

    What other parents are reading

    Kwento pa niya, iba ang liberation ng para sa iyo lang mag-isa ang pera kumpara kapag may asawa ka na. "Noong kami ay mag-asawa na, doon na nagbago ang lahat. Kasi ito na 'yung realidad, ito na 'yung totoong buhay. Kapag ako, shopping ng shopping, talagang masasaid kaming mag-asawa," dagdag pa niya. 

    Kapag nailista mo na ang lahat ng inyong overhead expenses at na-cross check mo na ito sa inyong income, pwede ka nang magsimulang mag-budget.

    What other parents are reading

    Paano binubudget ni mommy Kris ang kanilang income?

    10% para sa tithing o ikapu

    Ang tithing ay ang iyong contribution sa simbahan o anumang religious organization na kinabibilangan ng inyong pamilya. "I’m a Christian and I believe that I should set aside 10% of my earnings because I owe it to the Lord," paliwanag ni mommy Kris. "Automatic sa akin na 'yung 10% ng aking kinita, I set it aside. Ito talaga, ang tingin ko sa kanya ay ang aking spiritual insurance," dagdag pa niya. 

    80% para sa overhead expenses

    "Gustuhin ko man na paliitin 'yan, pero ang nangyayari talaga, around 70% to 80% ng aming kinikita ay napupunta sa overhead expenses," kwento ni mommy Kris.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    5% para sa savings at 5% para sa emergency fund

    Dahil iba-iba tayo ng sources of income, priorities, at overall cost ng overhead expenses, maaari mong i-adjust ang percentage ng mga elements na ito.

    "Sa iba ang ginagawa nila, 20% to 30% agad ng kinikita nila ay napupunta agad sa savings," pahayag niya. "Ako, around 5% lang ang aking nasasave. Pero, dahil mahilig akong rumaket, kung ano man ang kitain ko labas sa aking monthly earnings, 'yun po ay diretsong napupunta sa aking savings," paliwanag niya.

    Ibinahagi rin ni mommy Kris na narealize niyang hindi siya payayamanin ng kanyang monthly salary. Kailangan talagang mayroong isa or mahigit pang paraan para kumita ng pera.

    Kwento pa ni mommy Kris, isa sa mga financial goals nila ang magkaroon ng sarili nilang property. Bagaman hindi nila ito top priority, isa pa rin ito sa mga goals na hopeful silang ma-achieve. 

    Ayon pa sa kanya, isa sa mga dilemma nila ngayon ay kung saan magandang gamitin ang kanilang naipon—sa property ba o sa business? Sa ngayon ay pinag-uusapan pa lang nilang mag-asawa kung anong dapat nilang gawin. Panoorin mo ang kabuuan ng vlog ni mommy Kris dito.

    Kayo? Anu-ano ang mga financial goals ninyo? Kumusta ang inyong strategies sa pag-iipon? Effective ba ito? I-share mo lang sa comment section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close