embed embed2
Ipon Challenge: Paano Maka-Save Kapag Sapat Lang ang Kinikita?
PHOTO BY iStock
  • Sa pagpapamilya, pinaka-challenging talaga ang pag-iipon lalo na kapag isa lamang ang nagtatrabaho at lumalaki na rin ang pamilya. Dahilan ng iba ay marami ang pinagkakagastusan sa pamilya. Ang iba nga matagal nagtatrabaho pero wala pa ring naiipon o kaya walang napupuntahan ang kinikita sa trabaho sa dami ng dapat bayaran. Kaya, paano nga ba ang pagsisimula lalo na kapag may pamilya para makapag-ipon kahit paano?

    Sa panahon ngayon, marami ang naglalabasan na mga “ipon  challenge.” Bagaman, noon pa man nakagawian na sa pamilyang Pilipino ang pag-iimpok ng pera hindi man sa banko kundi sa mga alkansiya. Kadalasan, ang mga walang lamang lata o bote ang ginagawang alkansiya. Talagang iba’t ibang pamamaraan ang ginagawa ng mga Pinoy para makapag-ipon at lahat ng ito ay may pinaglalaanan gaya ng pang-travel, pang-shopping, mga okasyon, at iba pa.

    Pero, paano kapag sapat lamang ang kinikita?Narito ang ilang tips para sa mga mommy at daddy

    1. Pag-usapan ng mag-asawa ang budget.

    Pinakamahalaga sa lahat ang pag-uusap ng mag-asawa sa kung ano ang kanilang budget. Importante na nagtutulungan sa pagpaplano ng mga gastusin upang hindi nasho-short sa budget at hindi na kailangan ang mangutang pa. Kaya dapat na alamin kung ano ang income ninyong mag-asawa o ng pamilya. Dito maibabatay ang gagawing pagba-budget. Ang pagkakaroon ng weekly o monthly budget ay isang malaking bagay na upang matiyak lamang kung paano pagkakasyahin ang inyong kinikita o family income.

    What other parents are reading

     

    2. Gumastos lamang ng kakayanin ng budget at talagang kailangan.

    Huwag ubos-ubos biyaya lalo na kapag may dumating na dagdag na biyaya. Limitahan ang sarili. Kung ano ang napagkasunduan sa budget, iyon lamang ang sundin. Posibleng ngayon ay may magandang kita pero baka sa susunod na araw naman ay wala. Iba-iba rin ang ihip ng panahon pagdating sa pananalapi kaya huwga basta magpapakasiguro.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makatutulong ang paglilista ng mga pinagkakagastusan ng pamilya para malinaw na nakikita o nata-track ang finances. Maging wais rin sa paggamit ng credit card, gamitin lamang ito kung kayang ipasok sa budget ang bibilhin. Huwag bili nang bili ng kung ano-ano na hindi naman kailangan, lalo na kapag may mga sale o promo, mahirap na lumaki ang utang hanggang sa mabaon na lamang. 

    3. Maglaan ng para sa savings.

    Kapag nagba-budget, isama na rin ang pagtatabi ng para sa savings ng pamilya. Kapag dumating ang suweldo, agad na ihiwalay na ito at huwag nang hintayin pa na matapos ang lahat ng expenses kasi baka sa huli wala na ring maiwan na inilalaan para sa savings. Bukod sa savings, isama rin ang emergency fund para sakali na may biglaang nagkasakit o nangailangan sa pamilya ay may makukuhanan lang at hindi kailangan na magalaw ang savings.

    What other parents are reading

    4. Kumuha ng insurance na swak sa finances.

    Siyempre bukod sa pagtitipid at pag-iipon, mahalaga rin na may inilalaan para sa kinabukasan ng inyong mga anak na makatutulong sa inyo at maging sa inyong pagtanda. Maraming mga insurance ngayon ang nagsusulputan din. Kumuha ng mas angkop para sa inyong pangangailangn para sa educational, health insurance, at retirement. Pero piliin ang policy na may kasamang investment portfolio na maaari ninyong makuha na magagamit ninyo kung sakali. 

    5. Turuan ang mga anak na magtipid.

    Tiyakin na ang ibibigay na allowance sa mga anak ay iyong sakto lamang panggastos nila sa mga kinakailangan. Huwag naman din silang bigyan ng kulang na para tipirin ang kanilang sarili lalo na sa pagkain o kaya naman ay sobra na makahihikayat  sa kanila na gumastos nang labis. Ibigay lamang ay sapat na tutugon sa kanilang pangangailangan nang sa gayon maturuan sila kung paano ang tamang pagba-budget din ng kanilang allowance. Hikayatin din sila na itabi ang natitira sa kanilang allowance. At kung ano ang maitatabi nila ay maaari nilang ibili ng gusto nila. Kumbaga “reward” nila ito sa kanilang sarili mula sa pagtitipid.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    6. Magpabaon ng pagkain sa anak.

    Makababawas sa gastusin ang pagpapabaon dahil mas makakatipid sila sa pagbili. Pero bigyan pa rin ang anak ng allowance na magagamit niya para sa emergency lamang. Sa ganitong paraan, mas matutulungan sila na makapagdesisyon nang tama sa paggastos ng kanilang pera. Matuturuan din sila na maging responsable sa paraan ng paggastos.

    7. Kung may gusto ang iyong anak, pag-ipunan ito.

    Huwag ibigay o bilhin basta ang anumang hingin ng anak. Ipaliwanag sa kanila ang pagkakaiba ng “needs” at “wants”. Sa halip, makabubuti na maturuan sila na mag-ipon kung may gusto silang bilhin na bagay. Maaari din namang mapagkasunduan na bibilhin sa kanila ang bagay na gusto nila pero kailangan nila itong bayaran sa inyo paunti-unti na manggagaling sa kanilang mga allowance. Sa ganitong paraan, higit nilang mauunawaan na hindi lahat ng bagay ay makukuha ng madali at mas mapapahalagahan nila ang mga bagay na natatamo nila.

    Sa pamilyang Pilipino, likas na babae ang maasahan sa pagba-budget ng mga gastusin sa pamilya kahit sa panahon ngayon na parehong mag-asawa ang naghahanapbuhay. Ang pagtutulungan ng mag-asawa at maayos na pag-uusap ay nagreresulta sa magandang samahan. Kung nasa bahay naman ang babae, hindi rin ito magiging mahirap basta hindi lamang din siya umaasa sa kita ng kaniyang asawa. Makaiisip ng maraming pamamaraan upang makatulong sa usaping pinansiyal. Maaaring gumawa ng maliit na business o mag-online business kung saan kahit sa kaunting dagdag na kita ay makatutulong din ng malaki kapag naipon ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close