;
embed embed2
  • Kita Ni Mommy Sa Kanyang 2 Negosyo, Sapat Para 'Di Na Bumalik Sa Pagiging Empleyado

    Todo ang suporta ng kanyang asawa at dalawa nilang anak.
    by Jocelyn Valle .
Kita Ni Mommy Sa Kanyang 2 Negosyo, Sapat Para 'Di Na Bumalik Sa Pagiging Empleyado
PHOTO BY Courtesy Of Janet Mercado Castillo
  • Masasabi ni Janet Mercado Castillo na “inborn” ang hilig niya sa pagnenegosyo. Noon daw 7 years old siya, nagbebenta siya sa kanyang mga kaibigan ng stationery o writing pad na may magandang disenyo. Kung scented pa, Php2 ang benta niya. Pero kung unscented, Php1 lang.

    Naging pursigido sa negosyo si Janet, 39, pagkatapos niyang mag-resign sa trabaho bilang marketing officer noong 2019. Aniya, "Opportunity presented itself.  A good friend of mine inquired from me if I could supply materials for the company, and that's when I started."

    Sa parehong taon, itinatag niya ang RCJM Variety gamit ang initial capital na Php10,000 mula sa kanyang savings. Isa itong trading company na supplier ng samu't-saring mga bagay, "from paper clips to rocket ships," sa mga pribadong kumpanya at korporasyon, pati na sa local government units (LGUs). Mahahanap ito sa Facebook bilang RCJM Trading.

    Nagmula ang pangalan ng kanyang kumpanya sa initials ni Janet Mercado (JM) at ng kanyang asawa na si Raoul Castillo (RC), 40, na marketing officer sa isang shipping company. Pag-amin ng mompreneur, "We couldn't think of any other name."

    Kuwento ni Janet sa SmartParenting.com.ph, 13 years silang magnobyo-nobya bago sila nagpakasal dalawa-at-kalahating taon na ang nakakaraan. Mayroon silang dalawang anak: Gabby, 15, at Olivia, 7.

     

    Suportado si Janet ng kanyang asawang si Raoul at kanilang mga anak na sina Gabby at Olivia.
    PHOTO BY Courtesy of Janet Mercado Castillo
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Dagdag ni Janet na suportado siya ni Raoul "emotionally, mentally, physically, etc. name it," at sigurado siyang "I got his back 100%." Pagdating daw sa diskarte sa negosyo, "I just went with the flow," kaya nakapagsimula raw siya kaagad.

    May mga "challenges," imbes na "difficulties" siyang pinagdaanan sa pagtataguyod ng RCJM Trading. Pangunahin dito ang proseso ng bidding sa mga kliyente. Isa sa mga una niyang kliyente ay kaibigan niya.

    Pagkaraan ng higit isang taon, binuksan naman ni Janet, sa panahon na ng COVID-19 pandemic, ang shopatMerkado. Isa itong online shop "selling anything under the sun," na mahahanap naman sa Instagram.

    Masayang lahad ni Janet na nakamit niya ang return on investment (ROI) tatlong buwan lang nang simulan niyang magnegosyo. Aniya, "ROI with earnings na. Yes, sinusweldo ko sarili ko. I also try to enjoy my earnings, hehehe! I use it on a case-to-case basis, mostly food-related."

    Sa ngayon, kumikita si Janet mula sa kanyang dalawang negosyo nang sapat para magpatuloy pa bilang sarili niyang boss. Diin niya, "It made me never look back to being employed again."

    Marami rin daw siyang natutunan sa pagpapatakbo ng negosyo, lalo na nitong panahon ng pandemya. Pangunahin diyan ang reyalisasyon na may mga paraan upang magkaroon ng "decent living," at ang pagpapahalaga sa "quality time" kapiling ang pamilya.

    Paliwanag niya, "When doing online [business], I get to deal with a lot of different types of people in all walks of life, and that made become a more diverse person." Kaya payo niya sa mga mommy at daddy na nagbabalak na sumabak din sa online home business, "Just be persistent, motivate yourself every day, offer products that you yourself believe in."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa kanyang karanasan daw, malaking tulong ang "time management and setting priorities" sa pagpapatakbo ng negosyo at pagtataguyod ng pamilya. Aniya, "I make sure that no matter how busy I am, I set time for my family like attending to their online classes, cooking their favorite food, walking or jogging with them, having movie/game nights and our usual McDonald's food trip."

    Sa panig naman ng kanilang mga anak, natututo raw ng "value of hard work" sina Gabby at Olivia. Kuwento ni Janet, "Sometimes I involve them when packing stuff or cleaning or doing quality control. It teaches them of having a 'role' in a team and being proud of it, like, usually my 7-year-old helps with cleaning and my 15-year-old helps with checking the quality of the products."

    Ito raw kasi ang pangarap ni Janet para sa kanyang pamilya: "My dream for my family is for my kids' success in their personal and professional life. For me and my husband, to ensure our healthy lifestyle but to be honest, right now, I thank God that I can already call my present life a dream come true."

    Dagdag niya, "I can say that I am already a successful mother when I see my children grow up with good manners and values that we instilled in them, right attitude, and can already manage to be independent."

    May tips din ang iba pang mompreneurs, basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles