embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Nawalan Ng Trabaho Sa Panahon Ng Quarantine? May Tulong Pinansyal Ang Gobyerno Sa Iyo

    Ang mga programang ito ay nasa ilalim ng Department of Labor and Employment
    by Lei Dimarucut-Sison .
Nawalan Ng Trabaho Sa Panahon Ng Quarantine? May Tulong Pinansyal Ang Gobyerno Sa Iyo
PHOTO BY @Doucefleur/iStock
  • Pansamantalang sarado ang karamihan sa mga negosyo sa kasalukuyan dahil sa COVID-19. Maliban sa mga supermarket, botika, at bangko, ang lahat ng komersyo sa Metro Manila ay nakatigil para sa kapakanan ng lahat. Dahil dito, marami ang nag-aalala para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kailangan nilang kumita para pangtustos sa pagkain at iba pang mga obligasyon sa pamilya. 

    Sa apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante na tulungan ang mga manggagawa para mapagaan ang kanilang mga bayarin, tumugon ang marami sa pribadong sektor sa pamamagitan ng pagsiguro ng tuloy-tuloy na sahod ng kanilang mga trabahador. Ang iba naman ay ini-advance na ang 13th month pay ng mga empleyado.

    Gayunman, hindi maalis ang pangamba ng ilan: Maari ka bang tanggalin sa trabaho kung hindi ka pumasok sa panahon ng COVID-19 quarantine?

    More from Smart Parenting

    Ayon sa Republic Act No. 11058, "An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards" (OSHS) ng 2018:

    The worker has the right of refusal to work without threat or reprisal form the employer if, as determined by the DOLE, an imminent danger situation exists in the workplace that may result in illness, injury or death, and corrective actions to eliminate the danger have not been undertaken by the employer.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung isasalin sa Tagalog, may karapatan daw ang empleyado na tumangging magtrabaho nang hindi inaalala ang banta na siya ay mawawalan ng hanapbuhay kung sa tingin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay mayroong nagbabadyang mapanganib na sitwasyon kung saan ito nagtatrabaho, na maaring magdulot ng sakit, pinsala, o pagkamatay, at walang pagkilo ang may-ari ng kumpanya para alisin ang panganib na ito. 

    Hindi kailangang pumasok sa trabaho ang mga empleyado kung ayaw nilang pumasok, lalo pa't ipinapatupad ang enhanced community quarantine, ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III sa isang press briefing ng  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong March 17, 2020.

    More from Smart Parenting

    Sabi ng Malacañang sa isang bulletin noong March 18, 2020, hindi dapat pilitin ang mga empleyado na pumasok sa trabaho, maliban kung ang kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan ay nasa linya ng basic necessities o service. 

    Gayundin, hindi daw dapat tanggalin sa trabaho ang mga empleyado na hindi papasok dahil sa sitwasyon ng COVID-19.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaugnay nito, naglatag ang DOLE ng dalawang programa para tulungan ang mga hindi regular na empleyado sa panahon ng enhanced community quarantine.

    1. COVID Adjustment Measures Program (CAMP)

    Sa ilalim ng CAMP na nasa Php 1.3 billion ang kabuuang halaga, makakatanggap ang mga empleyado ng pribadong sektor ng one-time financial assistance sa halagang Php5,000. Ito ay para sa mga empleyado ng mga pribadong kumpanya na naapektuhan ng quarantine period. Pasok din dito ang mga may-ari at empleyado ng small-to-medium businesses.

    Lahat ng mga empleyado ng mga pribadong kumpanya at small-and-medium businesses ay maaring mag-avail nito, kahit ano pa ang kanilang employment status. 

    Nilinaw din na ang CAMP ay hindi para sa mga empleyado ng gobyerno o ng malalaking kumpanya.

    More from Smart Parenting

     

    Paano mag-apply para sa CAMP?

    Ang employer, o may-ari ng mga small and medium business, ang kailangang mag-apply sa CAMP sa ngalan ng kanilang mga empleyado. Hindi ang empleyado mismo ang mag-a-apply.

    Kailangang ipasa ng employer ang mga sumusunod sa DOLE regional o provincial office:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Establishment report ukol sa Labor Advisory No. 9 Series of 2020 para ipaalam sa DOLE ang ipinatupad nilang flexible work arrangements sa panahon ng quarantine
    • Ang company payroll sa panahon bago ipinatupad ang flexible work arrangement o temporary closure

    May posibilidad na hindi maaprubahan ang application kung mayroong hindi tugma sa ipinasang dokumento ayon sa pagsisiyasat ng DOLE. 

    Kapag naman naaprubahan ang application, ang CAMP financial assistance ay ipapadala sa pamamagitan ng bank transfer at matatanggap ng mga empleyado sa kanilang payroll account sa loob ng dalawang linggo. Dapat ipaalam ng employer sa DOLE kapag natanggap na ng mga empleyado ang benepisyo. 

    2. Tulong Pangkabuhayan sa Displaced/Undeprivileged Workers (TUPAD)

    Ito ay community-based na tulong na nagbibigay ng emergency employment sa mga taong nawalan ng trabaho at mga seasonal workers sa loob ng hindi bababa sa 10 araw at hindi hihigit sa 30 araw.

    Isang halimbawa ng trabahong kanilang gagawin ay ang paglilinis at pag-disinfect ng kanilang mga bahay at kapaligiran. Ang mga kagamitan gaya ng cleaning materials at protective equipment ay ibibigay sa kanila ng DOLE.

    Sa ilalim ng TUPAD, kikita ng minimum wage ang mga trabahador, at kanilang makukuha ang kanilang sweldo sa pamamagitan ng money remittance service provider sa pagtatapos ng ika-sampung araw. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles