Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Dahil Sa Pagiging OC, Isang Mom Gumawa ng Sariling All-Natural Cleaner

    Pero hindi lang yan ang naging rason kung bakit gumawa siya ng sarili niyang house cleaner.
    by Jocelyn Valle .
Dahil Sa Pagiging OC, Isang Mom Gumawa ng Sariling All-Natural Cleaner
PHOTO BY courtesy of Pamela Jacinto
  • Hindi man inakala ni Pamela Jacinto na papasukin niya ang pagneneyosyo ay dito rin nauwi ang pagnanais na makagawa ng sariling all-natural at chemical-free cleaner sa mas mababang halaga. Aniya, OC siya lalo na sa pagdating sa kalinisan.

    Ang OC ay halaw sa medical term na obsessive-compulsive disorder na, ayon sa American Pyschiatric Association, ay “anxiety disorder in which time people have recurring, unwanted thoughts, ideas or sensations (obsessions) that make them feel driven to do something repetitively (compulsions).”

    Lalo pang umiwas si Pamela, 44 years old, sa paggamit ng chemicals nang magkasakit sa cancer ang kanyang ama noong 2013 at kalaunan binawian na ito ng buhay. Pagkaraan ng isang taon, natuklasan ni Pamela kung bakit nahihirapan siya at ang kanyang mister na si Paul Jacinto na mabuntis pagkatapos nilang ikasal noong 2003. Bukod pa sa kanyang stressful corporate job noon ay may diperensya pala sa kanyang immune system na siyang humadlang sa kanyang fertility.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Aniya sa email interview niya sa SmartParenting.comph, “My body rejects or attacks my husband’s sperm. If ever may nabubuo embryo my body’s immune system also attacks it kase akala nya foreign body. So di talaga ako mabubuntis.”

    Sa kanyang sariling research tungkol sa autoimmune disorder ay nalaman niya na isa sa suspected risk factors ang exposure sa chemicals o harmful substances. Nang sa wakas ay magkaanak siya sa tulong ng Lymphocyte Immunization Therapy (LIT) at in vitro fertilization (IVF) noong 2016, mas tumindi ang kanyang pag-iwas sa mga chemicals. Ang ginagamit lamang nilang disinfectant at house cleaner ay iyong chemical-free kahit mas mahal ang mga gano’ng brand.

    Naghintay si Pam at ang kanyang asawa ng 13 years bago dumating si Paco na 3 years old na ngayon.
    PHOTO BY courtesy of Pamela Jacinto
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nitong March 2019 ay may nakilala si Pamela na mag-asawang nagturo sa kanya kung paano gamitin ang “musa saba” extract bilang main ingredient sa paggawa ng cleaner. Ang musa saba extract ay galing sa puno ng saging na subok nang natural na nakakapaglinis. Dito nadiskubre ni Pamela na puwede naman siyang gumawa ng sarili niyang cleaning product at nakakatipid pa siya ng pera.

    More from Smart Parenting

    Nagsimula siyang gumawa ng ilang bote ng kanyang cleaner para sa sariling gamit lang nila sa bahay. Napansin niya at ng kanyang kasambahay na epektibo ang kanyang produkto. Sa konting spray daw, halimbawa, sa glass items ay “parang walang salamin sa linaw.” Samantala, pumuti naman ang toilet bowl at tiles sa banyo gamit pa rin ang cleaner. Nakatanggal din ito ng sebo sa mga kaldero at malansang amoy dulot ng pagprito ng isda. Bilang all-natural at chemical-free ang kanyang cleaner ay wala itong dulot na pinsala sa environment, human beings, at pets.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dito naisip ng mompreneur na ibahagi ang kanyang produkto sa ibang tao. Tinawag niya itong Miracle Cleaner “dahil personally miracle at blessing sya sa buhay ko dahil laki ng natipid namin.” Nagsimula siya sa paggawa ng packaging, kasama na logo, product name, at product look. Siya mismo ang nagdisenyo ng logo at layout ng sticker habang naghanap naman siya ng supplier para sa mga bote na pagsasalinan niya ng mga likido at sa printer ng sticker.

    Nang handa na ang lahat ay kinunan niya ng litrato ang kanyang mga produkto gamit lamang ang black chair pang background. Masaya naman siya sa naging resulta kaya gumawa na siya ng brochure na naglalaman ng product info at photos para maipahagi niya ito sa kanyang mga kaanak at kaibigan.

    More from Smart Parenting

    Si Pamela kasama ang kanyang ina na si Ema Siccion sa isang bazaar kung saan silang nagbebenta ng Miracle Cleaner.
    PHOTO BY courtesy of Pamela Jacinto
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Para sa first batch ng 10 bottles ay naglaan siya ng halos Php1,500 bilang starting capital. Kuwento niya, “Kinuha ko sa grocery budget ng bahay na naka-budget for all-natural cleaners. Tutal gagamitin din naman talaga namin panlinis ng bahay namin e. We just reused old sprayer bottles so didn’t buy na. Yung natipid binili ko new bottles para ibenta. Then yung income of the first batch pinaikot ko lang. So ganon lang. Nung una, pakonti-konti lang gawa exacto lang sa orders.”

    Una niyang inalok ang Miracle Cleaner spray sa kanyang mga kaanak at kaibigan “at a very low introductory price para lang bilhin” hanggang nag-post na siya sa social media at nakarating sa e-commerce platform. Dumami ang orders, kabilang na ang repeat orders, kaya nagtaas siya ng presyo. Humingi din siya ng feedback sa mga ito para maibahagi niya sa social media.

    Nagpatuloy si Pamela sa pag-eksperimento para madagdagan ang kanyang product line. Maliban sa Miracle Cleaner spray ay meron na rin siyang car cleaner, dish cleaner, all-natural soaps, at lavender home spray na puwedeng gamitin bilang room at linen spray.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Naramdaman niya na bumebenta ang kanyang produkto nang dumalas ang reorders at nang makapatanggap siya ng unang bulk order. Subalit hanggang ngayon, aniya, hindi pa niya nabibigyan ang sarili ng suweldo.  Hindi niya ito alintana dahil paliwanag niya, “business side of it just a bonus.”

    Kaya nga daw sa kanyang Instagram account na may handle na The Healing Mom, ay hindi lamang mga produkto niya ang naka-post doon. Nais niyang ibahagi ang kanyang journey bilang isang ina at kung paano niya nalalampasan ang everyday stresses ng pagiging ina.

    May mga payo si Pamela sa mga nagbabalak na maging mompreneur na tulad niya. “First, for all of us moms, let’s take care of ourselves and take charge of our own happiness. Do  what make us happy. Let’s stay healthy and strong in body, mind and spirit. Wag hintayin na malaki na yung mga babies natin before we think of ourselves. Let’s give ourselves positive affirmations and try to feel good about ourselves everyday. Remember our potential is limitless and that we have the power and potential to do great things.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

      

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles