embed embed2
  • Sabi Ni Melai Cantiveros Hindi Niya Inaako Ang Pang-Tuition Fee Ng Kamag-Anak

    Si Melai at kanyang asawang si Jason Francisco ay may dalawang anak.
    by Jocelyn Valle .
  • Nang magsimulang kumita si Melai Cantiveros bilang winner ng Pinoy Big Brother noong 2009 at tuluyang pasukin ang showbiz, in-enjoy niya ang sariling pera. Nagpupunta raw siya ng resort kasama ang kanyang barkada at hindi iniisip ang tamang kalalagyan ng kanyang kita.

    “Pero no’ng nag-asawa ako, nagkaroon kami ng anak, nagbago na,” sabi ni Melai nang ma-interview sa vlog ni Enchong Dee. “Nakita ko na kung saan ang ikabubuti ng anak namin, doon ako. May mga investment, may mga ipon.”

    Si Melai at ang kanyang asawang si Jason Francisco ay may dalawang anak, parehong babae: Mela, 7, at Stela, na 4 years sa April 9, 2021.

    Paliwanag pa ng actress-TV host na hindi siya maluho para sa sarili at mas gustong paggastusan ang “moments, experiences” kasama ang pamilya at iba pang kamag-anak.

    Kaya kapag umuwi raw siya sa hometown niya sa General Santos City, sinasabihan niya ang mga kapatid at pinsan na ihanda na nila ang kanilang mga bag dahil magbabakasyon grande sila, at siya ang taya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pero, sabi ni Melai, kapag daw hiningan siya ng pang-tuition fee ng kamag-anak, humihindi siya daw talaga. Paliwanag niya, "Kapag responsibilidad mo, responsibilidad mo ’yan. Pinasok mo ’yan. Hindi puwedeng ako."

    Dagdag pa ng Magandang Buhay host, "Sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee. Ite-text ako, hinihingan ako ng tuition fee. ‘Bakit ako magtu-tuition fee ng anak mo? Eh anak mo ’yan.’ 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Bata pa lang kami, tinuruan na kami ng Papa ko na huwag umasa. The best ’yung maging breadwinner, pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari, kung nagta-trabaho si ate, dapat nagta-trabaho ka rin."

    "Sa pamilya ko," sabi ni Melai na pawang mga lalaki ang kapatid, "kapag [humingi ng] tuition fee, 'Bakit ako mag-tuition fee?' Pagalitan talaga, manginginig…"

    Mapapanood ang interview kay Melai dito:

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles