embed embed2
  • Dalawang Pamilya Nagumpisa Sa Puhunan Na P1,000 Para Sa Home-Based Lumpia Business

    Mabibili ang lumpiang gulay fresh man o frozen at ready-to-cook.
    by Jocelyn Valle .
Dalawang Pamilya Nagumpisa Sa Puhunan Na P1,000 Para Sa Home-Based Lumpia Business
PHOTO BY courtesy of The Lumpia Company (left) and Aring’s Lumpia
  • Isa ang pagluluto sa mga kinagigiliwan na gawain habang nakapirmi sa bahay bilang pagsunod sa community quarantine, na hatid naman ng COVID-19 pandemic. Kung ang ilan sa mga nagluluto ay matagal na itong libangan, ang iba naman ay bago itong kinahihiligan. Mayroon din na nakapundar ng home-based food business dahil sa pagluluto.

    Home-based food business: Inspirasyon ang ECQ 

    Kuwento ni Liz Arcilla sa SmartParenting.com.ph sa phone interview, minsan na siyang sumubok sa home-based food business noon at magbenta sa isang weekend night market o banchetto. Mabili nga daw ang fresh lumpia sa kanyang mga tinda. Gawa sa ubod, carrots, beans, at giniling na baboy ang kanyang lumpia habang ang lumpia wrapper ay homemade mula sa pinaghalong itlog, arina, at cornstarch.

    Nang minsang naglilista si Liz at ang kanyang pamilya para sa kanilang lingguhang pamamalengke, may humiling na isama ang fresh lumpia sa mga putahe. Matagal na daw kasi silang hindi nakakatikim ng kanyang specialty.

    Pinagbigyan ni Liz ang hiling ng kanyang pamilya, kabilang ang kanyang mister at kanilang apat na anak. Habang pinagsasaluhan nila ang fresh lumpia ay iminungkahi ng kanyang mister na tumanggap sila ng order at magbenta.

    What other parents are reading

    Kapit-bahay ang customer noon, masa na ngayon 

    “Hindi ko pinapansin ang husband ko,” lahad niya. “Eh pero andito lang kami sa bahay, parang walang gagawin. Doon po nagsimula. No’ng naggagawa na kami, hindi namin ini-expect kasi aayaw-ayaw din kami. Ayun, kinagat naman ng masa.”

    Dagdag ni Liz na sa umpisa, mga kapitbahay sa kanilang barangay sa Marikina ang umo-order at mga kaibigan sa ibang parte ng siyudad. Dumami at lumawak ang kanilang narating nang magbukas sila ng Facebook page at dahil na rin sa referral ng mga nakatikim na.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naglagay na rin daw sila ng product label para malaman agad ang pangalan ng kanilang produkto at contact number. Sinunod nila sa pangalan ng kanyang yumaong mother-in-law, na si Rosario “Aring” Arcilla, ang kanilang produkto na kilala na ngayon bilang Aring’s Lumpia.

    What other parents are reading

    Puhunan para sa fresh lumpia: Wala pang P1,000

    Wala pang P1,000 ang una nilang puhunan nang mag-umpisa sila nitong April 16, 2020. Ngayon na mas marami ng order, higit P1,000 ang puhunan kada gawa nila ng lumpia na depende sa dami ng order. Isa’t kalahati naman ang balik ng puhunan, kaya may kita sila na mga P500.

    Pahayag ni Liz, “Nakakabili po kami katulad ng gasul, ’yong kailangan naming bilhin per week. Malaking tulong po. May kita pa po kami.”

    Bukod dito, nagkaroon ang kanilang pamilya at mga kasama sa bahay ng bonding activity at may kanya-kanya silang toka sa trabaho. Pero bago ang lahat, nagdadasal muna sila “para smooth ang paggawa, ang transaction namin walang maging problema.” Sinisiguro naman nila na fresh na makakarating ang lumpia sa kanilang mga parokyano.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Lahat daw talaga ay nadadaan sa panalangin. Kaya naman hindi na lang lumpia ang tinda nila ngayon. Tumatanggap na rin sila ng order para sa baked macaroni.

    Mag-message sa kanila sa Facebook (@aringslumpia) o tumawag sa +63 926 672-7477

    What other parents are reading

    Frozen at ready-to-cook lumpia

    Lumpia din ang naisip ni Naomi Lumague at ng kanyang kapatid na home-based food business habang nasa community quarantine. Pero ang lumpiang gulay na produkto nila ay mabibili na frozen at ready-to-cook.

    Kuwento ni Naomi sa amin sa pamamagitan ng Facebook Messenger na recipe ng lola nila ang lumpia. Masarap daw talaga kaya nag-post ang kapatid niya tungkol dito sa Facebook. Napansin ng mga kaibigan at nagtanong kung puwede silang bumili. 

    Doon nila naisip na tumanggap ng order mula sa kani-kanilang Facebook account hanggang gumawa na sila ng Facebook page para sa tinatawag na nila ngayong The Lumpia Company. Malaking tulong din daw ang kanilang lola at isang tito sa pagbuo ng kanilang negosyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Puhunan para sa ready-to-cook lumpia: P1,200

    Sabi pa ni Naomi ay nagsimula sila sa puhunan na P1,200 para sa ingredients at labor cost lamang dahil meron na silang basic kitchen equipment sa kanilang bahay sa Antipolo. Per batch ang gawa nila ng mga lumpia at depende ang dami nito sa mga dating ng mga order.

    Sa ngayon, galing sa mga kamag-anak, kaibigan, at kanilang mga referral ang mga order. Kaya hangad nila Naomi na makaabot ang kanilang produkto sa iba at marami pang mamimili. Sana din daw ay marating nila ang target na P16,000 na kita at higit pa sa susunod na mga buwan. 

    May payo si Naomi sa mga nagnanais na magkaroon ng home-based food business. Aniya, “Find your expertise and just start.”

    Tuloy-tuloy lang daw kahit sa simula ay pawang mga kamag-anak at kaibigan lang ang umo-order. Kung magkaroon man ng mali dahil baguhan ka pa, mas maiintindihan nila.

    “From there, it gets easier as you learn and find ways to improve.”

    Mag-message sa kanila sa Facebook (@thelumpiaco) o tumawag sa +63 917 327-4932 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close