-
Nabiktima Si Michael V Ng Online Seller Scam: ‘Kung Di N’yo In-Order, Just Say No’
May tips si Bitoy para sa mga madalas ding bumili online.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

May online seller scam alert si Michael V para sa mga tulad niyang namimili sa pamamagitan ng digital platform. Nag-post siya ng video tungkol dito sa kanyang Instagram account.
"May na-discover akong scam ng online sellers," bungad ng actor/host/writer/director. "Magi-ingat kayo dito." Ipinakita niya ang questionable item.
Kuwento ni Michael V, "Ang nag-receive nito ay ’yung mga kasambahay namin. This is a light stand, and this is cheap. As little as 500 pesos, o baka nga below pa. Nang diniliver ito, siningil ang mga kasambahay ko ng COD, 2,550 pesos."
Ipinakita niya ang resibong nagsasaad ng cash on delivery (COD) bilang pamamaraan ng pagbayad sa produkto.
Pero sabi ng Bubble Gang actor at creative director, kadalasang bumibili siya online gamit ang kanyang credit card. Kung may pagkakataon mang bumili siya ng COD, ipinagbibilin niya ito sa mga kasambahay, kalakip ang perang pambayad.
Kaya nang dumating ang questionable delivery, sabi ni Michael V, ang mga kasambahay ang nagbayad dahil wala naman siyang inaasahang darating na anumang order.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagbigay ng tips si Michael V na puwedeng makatulong sa pag-iwas sa online seller scam.
Basahing mabuti ang resibo
Base sa mga detalyeng nakasulat sa resibo, puwedeng magduda ka na. Sabi kasi ni Michael V, tanging "Jazz" lang ang nakalagay na pangalan ng online seller at tila hindi kapani-paniwala ang address nito. Isa pa, ang nakasulat na cellphone number ay 0920-0000000.
Punto niya: "Puro zero, paano mo tatawagan ngayon ’yan para magreklamo?"
Sa tingin ng GMA-7 star, ganito ang modus operandi ng mga scammer: "Pag nakakuha sila ng information, like name at saka address, magpapadala sila ng items sa mga tao na sa tingin nila, puwede nilang pagkakitaan.
"Markahan nila kahit sino for that matter. Mamarkahan nila ng COD, ’tapos ma-mark up-an nila, like this selfie stick. Mga 500 pesos lang ang presyo, pero 2,550 ang siningil.
"’Tapos, pag halimbawa, di alam ng nag-receive, ang gagawin siyempre magbabayad. Ang problema pag binayaran, wala na ang pera mo. Di mo na mababawi."
Tanggihan ang delivery kung wala ka naman talagang order
Sabi ni Michael V, "puwede mo namang tanggihan" ang dumating na item mula sa rider o kung sinuman ang nag-deliver ng hindi mo naman in-order. Payo niya, "Sabihin mo, ‘Hindi ko in-order ito, isoli mo.’ Ibabalik lang nila do’n sa online seller."
Kaya may mensahe siya sa mga gumagawa ng panloloko: "Hay, naku! Mga scammers! Eto namang daigdig na pinapasok n’yo. Pinagsasamantalahan n’yo naman ang mga taong walang magawa, hindi makalabas ng bahay. Puro online pamimili na lang ang ginagawa. Huwag naman, okay?"
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPara naman sa kanyang social media followers: "Guys, mag-ingat kayo. Malamang hindi na bago ’to, eh ngayon ko lang na-discover. So I just want to warn you about it."
Dagdag pa niya, "Para doon sa mga mahilig mamili online, maingat kayo. Be vigilant. Abangan n’yo ang mga scam na gaya nito. Kung di n’yo in-order, just say no."
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments