embed embed2
  • Lovely Abella Calls Closure Of Live Selling Mall 'A Wise Decision,' Here's Why

    Ibinahagi rin ni Lovely kung kailan mo malalaman kung dapat mo nang bitawan ang negosyo mo.
    by Judy Santiago Aladin .
Lovely Abella Calls Closure Of Live Selling Mall 'A Wise Decision,' Here's Why
PHOTO BY INSTAGRAM /LOVELYABELLA_, TIKTOK /LOVELY_ABELLA
  • Mag-a-anim na buwang buntis na ang dating dancer na ngayon ay businessowner na si Lovely Abella, at isa ito sa mga itinuturo niyang dahilan kung bakit nagdesisyon sila ng kanyang asawa na si Benj Manalo na isara ang kanilang live selling mall.

    Nitong Disyembre lang nila sinimulan ang negosyo na tinagurian nilang "1st live selling mall" sa bansa.

    Sa TikTok unang inanunsyo ni Lovely ang decision nilang mag-asawa, at tinawag niya itong "wise decision."

    Nasa 1.6 million views na ang video nila kung saan magkayakap sila habang tinitingnan ang kanilang live studio mall.

    "Nakakalungkot man ang business failure na 'to sa atin, heto ang dahilan kung bakit mas nagiging strong tayo! Basta kasama natin si Lord 'di tayo mapapahamak at lulubog," aniya.

    "Hindi po ibig sabihin na failure po eh hindi po tayo magtutuloy-tuloy sa buhay." --Lovely Abella

    Maging ang wealth and life coach na si Chinkee Tan ay pinalakas ang loob ng mag-asawa, "Laban lang."

    READ ALSO: Heto Ang Mga Kailangan Mong Gawin Bago Mag-Add To Cart, Ayon Kay Chinkee Tan

    Sa mga sunod na posts naman ay ibinahagi ni Lovely ang nangyari sa kanyang mga followelrs.

    "So ito pong ating BenLy's Live Studio Mall, sa mga hindi po inaasahang pangyayari, medyo hindi po tayo sinuwerte dito dahil nagkulang po kami sa marketing, kasi especially ako po ay nabuntis last January po."

    Matagal na hinintay ng mag-asawa na magkaroon ng sarili nilang anak, kaya naman tama lamang na maging priority niya ito higit sa kahit ano. 

    READ ALSO: Napawi Ang Kaba Ni Lovely Abella Sa 'Blighted Ovum' Nang Marinig Ang Heartbeat Ni Baby

    Paliwanag niya, malaki ang upa nila para sa live selling mall at hindi na ito kayang matugunan ng benta nilang mga damit sa pamamagitan ng live selling.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Actually mga suki, ito po ay wise decision naming mag-asawa, kasi ang upa natin dito ay nasa 100,000-130,000 pesos every month at hindi na po siya kayang i-shoulder ng damit lang, kasi dapat nga po dito po ako magla-live selling ng gold, may mga live sellers na pwedeng mag-live ng luxury bags, pero hindi po nangyari iyon."

    Dagdag niya, aalis lamang daw sila sa inuupahang building sa Quezon City, ngunit magkakaroon pa rin sila ng physical store sa hinaharap.

    READ ALSO: From Dancer To CEO, Lovely Abella Shares The One Thing That Helped Her Overcome Failure

    Milyon man daw ang nagastos nilang mag-asawa sa negosyong ito, masaya pa rin si Lovely dahil naranasan niya ang magkaroon ng ganitong negosyo.

    Pahayag pa niya, "Hindi po ibig sabihin na failure po eh hindi po tayo magtutuloy-tuloy sa buhay. Tuloy-tuloy pa rin po ang aming live selling."

    Anim na buwan lang nagtagal ang kanilang live selling mall, at isasara na raw nila ito sa Hunyo.

    Marami namang businessowners ang na-inspire sa post ni Lovely, lalo na't hindi nila ikinukubli sa publiko ang mga ganitong pangyayari sa kanilang negosyo. 

    "Nung nakikita namin na di siya nag-ROI, walang tulong, kinakain na yung ibang negosyo namin para makapagpasweldo o para makapagbayad ng rent, kaya ginive up namin." --Lovely Abella

    Kuwento ni Lovely, "Mas masarap mag-share na hindi puro success, kasi alam naman natin na puro success ang napapanood natin palagi, so may times na nahihikayat tayo na mag-negosyo kahit di naman natin alam kung anong inenegosyo natin."

    Natuto rin daw sila na hindi pala patok ang physical store sa mga mamimili ngayon, dahil nakasanayan na ng mga Pinoy ang live selling o ang pamimili sa mga e-commerce platforms gaya ng Shopee at Lazada.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    "Kung nasisimot ka na, bitawan mo na. Kasi baka ito yung dahilan para malubog ka sa utang." --Lovely Abella

    Nagbigay naman ng tips si Lovely kung paano mo malalaman kung dapat mo nang bitawan ang isang negosyo.

    "Nung nakikita namin na di siya nag-ROI, walang tulong, kinakain na yung ibang negosyo namin para makapagpasweldo o para makapagbayad ng rent, kaya ginive up namin."

    Dagdag pa niya, "Lalo na kung hinuhugot mo na yung pang-save mo sa business mo ay galing na sa bulsa, ibig sabihin hindi na kasama sa puhunan mo, nasisimot ka na, bitawan mo na. Kasi baka ito yung dahilan para malubog ka sa utang."

    Paalala niya, 'wag isipin ang sasabihin ng ibang tao kung sakaling magpasya na isasara mo na ang negosyo mo. Mahalaga na alamin ang purpose at goal mo sa negosyo, at mag-focus lang dito.

    "Hindi po dahil sa mga taong nakapaligid sa atin para maimpress natin sila. Si Lord ang dapat pina-paimpress natin."

    At kung sakali mang magsara ang iyong negosyo, gawin daw ito ng masaya. 

    Dahil paninindigan nga niya, "Failure is part of success."

    Basahin ang mga tips kung paano makakaipon para sa negosyo dito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close