celebrity,business,Tagalog,investment,Benj Manalo,Lovely Abella,Lovely Abella, Benj Manalo May Bagong Investment Na Resort,Arts & Entertainment, Celebrities & Entertainment News, Lovely Abella, Benj Manalo, business opportunities, investment, spouses as business partners, resort,May panibagong investment ang mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo pagkatapos magtagumpay sa live selling. Ito ay ang Casa Manalo resort sa Pampanga.
LifeMoney

Lovely Abella At Benj Manalo, May Panibagong Investment: 'Soon Casa Manalo Resort'

Nabili ng mag-asawa ang property sa Mexico, Pampanga.
PHOTO BYInstagram/lovelyabella, benj

Pagkatapos maipundar ng mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo ang mas malaking bahay (basahin dito) kumpara sa dati nilang tirahan na ngayon ay parte ng kanilang business operations, nakabili sila ng property na plano rin nilang gawing negosyo.

Ibinahagi nina Lovely at Benj sa kani-kanilang Instagram account ang ilang litrato na kuha sa pag-aari na nila ngayon na bahay at lupa sa bayan ng Mexico sa Pampanga.

"Maging INSPIRASYON sa tulad naming mapapangarapin lang din," lahad ni Lovely sa caption, "pero dahil sa sipag, tiyaga at pananalig kay Lord walang impossible."

Kuwento ng aktres na nakilala sa GMA-7 gag show na Bubble Gang, "Matagal ng pangarap ng asawa ko @benj na magkaroon ng bahay sa tabing dagat pa ang gusto niya. Pero dahil naiba ang Priority namin, nakalimutan na namin lahat ng yun, hanggang sa isang araw tinamaan ng Anxiety ang asawa ko at nag aya siya mag outing.

"Doon namin narealize na ang sarap magpahinga sa malayo, sarap magpahinga sa tahimik na lugar, sa lugar na tabi ng maraming puno at bigla namin to pinuntahan sa Mexico, Pampanga."

Dagdag pa niya, "Hanggang sa nainlove na kami sa lugar na to, dahil naisip nadin namin na ipa Private Rent na din sa iba. Araw araw namin pinag Pray kay Lord, araw araw namin siyang kinakausap kung ibibigay ba niya sa amin to, dahil hindi lang namin nagustuhan ang lugar pati ang mga owner napakabait at ngayon Boom meron at magkakaroon na ng CASA MANALO RESORT."

Masaya rin si Lovely dahil sa isa pang bagay: "May mabibigyan na naman kami ng trabaho sa Pampanga area, para mag alaga ng bahay at ng mga magiging zuki namin."

"Zuki" ang tawag nilang mag-asawa sa mga tumatangkilik ng kanilang live selling at mga negosyo sa ilalim ng sariling kumpanya. Ito ang Seven Long Table Marketing Inc., kung saan tumatayo si Lovely bilang chief executive officer (CEO) habang si Benj naman ang chief operating officer (COO).

Distributor sila ng ilang produkto: Lovely Cosmetics, Caf'eatte slimming coffee, Kaysha Sandalia footwear, at Pareja apparel.

watch now

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Lovely tungkol sa bagong property, nagpasalamat siya sa mga "mabubuting owner" na pinagbilhan nila. Sinabi pa niyang "excited" siyang makilala ang mga bago nilang kapitbahay.

Nagbigay pagpupugay din si Lovely sa asawa at ama ng ipinagbubuntis niyang panganay nila (may tag-isa silang anak sa mga dating karelasyon). Aniya, "Babe Benj Manalo Good job. Di tayo mapapagod magtrabaho para sa future ng pamilya natin at sa future ng mga nakapaligid sa atin, at sa mga taong kailangan tayo, dahil yun ang purpose natin sa mundo."

May isa pa siyang mensahe: "Kaya ikaw na nagbabasa nito, alam ko madami kang pangarap, madami kang plano sa buhay. Pero hindi pwede na ipagdasal mo lang at si Lord na ang bahala, kasi kailangan sabayan ng sipag, tiyaga at diskarte sa buhay.

"Di man agad binibgay pero tulad ng lagi kung sinasabi sa inyo may kanya kanyang plano sa atin si LORD magtiwala ka lang."

Sa huli, may masayang anunsyo ni Lovely, "SOON CASA MANALO RESORT!!!!"

Tingnan ang post na ito sa Instagram

Isang post na ibinahagi ni Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)

Basahin dito ang kuwento naman ni Neri Miranda kung paano nila naipundar ng asawang si Chito Miranda ang resthouse sa Baguio.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close