Hindi inakala ni mommy Miriam de Guzman-Calimutan na ang simpleng craving nilang mag-anak ng taho ang magiging daan para makapagsimula sila ng negosyo.
Kwento niya sa episode na ito ng Sweldoserye, nagsimula siyang magbenta ng kanilang homemade taho sa kanilang village. "Pagdating sa orders, hindi ako nawawalan ng araw," sabi niya. "Every morning, meron ako."
Ito raw ang siyang nagtulak sa kanya para ibenta ang kanilang produkto online. "Inintroduce namin 'yung Taho-Po in a bucket within a period of a month," pagbabahagi niya.
Buong pamilya nila ang tulong-tulong na naghahanda ng kanilang taho—mula sa mga lalagyan, hanggang sa delivery.
Gusto mo bang magsimula ng ganitong business? Ikinwento sa amin ni mommy ang kanilang techniques, pati na rin kung magkano ang kanilang initial investment. Panoorin ang kabuuan ng interview dito:
Mayroon ka bang kwentong sweldo na gusto mong ibahagi? Ipadala mo lang sa smartparentingsubmissions@gmail.com.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!
You're almost there! Check your inbox.
We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.