embed embed2
  • May Libreng Online Classes Ang Isang Top MBA School Sa Japan!

    Pwede ka nang mag-register ngayon.
    by Ana Gonzales .
May Libreng Online Classes Ang Isang Top MBA School Sa Japan!
PHOTO BY iStock
  • Hindi lang ang ating mga anak ang may oportunidad na matuto ngayong lahat tayo ay nasa bahay dahil sa banta ng COVID-19—kahit tayong mga magulang ay pwede ring mag-aral sa pamamagitan ng mga online courses.

    Kamakailan nga ay hinikayat ni Secretary Isidro Lapena ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang lahat na mag-enroll sa TESDA Online Program (TOP). Inilunsad ang programang ito noong 2012 para makatulong sa sino mang gustong makapag-aral ng libre nang hindi na umaalis sa bahay.

    I-click mo lang ito kung gusto mong malaman kung paano mag-enroll sa mga online classes ng TESDA.

    What other parents are reading

    Bukod pa sa TOP, kamakailan din ay inilunsad ng GLOBIS University sa Japan ang GLOBIS Unlimited. Ito ay isang libreng business microlearning platform na pwede mong gamitin mula ngayon, April 10, hanggang April 30, 2020.

    I-click mo lang ang link na ito para makapagregister ng libre: https://www.globis.ac.jp/unlimited-offer/

    Ilan sa mga pwede mong matutunan sa pamamagitan ng online learning platform na ito ay ang Critical Thinking and Analytical Skills, Marketing Strategy, at Accounting and Finance.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Narito ang mga kursong maaari mong pag-aralan.
    PHOTO BY Website / GLOBIS Unlimited
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Matututunan mo rin kung paano gumawa ng balance sheet, isa sa mga pinakamahahalagang financial statements ng isang kumpanya.

    Mayroon din silang klase tungkol sa kaibahan ng Leadership at Management. Ano nga bang pinagkaiba ng dalawa? Kung goal mo ang ma-promote sa isang management position ngayong taon, mahalaga na alam mo ang pinagkaiba ng isang leader at ng isang manager.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa rin sa mga highly recommended lessons na mayroon sila ay ang Leadership with Passion through Kokorozashi.

    Handa ka na bang mahanap ang iyong "Kokorozashi"?
    PHOTO BY Website / GLOBIS Unlimited
    "Kokorozashi" ang Japanese na salita para sa "personal mission". Handa ka na ba para hanapin ang iyong kokorozashi?

    Kung gusto mo kasing maging isang epektibong lider, kailangan mong mahanap ang iyong personal na misyon at passion. Ito kasi ang ilan sa mga sangkap para maging isang epektibong business leader.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag mayroon kang passion at personal mission, ano man ang balakid na humarang sa iyo at gaano man ka-stressful ang mga nangyayari sa paligid mo, hindi ka panghihinaan ng loob.

    What other parents are reading

    Marami ring mga seminars na pwede mong panoorin para ma-inspire ka ano man ang mga goals mo sa buhay.

    Hindi porket nanay ka na ay titigil ka na rin sa pagpapalawak ng iyong mga kaalaman at pag-iimprove sa iyong sarili. Hindi rin ibig sabihin na titigil ka na sa pag-abot ng kung ano mang pangarap mo.

    Ilan lamang ang mga iyan sa mga kursong pwede mong pag-aralan sa pamamagitan ng GLOBIS Unlimited. Para sa iba pang impormasyong tungkol sa GLOBIS, puntahan mo lang ang website na ito: https://www.globis.ac.jp/unlimited-offer/

    Nasubukan mo na bang kumuha ng mga courses online? Kumusta ang experience mo? Anu-ano ang mga natutunan mo? I-share mo lang sa comments section. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles