embed embed2
Ano Ang Ibig Sabihin Kapag Binigyan Ka Ng Grace Period O Extension Ng Bayad Sa Utang?
PHOTO BY @Doucefleur/iStock
  • Dahil hinihingi ng pagkakataon, maraming opisina at negosyo sa Pilipinas ang napilitang magpatupad ng work-from-home arrangement simula noong March 16, 2020, pagkatapos ianunsyo ng Malacañang ang enhanced community quarantine sa Luzon.

    Ang pagpapatupad kasi ng social distancing ang sinasabing isa sa mga pinakamabisang paraan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus, ang sakit na kasalukuyang sumasalanta sa daan-libong mga tao sa buong mundo. 

    Gayunman, ang work-from-home arrangement ay hindi naaangkop sa lahat ng trabaho. Maraming manggagawa ang natigil ang kita dahil sila ay arawan o "per project" lamang — ibig sabihin, kung hindi sila papasok sa trabaho ay wala silang sasahurin.

    What other parents are reading

    Sa memorandum na inilabas ng Palasyo ukol sa enhanced community quarantine, iminungkahi sa mga ahensya ng pamahalaan at pribadong institusyon na humanap ng mga paraan para matulungan ang mga manggagawang maapektuhan ang hanapbuhay.

    "These measures may include, but shall not be limited to, moratorium on lease rentals, advancing a pro-rated thirteenth-month pay, reprieve in utility bills, and assistance to micro-, small- and medium-scale enterprises," sabi dito. 

    Bilang tugon, naglabas ng kanya-kanyang anunsiyo ang iba't ibang credit card, insurance, at utility companies. Karamihan sa kanila ay nagsasabing magbibigay ng payment extension, grace period, o moratorium bilang konsiderasyon.

    What other parents are reading

    Mabuting balita ito para sa marami, pero ano nga ba ang ibig sabihin ng mga terminong ito?

    Grace period

    Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang grace period ay panahon pagkatapos ng iyong due date kung kailan papayagan ang pagbabayad ng utang nang walang ipapataw na interes. Ibig sabihin, kung nagbigay ng 30-day grace period ang isang bangko, at hindi ka pa din nakapagbayad sa loob ng panahong iyon, may babayaran ka nang karagdagang interes bukod sa halagang dapat mong bayaran.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iba-iba ang rate at kundisyon ng pagpataw ng interes bawat bangko o institusyon. Ang grace period ay hindi kapareho ng extension ng due date. 

    Payment due date extension

    Ang extension ay pagpapaliban ng pagbabayad, depende sa ibinigay na palugit ng institusyon (gaya ng bangko). Kadalasan itong tumutukoy sa mga loan. Kapag sinabing may isang buwan kang extension sa iyong due date, ibig sabihin ay lalaktawan mo ang pagbabayad ng isang buwan, o hindi mo kailangang magbayad sa buwang iyon.

    Hindi rin madodoble ang babayaran mo sa ikalawang buwan. Ang mangyayari ay mae-extend, o hahaba, ang maturity ng loan mo, ayon na rin sa anunsiyo ng Security Bank.   

    Past due balance

    Ito ay tumutukoy sa halaga na hindi mo nabayaran sa iyong credit card bill. Kung hindi mo binayaran ang buong halaga sa due date ng iyong bill, ang natirang halaga ang iyong past due balance, na maaring patawan ng interes o late fees ng bangko ayon sa patakaran nito.

    What other parents are reading

    Payment holiday

    Kapag sinabi ng bangko na bibigyan ka ng payment holiday, ibig sabihin ay pinapayagan kang huminto pansamantala sa pagbabayad ng iyong mga utang. Ibinibigay ang konsiderasyong ito sa mga pambihirang pagkakataon, gaya ng sitwasyon kung saan mawawalan ng trabaho ang marami. 

    Good standing

    Kapag ikaw ay nasa good standing, ibig sabihin ay nakakatupad ka sa iyong mga obligasyon mo sa isang kasunduan. Kung ikaw ay credit card holder, ikaw ay nasa good standing kung nakakabayad ka ng iyong mga dapat bayaran sa takdang oras.

    Moratorium

    Ang moratorium ay ang pagsuspinde ng bayarin o pagpapaliban ng pagbabayad sa mga utang, gaya ng inanunsyo ng Home Development Mutual Fund, o Pag-IBIG Fund, noong March 17.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close